Wednesday, February 16, 2011

Ang Manliligaw na Babae o si Frustrated Miss Valentine’s

Paalala: ang sumusunod na kuwento ay isang fiction, yung tipong teleserye na madalas pinananampalatayanan ng madla. Hindi ito blind-item. Kung may skandalo man dahil dito, hindi ko na kasalanan ‘yun. Makati lang talaga ang dila mo at makitid ang utak mo. Sorry, walang kinabukasan ang katulad mo.


“Kuya anong magandang i-regalo sa lalaki?”, sabi ng katrabaho ko.

Napakunot ang aking noo at tiningnan kong mabuti ang dalagita kong katrabaho? Naunawaan ko na agad kung ano ang patutunguhan ng aming paguusap.

“Teka ano na ba ang date ngayon?”, tanong ko agad sa kanya habang hinahalo ko ang asukal sa aking ika-limang tasa ng kape ng hapong iyon.

“February.”, sagot niya. Tila ba naging abstract art ang hitsura ng mukha niya. Siguro dahil hindi niya maunawaan kung bakit isang walang kwentang tanong ang itinugon ko sa kanya. O marahil ay naging ganoon na talaga ang expression ng mukha ng isang nagtatrabaho sa isang kainan na dinadayo ng mga eng-eng at mga utak-biya.

 Tripster Guy: “Ah February pala. Kala ko Pasko na naman eh.”

Frustrated Miss Valentine’s: “Kuya naman!”

Tripster Guy: “Bakit ba? Anong meron?”

Frustrated Miss Valentine’s: “Wala lang.”

Tripster Guy: “OMG! May syota ka na?! Kala ko single ka pa.”

Frustrated Miss Valentine’s: “Nako kuya, marami nang nakaka-alam. Hindi mo ba nakita sa Facebook account ko?”

Tripster Guy: “Wala na akong Facebook account. Pang common people na kasi ‘yun, at hindi rin ako chismoso. Sorry na lang!”

Frustrated Miss Valentine’s: “Anyway, ano ba ang magandang ibigay sa guy para sa Valentine’s?”

Napa-isip ako nang mabuti. Mahirap regaluhan ang lalaki, sabi ko sa kanya. Tinanong naman niya ako, “Eh ikaw ba? Ano ba ang hilig mo?”

Maliban sa mang-insulto ng mga tao, mag criticise sa mga parak at mga buwayang kongresista, pag-tripan ang mga kabaliwan ng isang laman-lupang dwende na dating pinuno ng isang nakaka-abnong bansa sa Asya, magbasa ng balita, mag cutting classes, magkape, at mangarap na i-massacre ang lahat ng mga jejemon, ano pa nga ba ang hilig ko?

Tripster Guy: “Libro! Yan ang passion ko.”

Frustrated Miss Valentine’s: “Libro?”

Tripster Guy: “Oo libro. Ang nerd ko no? Kakaiba ako sa lahat ng mga kalalakihan dahil iba ang trip ko sa buhay eh. Mabuti pa alamin mo kung ano ang obsession niya. Madalas sa mga guys hilig nila sports at gadgets. Puede rin ang accessories.”

Frustrated Miss Valentine’s: Nako, hindi siya puede ng mga bracelets o kahit anong accessories. Puede siguro kuwintas.
Dinamayan ko ang katrabaho ko sa pag-iisip habang siya ay naghuhugas ng mga tasa at platito.

Hanep na talaga ang panahon ngayon. Ang Valentine’s Day ay isa nang extension ng Pasko para sa mga magkakasitahan!

Paano kaya nangyari ‘yun? Kung ganoon ang kalagayan ng mga piyestang ito, isa lang ang ibig sabihin nito- anak sa labas ni Santa Claus si Kupido at kaya ito may pana ay para ipagtanggol niya ang sarili niya sakaling ipapatay ni Mrs. Claus si Kupido at ang nanay niyang querida ni Santa Claus.

Pero maliban diyan, nabibigla na din ako dahil babae na ngayon ang naghahanda para sa Valentine’s Day. Dati  naaalala ko, halos mag-mukhang constipated ang mukha ko sa paggawa ng budget para sa buwan ng February kasi kasama diyan yung regalo sa girlfriend at yung pagdate sa labas. Siyempre ikaw na lalaki ang taya sa lahat. Kahihiyan pa kung hindi mo kakayanin na akuin ang mga gastusin ng pinakamahalagang piyesta ng mga magkakasintahan.

Hindi lang naman si Frustrated Miss Valentine’s ang ganyan pati na rin ang kaibigan kong si Miss Emotional Parking Lot, na medyo abala din sa pagiisip kung anong ireregalo niya kay On-and-Off-sintu-sintong-BF. Siyempre, ubang usapan pa rin yan.

Balik tayo kay Frustrated Miss Valentine’s. Pasensya na lang kung napag-tripan ko siya dito pero sintomas lang siya ng pagbabago ngayon ng lipunan. Bakit nagaatubili maglingkod ang babae kay lalaki sa araw ng Balentayms (Filipino term for Valentine’s Day)?

Tripster Guy:  Frustrated MV, ‘wag mo na masyado isipin yan! Hindi ba dapat lalaki ang umatupag sa ganyan? Ang trabaho mo lang ay maghintay para sa move niya.

Frustrated Miss Valentine’s: Oo nga kuya pero gusto din naman na meron akong maibigay din sa kanya.

Kung tutuusin sa lalaki hindi na mahalaga kung may maibigay na regalo ang gf niya o wala. Ang mahalaga sa amin ay yung pang-unawa, attention at pagmamahal. Pero bakit ba nagpapaka-haggard itong si FMV?!

Pinayuhan ko na lang siya na makipag date na lang sa kanyang kasintahan sa isang magandang restaurant. Sa kasamaang palad, nasa ibang siyudad ang kanyang magiting na irog.

Long-distance relationship pa pala. Patay.

Humingi ulit ako sa kanya ng isa pang tasa ng espresso. Ika-walong tasa na. Hinaluan ko ulit ng asukal. Hindi ko alam kung tama ng kape na iniinom ko itong nararamdaman ko o talagang naiinis lang ako sa makabagong kultura ng relationship ngayon?

Hinayaan ko na lang siya sa kanyang krisis. Tutal siya din naman ang gagawa ng desisyon at mukhang desidido siya sa ginagawa niya. Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang ganitong uri ng relasyon. Babae talaga, hindi maintindihan. Buti na lang hindi na babae ang pinagbubuhusan ko ng attention kundi yung “bagong second-hand” kong Volkswagen. Weeeeh!

Pangalawang paalala:

Ang tungkol sa pagiging single ko at yung "bagong second-hand" na Volkswagen ko ay ang mga elementong may katotohanan sa istoryang ito. Bow.

No comments:

Post a Comment

Sige, sakayan niyo ang trip ko....