Monday, February 07, 2011

Ang Paboritong Libro ni Hudas (Hindi ito compilation ng aking kabalastugan sa buhay, kaya ‘wag kang OA)

Nararapat lamang na isulat ko ito sa style na madalas kong tawagin na “may pagka-Bob-Ong”.

Ito ang ikatlong aklat ni Bob Ong na nailathala noong 2003.

(Before I move on, if you’re a foreigner or simply a pseudo-conyo who refuses to grasp the meaning of each Filipino word written above, I’d like to apologize if I’m writing this in my own language. I can’t insult my favourite Filipino icon by writing a ‘review’ about his work in English. I need to do this alla Bob Ong style.)

Nagpabili ako ng kopya nito sa kaibigan ko na umuwi ng Pilipinas nung isang taon. Nang una daw niyang nakita yung title naisip niya na umaapaw na naman daw ako sa dunong sapagkat pagaaralan ko ang isang gnostic gospel na isinulat ni Hudas.

Sorry pero mali siya. Unang una, bakit ako magkakainteres sa mga taong Hudas? Sa dami na nang ganyan eh sawang sawa na nga ako, bumili pa kaya ako ng mga ganong klaseng aklat? Pangalawa, baka matuluyan na talaga akong mapatawan ng excommunication ng aming iglesiya kung magbabasa ako ng mga controversial at erratic gospels, kaya hindi talaga ako interesado sa mga ganon.

Kaya nung nabuklat niya ang libro napagtanto din ng kaibigan ko na isang normal din pala akong Pilipino tulad ng nakararami- may pagka jologs at talagang inherent ang absurdity sa buhay. Oo, absurd ang sinabi ko dahil hindi ko alam sa tagalog ang absurd at tinatamad akong kalkalin ang aparador ko upang buklatin ang Tagalog-English dictionary.

Muli na naman nabuhayan ako ng dugo nang nabasa ko ang Black Book o Ang Paboritong Libro ni Hudas. Di ko masyado na-gets kung bakit ang Black Book na ito ang matataguriang paborito na aklat ni Hudas. Kung ito man nga ang naging paboritong libro ng apostol na hudas, marahil ito na siguro ang nagdulot sa kanyang mag-hudas!

Kung tutuusin walang kabalastugan na nilalaman ang libro ni Ong. Ang panimula ng libro ay  isang kwento ng isang taong nagpakatiwakal nakikipag-usap sa isang nilalang na hindi niya masabi kung iyon ba ang Diyos o si Lucifer na umaarangkada na naman sa pang-go-goodtime.

Nahahati ito sa pitong kabanata na bawat isa ay may titulo na pawang mga anagram ng 7 mortal sins-

Chapter 1 Veny- Envy
Chapter 2 Geran- Anger
Chatper 3 Depir- Pride
Chapter 4 Ventocoseuss- Coveteousness
Chapter 5 Tuls- Lust
Chapter 6 Gynottul- Gluttony
Chapter 7 Holts- Sloth

Ang ilan sa mga sanaysay ay walang kinalaman sa mga nasabing titulo ng bawat kapitulo. Ang nilalaman ng aklat madalas ay ang mga personal na karanasan ng manunulat sa kanyang araw-araw na buhay at ang kanyang mga saloobin at opinyon sa ilang mga bagay-bagay.

Ilan sa mga nakakaaliw na sanaysay sa aklat ay ang ‘Chalkdust: Mga Kwentong Chalk Revisited’, mga ala-ala ng mga terror teachers niya sa college at ang kanyang payo para sa mga taong nagiisip mag-suicide. Oo may payo siya para sa mga walang ka-adud-adud na nilalang na gustong magpakatiwakal!

Wala naman masyadong espesyal at napaka-ordinaryo lang ni Bob Ong kung tutuusin pero bakit patok na patok siya sa lahat ng taong marunong magbasa?

Siguro dahil ang kanyang aklat ay para salamin. Kapag binasa mo, nakikita mo ang sarili mo- ang iyong taglay na kagwapuhan at ang mala-halimaw mong mga tagihawat. Nakikita natin ang kagandahan ng kulturang Pinoy at ang madalas nating mga kapraningan sa araw-araw na buhay.

Iyan ang magandang balita ni Bob Ong.

1 comment:

Sige, sakayan niyo ang trip ko....