Monday, May 23, 2011

The Things I Would Do Before the End of the World and My Official End of the World Playlist


Hindi na dapat ako makakapag post pa dahil end of the world na daw last May 21. Ewan ko ba kung ano ang trip nitong si Harold Camping.

Ayon naman sa omniscient writer ng Holy Scriptures na si Jesus Christ, ‘wag daw magpapaniwala sa mga epal na magsasabi ng mga specific dates ng kanyang mala-parteh partehng pagbabalik.

36 “But about that day or hour no one knows, not even the angels in heaven, nor the Son,[f] but only the Father. 37 As it was in the days of Noah, so it will be at the coming of the Son of Man. 38 For in the days before the flood, people were eating and drinking, marrying and giving in marriage, up to the day Noah entered the ark; 39 and they knew nothing about what would happen until the flood came and took them all away. That is how it will be at the coming of the Son of Man. 40 Two men will be in the field; one will be taken and the other left. 41 Two women will be grinding with a hand mill; one will be taken and the other left.
   42 “Therefore keep watch, because you do not know on what day your Lord will come. 43 But understand this: If the owner of the house had known at what time of night the thief was coming, he would have kept watch and would not have let his house be broken into. 44 So you also must be ready, because the Son of Man will come at an hour when you do not expect him. – Matthew 24:36-44 (NIV)


Kita mo! Kahit si Hesus ayaw sa mga epal! The world is going to come to an end pero yung ayon pa rin sa sinabi ng Bible. But not in this way pareng Harold Camping. Ang labo mo pre! Mas matindi ang trip mo kesa sa trip ko!

Pero paano nga halimbawa kung sinabi sa iyo ang specific date ng end of the world?

I found the list I wrote many years (and kilos) ago. Kasama sa listahan na ito ang mga hangarin ko na saksakin ng walang pakundangan ang mga kinaiinisan ko at ang mga taong nang-insulto sa akin, sunugin ang mga pinasukan kong paaralan, at wild random sex.

Kapag nababanggit ang end of the world siguradong marami ang magsasabi ng three obvious answers: kill enemies, indulge myself with the most delicious dishes, and wild sex and orgies. And yes, these are the top three things that came to my mind back then.

Looking back, I was full of anger… at oversexed! You know, youth and hormones. Hehehe!

Pero na-realize ko din na if this is my last day on earth why not do something meaningful? Yung may sense ika nga. Hindi pa kasi end of the world puro kabalastugan na ang trip ng mga tao. When the world is going berserk I think I’d do the most “Christian” thing to do para ma-iba naman…

So, nasabi na sa akin na end of the world at ito ang gagawin ko from morning hanggang sa katapusan.

#1. Wake up early, bring my guitar with me and play a tribute song to Eraserheads. Oo, isang awitin para kay Ely, Raymund, Buddy at Marcus. Siyempre ang aking all-time favourite “Ang Huling El Bimbo” ang tutugtugin ko dun sa ibabaw ng tulay malapit sa bahay namin. Ely Buendia, pare, kahit sa huling sandali, I love you pa rin! LOL!

Song no. 1- Huling El Bimbo



#2. Prepare breakfast for my parents. Kahit papaano mapagsilbihan ko ang mga magulang ko kahit sa huling sandali. Yakapin sila for the last time and thank them for everything. Hihingi ako ng patawad sa lahat ng pagkukulang ko at kasalanan. I should say these things to them kasi kahit kailan hindi sila nagkulang o nagkamali sa akin. I would call my pastors too dahil sila ang naging second parents ko and thank them for all the prayers and support they gave me.

Song no. 2- Toyang- parang bagay sa kanila yung song eh….



#3. Yakapin ko ang mga lola ko na buhay pa hanggang ngayon. Sila na naging mga number 1 fans naming magkapatid. Yes, spoiled na spoiled ako sa mga yan. Ewan ko nga ba kung bakit fans naming magkapatid sila pero mahal na mahal namin sila.

Song no. 3- Yiruma- Kiss the Rain




#4. Call my sister a chienne for the very last time! Hahaha! Madalas ako magka-highblood dahil sa kapatid ko. Hindi ko rin kasi minsan matiis ang mukha niya eh. Pero kahit ganon eh kapatid ko pa rin siya. Siguro magkakape kami for the last time. Sorry sis, I hate your guts sometimes pero kapatid pa rin kita and you’re still the best. Sa End of the World, aaminin ko na…. HINDI KO KASALANAN KUNG NAWALA ANG CELLPHONE MO NOONG MAY 23, 2011.

Song no. 4- Gusto ko sana yung isang particular na kanta ni Meredith Brooks pero ito na lang siguro ang puede… Stupid Girl by Pink



#5. Hopefully gumagana pa ang mga phone lines or functional pa ang mga highways para ma-contact at mapuntahan ko pa ang mga bestfriends ko. One lives in Milan and the other sa Rome. Ang lalayo nila. Pero kahit malayo sila eh naging malapit sila sa akin. Magpapaalam ako at magrerecite na rin ng last speech ko sa kanila. Wala kami masyadong common ground except for the fact na pareho kaming believers at malalakas ang tama at trip sa utak.

Song no. 5- Minsan by Eraserheads



#6. Pupuntahan ko ang ilan sa mga kaibigan ko at magpapaalam ako sa kanila ng maayos. Siguro sa pagkakataon na ito ipapakita ko ang pure humanity ko, yung walang eccentricity o kahit anong ka-baliwan ko, tapos yayayain ko sila maglaro ng Kinect Xbox. Of course, hanggang sa huli, sama-sama kami sa mga trip na yan!

Song no. 6-  With a Smile




Immediately after that, sundan agad neto…

Song no. 7- Smells Like Teen Spirit by Nirvana hahahaha!



#7. I will give my last words (speech nga ulit) sa aking mga kids ng youth group ng church namin. Alam kong hindi maniniwala ang iba na isa akong youth leader, isang youth worker ng local church namin dahil sa mga pinagsusulat ko. Pero totoo ito! I would tell them na kahit madalas ako ma-highblood sa kanila, genuine ang pagmamahal at concern ko sa kanila. They are like my adopted children na gusto ko laging i-disown every now and then kapag matitigas ang ulo nila. Pero dahil mahal ko sila, tatawagan ko sila at pupuntahan to tell them to hold on to their faith until the end.

Song no. 8- Chariots of Fire, background music ko while delivering my speech...



#8. Aaminin na ang mga dapat aminin. By this time, sasabihin ko na ang mga itinatago ko, ang mga sama ng loob at mga bagay na dapat sinabi ko na rin sa mga kaibigan, kamag-anak at mga magulang. Higit sa lahat aaminin ko rin sa’yo ang aking pagmamahal. Yes, I’m truly madly deeply in love with you. Mahirap isipin at ipaliwanag kung bakit. Hindi pa naman din ikaw ang type ko.

Song no. 9- Come What May



#9. Tawagin ang lahat ng mga kinaasaran at halip na pagpapatayin sila eh aaminin ko sa kanila ang sama ng loob ko at... kahit napakahirap…. HUMINGI NG TAWAD AT MAGPATAWAD. Sarap sana gumanti no? Pero sa mga huling sandali I want to make things right. Kahit papaano hindi nako sasablay dito.

Song no. 10- Greyhoundz- Koro, rock on!



#10. (pure fiction) Dahil sa inamin ko sa secret love ko ang aking pag-ibig, I assume na we would make love. Not sex, but we would make love, for the FIRST and last time. Hahaha!

Song no. 11- Roberta Flack- First Time Ever I Saw Your Face



#10 (ito yung maaaring mangyari talaga) In case na hindi siya sumama sa akin (and yes sigurado yun dahil hindi available), I might as well indulge myself with cakes, ice cream and other delicious food.

Song no. 12- Pink- So What



#11.  I would go to Fiesole, sa pinakamataas na point ng town. Say my last prayers and meditate on the passage in the Bible na sinaulo ko magmula ng bata pa ako. Psalm 23.

Song no. 13- It’s the End of the World As We Know It- REM



At kapag dumating na si Big JC ito ang sasabihin ko sa kanya…

“Welcome back sir. Can I take your order?”

1 comment:

  1. AHAHAHAHAHAHAHA!!! PAMATAY NA ENDING! hahahaha! a real and true-blooded Mcservant! xD pasadong pasado ka niyan kay papa stefano! xD plus, good shot ka na agad kay Big JC because you're ready to serve, courteous and humble (sa pag-greet ng customer. pwede ka na nila iconsider na magtrabaho sa canteen ng Langit LOL! don't forget to bring your Certificato H.A.C.C.P. LOL!!!)

    Wow, very intriguing naman ang iyong number 8! hahahaha! xD one of these days i'd like to meet that girl na masamang-masama sa loob mong mahalin! hahahaha! Ok na sana, romantic na, binanatan mo pa sa huli ng mapanlait na "Hindi pa naman din ikaw ang type ko." HAHAHAHAHA! Anlakas ng trip mo, parekoy! xD

    Anyway, I would have expected something really special other than that very simple thing you put on number 1...playing Eraserhead's song on your guitar. Is there a hidden message there? It just sounds weird...parang may di ka sinabi...parang may kulang...or maybe I'm just being paranoid! xD

    Just one last thing...I'm just wondering... ito na lahat 'yun??? solved ka na talaga dito? Hmmm...somehow parang kulang talaga...
    Something like...boh, ewan... parang lang talaga may kulang...but then again...its probably just an impression..

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....