Sunday, June 26, 2011

Va' Pensiero

Va, pensiero, sull'ali dorate;
va, ti posa sui clivi, sui colli,
ove olezzano tepide e molli
l'aure dolci del suolo natal!

Del Giordano le rive saluta,
di Sionne le torri atterrate...
Oh mia patria sì bella e perduta!
Oh membranza sì cara e fatal!

Arpa d'or dei fatidici vati,
perché muta dal salice pendi?
Le memorie nel petto raccendi,
ci favella del tempo che fu!

O simile di Sòlima ai fati
traggi un suono di crudo lamento,
o t'ispiri il Signore un concento
che ne infonda al patire virtù.




Napaiyak ako nang pinakikinggan ko ang chorus na ito na hango sa Nabucco, isang opera ng kinilalang national music artist ng Italy, na si Giuseppe Verdi.

Sa eksenang ito, ang mga hudyo na nasa exile sa ibang bansa ay nagdadrama, hinahanap at nageemote ang kanilang Patria, o ang inang bayan nilang Israel.

Alam kong medyo baduy ang sasabihin ko. Madalas ang isang tao mapapaiyak sa mga bagay na madrama o sa sobrang saya. Però ito ang pumukaw sa puso ko ng mga oras na iyon. Dahil ganoon din ang laman ng puso’t isipan ko.

Gabi ng June 19, nabalitaan ko na naidaos na ang 113th Independence Day Celebration dito sa Firenze. Hindi daw puede ng June 12 kasi may iba pang mahalagang event na inasikaso ang mga pinagpipitagang pinuno ng aming pamayanan. Importante yung event dahil may artista- si Gabby Concepcion at Giselle Sanchez.

Hanep! Ganon na pala ka importante yun?

Pero bago yan, nung nakaraang isang buwan, nagpapalitan ng mga kuru-kuro ang mga pinagpipitagang leaders ng community kung paano ipagdiriwang ang ATING araw ng kalayaan. Sabi ng isa, nararapat daw na isipin natin kung sino ang host country (na Italya) at dapat magbigay puwang din sa bansang ito at magbigay pugay sa kanyang watawat.

Kung hindi ka ba naman isang hangal na magdidiwang ng kasarinlan ng iyong bayan, tapos ihahalo mo ang pagpupugay sa bandila ng isang bayan na hindi mo kinabibilangan!

Buti na lang at may isa na sumagot sa kanya na hindi nararapat ang ganoong bagay sa nasabing event. Isipin mo nga naman, parang nag-organize ka ng isang pagging para sa kaarawan ng iyong anak, tapos kakantahan mo din ng “Maligayang Kaarawan” ang anak ng kapitbahay mo eh dapat para sa anak mo lang iyon.

Wala ka talaga sa isip mo!

Hindi rin maidadaos ang Independence Day Celebration na ito kung walang dumalo na mga medyo laos na artista.

Sila na maaari ang mga makabagong bayani- ang mga mababait at matulungin na mga celebrities. Ang hinahangaan at sinasamba ng sambayanang Pilipino.

Hindi ako magugulat kung sa mga darating na senatorial at presidential elections maglalaban-laban sa pulitika sina Pacquiao, Kris Aquino, Vice Ganda, Boy Abunda, Vicky Belo, Piolo Pascual, Willie Revillame (iboboto daw ito ng mga pedophiles) at lalu na ang pinakabongga sa lahat MOMMY DIONISIA!

Ano? Ang gulo di ba? Demokrasya ang tawag diyan. Isang salad ng mga bugok ng lipunan.

Ano sasabihin mo? Namimiss mo na ito?

May sinasanto din naman pala ito....


At lalu na ito? 

Alam na kung ano ang sinasamba naman nito!


Sino ba naman ang hindi mapapaiyak? Nasa ibang bansa ka, isang exported material ng gobyerno at nagdidiwang ka ng inyong kalayaan. Walang Pilipino ang hindi naghahanap ng pag-asa para sa sariling bayan. Lahat naman siguro gusto natin bumalik at mabuhay ng mapayapa at masagana sa piling ng sariling Inang Bayan at mamatay at mahimlay sa lupang sinilangan.

Sa buwan ng Hulyo muling magbibigay ng report sa SONA ang Pangulo ng Pilipinas. Sa likod niya ang mga elitistang barkadahan. Minsan iniisip ko, nagkamali ba ako sa pagsuporta sa Partido Liberal? Sinayang ko ba ang panahon, salapi, at lakas para manalo ang isang pulutong na pinangungunahan ni ABnoy…. Este… PNoy?

Pero demokrasya ito. Nasa akin at sa iyo ang kapangyarihan, hindi sa kanila. Kaya nating baguhin ang lahat. Kumilos, sumulat, magsalita, sumigaw, kumanta, sumayaw! Ano to disco? Pero gawin natin ang lahat upang magbago ang sistema. At higit sa lahat, kung bawat isa sa atin ay magpapakumbaba. Ang lahat ay manalangin sa Diyos na may awa. Tayo’y patatawarin at kanyang pagpapalain ang bayan natin.

May pag-asa pa mga kapatid, kapamilya, kapuso. Kahit naglipana na ang mga hangal, ogag, puta at manyak sa buong bansa, at kahit kakaunti ang mga natirang matitino na mamamayan, may pag-asa pa. Bakit? Iilan lang din naman ang mga katipunero, ang mga rebolusyonaryo at ang mga naniniwalang makakalaya ang Pilipinas? Hindi pa tapos ang laban.  

Fly, thought, on wings of gold;
go settle upon the slopes and the hills,
where, soft and mild, the sweet airs
of our native land smell fragrant!

Greet the banks of the
Jordan
and
Zion's toppled towers...
Oh, my country so beautiful and lost!
Oh, remembrance so dear and so fatal!

Golden harp of the prophetic seers,
why dost thou hang mute upon the willow?
Rekindle our bosom's memories,
and speak to us of times gone by!

Mindful of the fate of
Jerusalem,
give forth a sound of crude lamentation,
or may the Lord inspire you a harmony of voices
which may instill virtue to suffering.


No comments:

Post a Comment

Sige, sakayan niyo ang trip ko....