Wednesday, July 27, 2011

The Birthday Trilogy, part 2: Simple Steps for a Hassle-free Birthday Party

Hindi naman talaga madali ang mag-organize ng birthday party especially if you’re expecting a lot of people to come and at the same time kung alam mo na ang mga kaibigan mo ay mga naka maximum level of food-consumption capacity.



Isama mo pa diyan ang bulimic mong wallet (laging suka nang suka ng salary mo hanggang sa mangayayat siya), ang slave-driving multi-national exploiter company na pinagtrabaho ka sa araw ng birthday mo, AT ang suweldo mong hindi mo maintindihan kung paano mo pa babanatin para makaabot sa katapusan ng buwan.

I didn’t have the time, the money, not even the vitality to throw a party.

So I decided to do something that I’ve never done before sa araw ng aking kaarawan: MATULOG MAGHAPON. Besides, I was really tired.

When I got home, my mom and my evil sister was there. My Evil Sister (she’s not really evil. It’s just that at one moment she’s hysterical, then a minute later she’s that subliminal cheerful glowing airhead) greeted me “Happy Birthday! Tutte le mani su!”. Kala niya siguro nasa trabaho pa siya. High na naman siguro ang kapatid ko. Blabbering words again.

Nagpasalamat na lang ako and then I went straight to my room.

Akala siguro ng nanay ko, suicidal ako noong mga oras na iyon kaya noong hapon na iyon she made several phone calls.

Pagkamulat ng mga mata ko, may mga narinig akong ingay sa labas. Paglabas ko may instant party nako! Nandun yung mga close friends ng family namin, ang ugakers kong pinsan (for those who don’t know ugaker, saka ko na lang ipapaliwanag. It’s complicated), my beloved aunts and uncles, at ang mga pamangkin at inaanak ko.

Tingnan mo nga naman. Wala ka nang ginastos, may handa ka pa! Since it was impromptu, puro mga improvisations lahat but it turned out perfect!

I’m not fond of big birthday parties where you throw yourself into that myriad of nameless crowd while you never even recognize or give appropriate attention to your real friends, parents, and relatives.

Masayang masaya ako. Hindi lang halata dahil busy na ako noong oras na iyon sa paglamon sa cake na nasa harap ko. 

Sabi ko lang sa sarili ko, “It’s a pity wala ang mga kaibigan ko dito.”

A few days after that, sa sobrang slow ko maka-gets ng ilang bagay-bagay, hindi ko narealize na may hinanda pala silang surprise party!



Birthday bash na nila iyon sa akin at the same time, since this is the last year that I’ll be serving as their youth leader sa aming church youth group (again, people think that I’m a bad-mouthing perpetrator of devilry but that’s a VERY SMALL part of my personality, and I’m no son of the devil! I’m that heavenly average Joe and a real big brother to others).

Ang hindi lang malinaw sa akin ay kung sila ba ay nag party dahil sa akin o natutuwa lang sila makita akong mag-exit as their youth group leader. Whatever the case is, pinaghirapan nila iyon.

Seeing all their hardwork, they made me really proud. Hindi lang nila alam, whenever I go to other places I always tell (brag about) other people kung gaano ka-talentado at kabait (kahit minsan muntik na akong atakihin sa puso) ang mga kabataan namin. And especially my dearest friends, ang mga seniors sa group namin. Tumanda na kami halos nang sabay-sabay and we’ve been through quite a lot of good times and troubles. We’ve learned many things together.

And it’s really a very blissful moment to have your beloved friends around you, throwing a party for you, reminding you of the good-times, dedicating you your favourite Eraserheads songs, encouraging you and giving you a memorable gift, and finally MAY NATANGGAP NA RIN AKONG REGALO!

Ang spiritual parents ko ay nandoon. I’m proud of them and I’m very blessed that they consider me their spiritual son. Kahit minsan matigas ang ulo ko hindi nila ako itinakwil. My parents were there too. Ang tatay ko nagbigay ng very touching speech. Simple lang but it shows how he loves me. Nanay ko, as usual, kahit adult na ang anak may kasama pa rin na sermon. Ewan ko nga ba sa mga ina, kapag sinabihan mong magsalita, nag-wang-wang na lang ng sermon.

So you want a hassle-free birthday party?

First, love your friends. Love them even if you’ve seen them at their worst. Love covers over a multitude of sins. To love unconditionally is never easy but it’s worth it. Nothing is lost when you invest your time, resources and love in the lives of true friends.

Second, be generous and sow seeds of goodness because in time you will reap them. Ang surprise party na ito ay isa lamang sa mga na-reap ko.

Third, have faith that God is good. I know na bihira ko lang banggitin ang Diyos sa mga posts ko. Sometimes you would think, “Ano pa nga ba ang dapat i-celebrate?”. But this year He made me realize the importance of celebrating birthdays and sharing that dayyou’re your life with others who truly love you.

Now that I’m 26, life’s become quite difficult. But I’ll try to have fun with my friends and continue to pursue my greatest goal in life- WORLD DOMINATION.



P.S.

Promise ko sa mga kaibigan ko, next year, ako na talaga ang gagastos sa party. hahahah!

2 comments:

  1. what can i say?! you're so jejenic (instead of saying a bad bad word hahaha, hopefully na getz mo ang ibig kong sabihin) and F.Y.I hindi ako ugakers. and besides i didn't even want to go at your party, I had this thing! the thingy was the so-called L.Q duh! .. hmp ! I cheered myself up by going at your party and realising that HINDI PA AKO ANG PINAKAMALAS SA MUNDO kundi IKAW hahhaha ,,, of course JOKES LANG lahat to ! .. kasi madami atang efaloids ... reading yur blogah! and making my comment ANONYMOUS::: haller iba na noh! hahhaha ... kilala mo naman ako ! hahahha

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....