Friday, July 29, 2011

The Birthday Trilogy, part 3: My Birthday Wish This Year

Marami akong birthday wish.

Wish ko na sana….



Dumami pa ang mga weird, nerd at bookworms sa mundo para may makausap na katulad ko at para hindi na ako magtitiis makipagusap sa mga jejemon, posers, pseudo-conyos, mga TG at mga PG, at mga walang sense kausap.













Wish ko na sana….

Magkaroon na ako ng syota na handang bayaran ang mga bayarin ko at utang ngayon (yung itatrato talaga akong boy-toy, hahahaha). At kapag nabayaran na ang debts ko, handa na ako magpakasal!

Wish ko na sana

Maging akin ang iyong mundo.




Wish ko na sana



Makapaglathala ako ng isang libro, or at least matapos ko yung isa sa limang mga maikling kwento na sinimulan ko. Nawa maisulat ko na ang buhay ni Madam George, maipinta na ni Vincent ang pag-ibig at magkaroon ng kabuluhan ang kanyang kamatayan, paano maibubunyag ang lihim ng magkaibigang pastor at obispo, at anong klaseng nilalang ang lalaking nagpakita sa isang mahiwagang binata. Puro mga nasimulan ko ang mga kwentong iyan. Wish na sana matapos na sila.

Wish ko na sana…..



Tantanan na ng mga walang kwentang nilalang ang lovelife ng Presidente Aquino at ma-realize sana nila na hindi siya si Kris Aquino. Besides, wala talagang interesting kung magkaroon man ng lovelife si pangulo no?






Wish ko na sana

Ma-realize ni Kris Aquino na ang Pilipinas at ang buong mundo ay hindi umiikot sa star system niya.

Wish ko na sana….



Sumikat ang Azkals hindi dahil sa pagpapa-pogi ng mga half-breeds, hindi dahil sa kanilang entertainment value at looks at kung anumang quasi-naked-almost-erotic billboards sa EDSA, kundi dahil marunong talaga sila maglaro at may tunay na sports value sila.


Wish ko na sana...



Hindi mamatay si Gloria Arroyo kahit matagal na pinapangarap ito ng sambayanang Pilipino. Dahil unang-una, nais kong makita na pinagbabayaran ni Ate Glow at ng dating Unang Bastusing Ginoo Mike Arroyo. Death can postpone his appointment with her. Dapat muna maihain ang hustisya. Matapos , maaari na siyang pumanaw (please lang!).

Wish ko na sana



Matutunan kong patawarin si Gloria and company at ang faithful minions niyang mga Ampatuan. Nawa naman, kung mamamatay lang din si Glo, magsabay-sabay na sila dahil pare-pareho nilang niloko ang sambayanang Pilipino. Nakakaawa naman si Gloria kung mag-isa siya sa kailaliman ng lupa (other word: IMPIYERNO).

 Wish ko na sana….



Huwag nang makarating sa Kongreso o kahit sa Senado ang mga ganitong klaseng tao.

Wish ko na sana….

Makapagpalit na ako ng trabaho dahil nakakasawa din mala ang magpa-exploit ng todo todo sa isang multi-national company.


At higit sa lahat, ito ang wish na gusto ko talaga mangyari sa buhay ko.






Oo, yan nga. Di bale na mabuhay si Arroyo o manalo si Vargas bilang Pangulo ng Pilipinas, basta ako, ito na lang talaga ang pinapangarap ko sa buhay!

No comments:

Post a Comment

Sige, sakayan niyo ang trip ko....