Monday, September 19, 2011

Random Things I Learned from Bad Art




Alam kong may isang buwan na ang nakalipas nang naging headline ang exhibit ni Mideo Cruz, ang notorious artist na nag produce ng isang "blasphemous art".
For me, ang exhibit ni Mideo Cruz... it's quite, uhm.... inviting? hahaha! I don't like it. I'm no art expert, but when I saw the photos of the controversial exhibit, his work is no match with what I usually see in the Uffizi Gallery here in Florence or the ones you would see in the Louvre in France. Hindi ko talaga ma-appreciate ang modern art. Wala akong maintindihan. It's either sobrang bobo ko lang talaga o walang sense ang modern art.
I wouldn't say it's blasphemous and I won't be the judge to say that it's bastos or offensive. But I agree with what F. Sionil José said, that it was simply a juvenile art. Bad art sabi nga niya.
But in some ways, na appreciate ko din ang gawa ni Cruz. Itong bastos (daw) na artist na ito with his bad art made me realize several things:
1. Ang OA ng real-life- Why so much drama? Tulad nga ng sinabi ng dakilang writer na si Jessica Zafra, "In any case we have always believed that Filipinos are very open-minded about sex. They just like acting shocked. We’re a nation of drama queens."
Sila na rin nagsabi na basura ang work niya. Ganyan pala sila mag react sa basura ni Mideo, eh bakit hindi sila mag-dramang todo todo sa basura sa paligid natin?
2. Magaling sa drama si Imelda Marcos- Best Actress Award ang iaabot ko sa dating Unang Ginang nang sinabi na super disgusted daw siya sa phallic objects at condoms na inilagay sa mga imahen ng Catholic Church. Magaling din siya magtago ng sariling kulo. Wala yata nakaka-alala sa nag flop na International Film Festival na ginawa niya sa Manila. Ayon sa libro ni Sterling Seagrave, The Marcos Dynasty- "The Second International Film Festival was a bigger fiasco. This time Imeld underwrote festival costs by showing pornographic movies... Crowds of the faithful turned out to watch explicit scenes of fornication on the giant screen culminating with simultaneous orgasm."
Banal naman pala siya.... weeeeh!

Eto pa ang sinabi niya sa mga critics niya, "Truly, pornography is all in the mind and the heart." Eh ngayon, bff's na si Imelda at ang mga pari.
Napapailing na nga lang ako nang ibinubunganga niya ito sa isang ambush interview: "Human rights have limits, at saka freedom has limits.". Hay nako Imelda, that is so you!
3. To err is a divine right of a politician, to be forgiven is the divine right of a politician- Hinding hindi mapapatawad ng Kulo Destroyer at ang nobena groupies ni Big JC si Mideo Cruz. Pero ang mga sumusunod ay kaya nilang patawarin dahil faithful naman kay Lord ang mga sumusunod-
Hindi ito blasphemous para sa Catholic Church?

Ibinoto niyo pa nga ulit ito noong huling eleksyon
Mapapatawad niyo ba talaga ito kahit wala siyang hawak na phallic object?

at lalu na ito

The praying president? Ilang beses niyo napatawad yan, palibhasa pinagkape kayo at pinasakay sa pajero.


4. Bastos ang mga artists, pero hindi lascivious ang mga taong ito- Oo, ibinoto niyo rin yang mga yan.

Ara Mina para sa malaking hinaharap ng QC!

5. Kaya pala natin gumawa ng decisive action para sa mga walang kwentang bagay- tulad na lang ng magiting nating Kulo Destroyer- natawag na niya ang mga nasa authorities, nakapag-rally ng mga supporter at inatake niya mismo ang exhibit. If the same effort and attention can be done to such rubbish, why can't we do the same to the corrupt political dynasties, kotong cops and jejemon youth?
6. Another lesson for me- HUWAG MAKI-EPAL SA MGA ISSUES NA NANGYARI LAST MONTH. I feel pathetic right now. Gawa naman kasi ng video ni Juana Change eh!
7. Bakit walang comment si Mommy Dionisia? Bakit hindi siya nilusob ng media ngayon? Dito dapat siya nag hysterical at nagsabing, yung malaswa, malaswaaaaaaa!


Nais kong tapusin ang post kong ito ng ganito-
"The obscenities in this country are the powerful Filipinos who do not do their duties, the corrupt officials, who are not responsible. These are the obscenities in our nation. There are only bad artists and bad writers."- Francisco Sionil José, Philippine National Artist for Literature.

1 comment:

  1. it's always nice reading your post, punong puno ng makabuluhang usapin, halos lahat agree ako sa nasulat.. kudos!

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....