Tuesday, September 27, 2011

Tripster Guru ep. 01- It's Complicated


Dear Tripster Guru,

Nakipagbreak na ako sa boyfriend ko. Or should I say, nakipagbreak siya sakin. But I still love him at magbabago pa naman siya eh. That's why magkasama pa rin kami pero hindi kami. Alam mo yon? It's complicated, eh. Please help me to make our situation better.

Yours truly,

Linta ng Pag-ibig



* * * * * * * *
Dear Linta ng Pag-ibig,

Hindi kayo mag-asawa, hindi kayo mag-syota, hindi kayo room-mates, pero nagsasama kayo sa isang kama. Anong tawag sa inyo? Oo, mag FB kayo, Facebook buddies lang. It's complicated.

Sa mata mo, pareho lang kayo frustrated kaya suspended ang inyong relationship sa isang compromising and ambiguous situation. Tumatayo kayo sa borderline ng lovers, friendship, at cellmates ng mental hospital. For you, it is a sign that both of you are hoping to carry on.
Ganun din ba sa mata ng lalaki? Perhaps he allows such situation para lang mabawasan ang bad image niya, na para lalo siya hindi makasakit, hahayaan na lang niya ikaw sa isang stagnant status na "It's Complicated".

Malabo pa kayo sa dalawang adik. Unless na may intention talaga ang lalaki na magkabalikan kayo, malabo ang pinapangarap mo 'day! I don't know what's up with women at lagi silang mayroong Messiah-complex.

Maraming ganyan but it doesn't mean na normal 'yon at okay lang. Hello! Babae ka, hindi ka sex doll! Tao ka. 

You were meant to be a companion, a lover and a friend of a man. Bakit ba kailangan mo pa lokohin ang sarili mo? Bakit kailangan mo pa matakot na akala mo siya na lang ang natitirang lalaki sa mundong ito?

Tandaan: A girl needs thousands of reasons to go to bed with a guy, while a guy needs only a bed. Talo ka girl. 

There are still a lot of penis-centered males out there na iniisip nila na sila'y regalo ng Diyos para sa inyong kababaihan. They may not do it intentionally but they do behave in this manner and it's unacceptable.

Napaisip lang tuloy ako ng ganito kasi nga kapag nikikita ko ang picture mo sa Facebook. You're not hideous and you're cute, why not go out there and look for another guy kaysa naghihintay ka araw-araw diyan sa apartment mo with arms and legs open wide for a guy who treats you like a sex doll?

I think it's the fear of being alone and the feeling of being rejected. That's why you have to be brave to get out of your shell, and start a new life without him. Remember, happiness is just there around you, hindi mo lang pinapansin. 

Ganito ang logic kasi niyan. Kung talagang mahal ka niya, hindi yan magdadalawang isip na balikan ka. Pero kung pareho naman kayo magpapaka-engot sa sarili niyo eh di sige, ipagpatuloy mo lang girl at patunayan mo lalo na mas matalino talaga ang lalaki sa inyong mga babae.

Stop degrading yourself. You're beautiful and you have an interesting personality. Go out and let yourself be free from the shackles of such bad romance. Hindi ikaw ang nawalan. Go ahead, change "It's complicated" to "Single". Just click on, and surely, something better will happen.



1 comment:

Sige, sakayan niyo ang trip ko....