Sunday, October 30, 2011

Martyrdom ng Isang Misunderstood na Frustrated na School Drop Out na Pseudo-Aktibistang Ulirang Alipin ng Isang Fast-Food Chain Resto or in other words, Ano’t Pinagpupuyatan Ko ang mga Profiles ng mga Pulitiko at Hindi na Lang Ako Sumama sa mga Katrabaho Ko Gumala Ngayong Gabi or better Bangag na ba Talaga Ako at Nagpapakabaliw Ako Para sa 2010 Elections?

Luma na ang post na ito, from my first blog. This is about the May 2010 Elections last year. Just wanted to share some thoughts...




3:24 AM. Katatapos ko lang mag research at mag re-write ng mga profiles ng mga kandidato para sa darating na eleksyon. Kaninang midnight nag text ako sa katrabaho ko tinatanong kung nasaan na sila.

Naguwian na daw galing sa galaan kanina. Dapat sana kasama ako doon, pero umuwi na rin ako. Maglalaba pa kasi ng uniform. Halos one week na walang labahan at amoy smokey mountain na ang uniform ko, baka sa trabaho maamoy nila at isiping nagsimula na ang decomposition ng dakila nilang alipin.

Kaya matapos maglaba nagsimula na ako sa research.

From one face to another, pinagmasdan kong mabuti ang mga bungisngis ng mga “ulirang mamamayan” natin. Yung iba mga anak ng buwaya, yung iba kilala nang buwaya, at yung iba naman magiging buwaya rin kaya?

Hirap din. Ang pagpili ng kandidato ay parang pag pili ng numero ng lotto. Bihira lang ang maka jackpot, at madalas, hindi ka nakaka jackpot talaga.

Antok na talaga ako. Sino nga ba naman ang magtiya-tiyaga na magbasa at magresearch ng mga buhay at plataporma ng 10 presidential candidates, 8 vice-presidential candidates, 61 senatoriables, at 187 party-list? Sino?



Sinisikap kong ilagay ang mga profiles ng mga major candidates para naman makatulong sa ilang mga kabataan at mga kapwa pinoy na gustong magkaroon ng info about sa mga candidates.

Matapos kong ipamudmod sa madla ang mga matitinik na pangako netong mga epal na ito wala naman din akong kikitain dito. Kung manalo sila, ni hindi rin nila ako mapapasalamatan sa efforts ko.

So ano ako sa tingin mo ngayon? Sabog? Wish ko lang para at least may magandang paliwanag pa ako.

Pero alam mo, kahit na ako’y ganitong walang pinag-aralan, hampas lupa at hamak na anak ng mga OFW’s (shucks ang drama, ganito mga dialogue ng mga kumog na ito eh! Ahahaha!), concerned din ako.

Sabi nila kalimutan ko na raw itong mga ganito. Walang mangyayari sa pagiging isang aktibista (eh sila nga itong sira, nakita ba nila akong may dalang placard sa labas? Hello? Haller? Whatever!). Wala daw mangyayari sa Pilipinas.

Wala talagang mangyayari sa Pilipinas kung ganun lagi ang isip natin. Bakit? May nasubukan ka na bang gawin para sa bansa? O lahat ba ng mga nagawa mo ay para sa kapakanan mo lang? Wala naman masama na magtrabaho at isipin ang sariling pag asenso, pero wala din namang masama kung maglalaan ka ng kahit konting panahon at pagtitiis sa pagpaparehistro at pagboto.

Hindi naman kayo ang gagawa ng lahat ng sakripisyo. Narito kaming mga tinagurian bangag, engot, tanga, sira, sabog, bobo, siraulo....(ano pa? Nagiisip pa ako kung anong tawag nila sa akin)....epal, **pal, etc. Narito kami para gumawa ng lahat para sa inyo- distribution ng information, ang pagpapaalam sa pamahalaan ng ating mga pangunahing pangangailangan dito. Hindi na kayo ang magpapakapuyat at maghihirap. Kaming nagpapakamartyr para sa wala ang nagpapadali sa inyong alituntunin sa bansa.

Hirap sa inyo kapag sa mga boxing at kantahan, pagbebenta ng mga SIM card na kung tawagin ay “MAUTAK”, lotto at tong-its, artista, Vicky Belo, Halili-Kho sex scandals, Mall of Asia para sa mga masang walang pera, at inuman lang kayo ganadong maging Pilipino.  Pero pagdating sa mga duty natin na ipinangako sa Inang Bayan, ayun, ipako mo sa mukha mo!



Hirap talaga kapag dibdiban ka sa isang bagay na hindi naman kasing sikat ni future congressman future Philippine President Manny Pacquiao (oo future kung mas dadami pa ang mga utak kamao sa bansa). Ipinaglalaban mo ang isang bagay na pilit nilang durugin sa starting point pa lamang. Madalas nandyan ang mga pagtawa, korny ko daw at mga criticisms ng mga superior mo (oo, Manang, ikaw yon, ma konsensya ka naman, ahahahaha! Peace baka tanggalin mo pa ako sa trabaho). Ok lang. Cool lang ako, ganun talaga ang buhay, parang ewan.

Pero ganun talaga ang pagbabago. Hindi ito gusto ng nakararami. Mas gusto na nila ang ngawa ng ngawa, reklamo nang reklamo, pero wala silang gagawin. Ganun na kasi ang trabaho ng mga tao kaya naman nagpatuloy sa kasakiman ang maraming tao sa gobyerno. Kung gusto mo magbago magsimula kang kumilos. Ang pagboto ay ilan lamang sa maraming pagkakataon na maaaring gamitin upang magkaroon ng maganda at bagong simulain ang Republika. Kung mananampalataya ka bakit hindi mo idulog sa Diyos ang iyong bayan.

Ang pagbabago ay hindi agad-agad. Ang hirap kasi sa mga pinoy masyadong short-range ang vision natin as a nation. Masyado tayong present-oriented kaya hindi tayo maniwala sa pagbabago. Hindi agad ito nakikita ngayon, bukas pa. Ikaw ba naman ang magtanim ng buto ng kamatis, isalpak mo agad ito sa lupa magbubunga na ba? Isa kang.... ‘sa kang..... ‘sa kang..... sakang.....

Ngunit hindi ito darating kung wala kang gagawin ngayon. Ako, iilan lang ang mga kabataang itinulak ko para mag pa rehistro. Maligaya na ako kasi kahit papaano nagtiyaga itong mga ito na mag pa rehistro at magsikap na bumoto. Hindi ko man makita sa lifetime ko ang pinangarap ng mga ninuno natin at ng ating mga bayani na isang sambayanang may tunay na pagmamahal sa bansa at may paggalang sa batas at alituntunin niya bilang isang mamamayang Pilipino, at least alam ko na isa ako sa mga taong kumilos ngayon upang magtanim ng binhi ng pagbabago.

Mabigat ba ang nabitiwan ko salita? Hindi naman. Mas mabigat pa ang problema ko sa timbang. Grabe ba ang aking opinyon? Hindi naman. Mas grabe ang ulam niyo dito.

Ayon sa survey, dahil sa hindi na daw madalas magbasa ang mga Pilipino, pa-bobo na daw ng pa-bobo tayo. Kung nakarating ka man dito at nabasa mo lahat, congratulations, hindi ka kabilang sa mga iyon. Kung ikaw ay isa sa mga tumalon agad sa paragraph na ito para malaman agad ang conclusion dahil hindi kaya ng utak mo ang maraming words pero kaya nitong mag produce ng ideas at words para sa mga walang kwentang bagay sa Facebook, eto ang conclusion, isa ka sa mga nasa survey. Ano yon? Hulaan mo..... T_NG_. Wanna pick a vowel? Beeeh! Hahahaha!


No comments:

Post a Comment

Sige, sakayan niyo ang trip ko....