Friday, December 23, 2011

Ang Annual Social Ritual na Tinatawag Natin sa Ngalang Christmas Party


Mapa bangko, eskwela at kahit religious Christian institutions meron neto- Krismas/Christmas Party.

At ang pinaka core ng commercialized pseudo-tradition na ito ay ang Monito-Monita, o ang exchanging of gifts. Yan ang pinaka sagradong kinaugalian na kung saan mahigpit ipinagbabawal ang pagtakas sapagkat nilalabag mo ang obligasyon mo na maging grossly generous sa mga uknown persons at kung saan ikaw ay namimigay ng regalo in stealth mode. Ito na marahil ang nagiisang contemporary idiotic tradition na mas masahol pa sa blind date.



Anyway, kamakailan lang ay nagkaroon ng Christmas party sa trabaho namin. Sa araw na iyon day off ako. I was supposed to be relaxed and have some beauty sleep pero natuliro ako sa paglalamas ng kanin para gawing sushi at sa pag-aalala sa mga erotic games na ipapalaro na naman sa party.

Oo, I call them erotic games. Too much sexual innuendos.

Hindi naman ako sanctimonious. If I really had to play erotic games gusto ko pangdalawahan lang at yung nasa isang private chamber kami. Ewan ko ba kung bakit hindi sasaya ang mga tao kung hindi maglalaro ng mga games na sadya namang magpapataas ng kilay mo at magpapataas ng mga ____ ng kalalakihan. I’m not saying that my co-workers are over-sexed freaks. They are perfectly normal people with perfectly normal sex lives. Pero ang Christmas party ay exception lang talaga.

Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin- hypocrite ako, kulang sa sex (in some ways true, hahaha!), walang sex-drive, kill joy, party-pooper, etc. I don’t care! The thought of it tormented me days before the party! And I really get embarassed. And it’s really excruciatingly embarassing!

Buti na lang ako ang ginawang host. I don’t get to play. Enjoy na rin ako habang pinapanood ko ang kanilang mga kabaliwan.

At siyempre may kanya kanya tayong agenda at hinahanap sa party.

Maliban sa mga erotic games, sayawan at kainan...

Hindi mawawala ang perpetual fountain of alcohol, beer, liquor at ang mga nilalang na nabubuhay sa mga substance na ito- mga taong kalahating flesh at kalahating alkohol. Kulang na lang ay magdala na rin sila ng limang drum ng gasolina para iturok naman nila.

Meron diyan na for once a year magpapa-bongga ng outfit kahit epic fail ang fashion taste. Pero di bale na, na carry naman ng personality nila kaya forgiven, but others are still unforgiven.

Meron diyan na makakahanap ng pagkakataon makatabi, makatawanan at makabolahan ang mga secret crush. Ang ilan ay magkakaroon ng pagkakataon makalandian ang mga girls and vice versa. Wala na kasing trabaho na istorbo.

Meron din ang mga mahilig magpa-impress sa mga makakapangyarihan sa trabaho. And I admit, isa rin ako sa kanila. Hahahaha!
Meron din ang mga taong nalilito kung saan lalagay sa pag-ibig kaya sila sasayaw at hahanap ng pansamantalang affection at attention na hindi maiibibigay ng absent na boyfriend. Nandyan naman mga taong papayag na maging temporary-fling-boy-toy just for the fun of it, dahil mismong lovelife niya ay nasa suicidal status na.

Hindi rin mawawala ang mga “It’s Complicated”-people na lalo pang naghahanap ng complication sa buhay. Huwag mo nang itanong kung bakit kasi nga... it’s complicated.

Marami din mga surprises- mga taong hindi mo akalain na hahataw sa dance floor kapag nalasing pero kapag sober naman e super tahimik, mga well-aged na kababaihan na mas malakas pa sayo ang stamina sa pagsayaw at sa kung anu-ano pa, mga kagimbal gimbal na revelations mula sa mga bibig ng mga nalasing, at mga regalo din.

Isa sa pinakamalaking surprises ay yung vice director namin- known for her tenacious focus sa trabaho at ferocious methods ng pagdidisiplina sa mga employee. Leon sa trabaho, pasimuno sa party, at mabuting ate sa labas ng trabaho. The  latter was written in hopes that it will boost favorable impressions about me, hehehe... honestly, nakakabigla ang pagtransform niya pagkalabas ng trabaho. Hindi kaya may multiple personalities din siya? Nabigla lalo ako nang inabutan niya ako ng gift! Nakaka touch naman. Hindi ako mahilig sa damit pero yung shirt na ibinigay niya sakin eh nagustuhan ko na rin ng lubusin. Tunay ‘tong sinasabi ko, promise! Hindi ako sumisipsip!

Siyempre hanap ko diyan e yung tinatawag na quality time. Makapag-bonding naman sa mga katrabaho mo para maging kaibigan mo na rin sila. Mainam gawin yun sa ganitong occasion dahil hindi ka na pepestehin ng trabaho o ng mga boss mo. Kodakan, tawanan, bulungan, kwentuhan. Sayang nga lang at wala ang paborito kong kumare at kumpare. Busy sa parenting eh.

Susuko na sana ako sa party na iyon. Dance, pop music, techno- hindi ko trip talaga ang mga ito. Maya maya na lang eh pinatugtog na nila ito...




Hanep! Tayuan lahat kaming mga jologs! Fist-pumping in the air! Rakrakan na to! Kala mo rave party! Rock music na lahat! I was enjoying myself jumping up and down.

Ang kinalabasan, naging reunion ng mga headbangers. For the first time, hindi ko inisip kung ano ang sasabihin nila o kung lumilitaw ang pagka-jologs ko. Mahirap itago kapag yung mga rock anthems mo ang pinapatugtog at nakikita mo na hindi na ikaw nagiisa sa party na yan! Siyempre pinanood na lang kami nung mga katrabaho namin na Jonas Brothers at Justin Bieber na ang kinamulatan na real music.

Lakas tama! Kami’y nagwawala! It’s the jingle bell rock!

Maligayang Bisperas ng Pasko sa inyong lahat!!!!

No comments:

Post a Comment

Sige, sakayan niyo ang trip ko....