Sunday, October 30, 2011

Martyrdom ng Isang Misunderstood na Frustrated na School Drop Out na Pseudo-Aktibistang Ulirang Alipin ng Isang Fast-Food Chain Resto or in other words, Ano’t Pinagpupuyatan Ko ang mga Profiles ng mga Pulitiko at Hindi na Lang Ako Sumama sa mga Katrabaho Ko Gumala Ngayong Gabi or better Bangag na ba Talaga Ako at Nagpapakabaliw Ako Para sa 2010 Elections?

Luma na ang post na ito, from my first blog. This is about the May 2010 Elections last year. Just wanted to share some thoughts...




3:24 AM. Katatapos ko lang mag research at mag re-write ng mga profiles ng mga kandidato para sa darating na eleksyon. Kaninang midnight nag text ako sa katrabaho ko tinatanong kung nasaan na sila.

Naguwian na daw galing sa galaan kanina. Dapat sana kasama ako doon, pero umuwi na rin ako. Maglalaba pa kasi ng uniform. Halos one week na walang labahan at amoy smokey mountain na ang uniform ko, baka sa trabaho maamoy nila at isiping nagsimula na ang decomposition ng dakila nilang alipin.

Kaya matapos maglaba nagsimula na ako sa research.

From one face to another, pinagmasdan kong mabuti ang mga bungisngis ng mga “ulirang mamamayan” natin. Yung iba mga anak ng buwaya, yung iba kilala nang buwaya, at yung iba naman magiging buwaya rin kaya?

Hirap din. Ang pagpili ng kandidato ay parang pag pili ng numero ng lotto. Bihira lang ang maka jackpot, at madalas, hindi ka nakaka jackpot talaga.

Antok na talaga ako. Sino nga ba naman ang magtiya-tiyaga na magbasa at magresearch ng mga buhay at plataporma ng 10 presidential candidates, 8 vice-presidential candidates, 61 senatoriables, at 187 party-list? Sino?



Sinisikap kong ilagay ang mga profiles ng mga major candidates para naman makatulong sa ilang mga kabataan at mga kapwa pinoy na gustong magkaroon ng info about sa mga candidates.

Matapos kong ipamudmod sa madla ang mga matitinik na pangako netong mga epal na ito wala naman din akong kikitain dito. Kung manalo sila, ni hindi rin nila ako mapapasalamatan sa efforts ko.

So ano ako sa tingin mo ngayon? Sabog? Wish ko lang para at least may magandang paliwanag pa ako.

Pero alam mo, kahit na ako’y ganitong walang pinag-aralan, hampas lupa at hamak na anak ng mga OFW’s (shucks ang drama, ganito mga dialogue ng mga kumog na ito eh! Ahahaha!), concerned din ako.

Sabi nila kalimutan ko na raw itong mga ganito. Walang mangyayari sa pagiging isang aktibista (eh sila nga itong sira, nakita ba nila akong may dalang placard sa labas? Hello? Haller? Whatever!). Wala daw mangyayari sa Pilipinas.

Wala talagang mangyayari sa Pilipinas kung ganun lagi ang isip natin. Bakit? May nasubukan ka na bang gawin para sa bansa? O lahat ba ng mga nagawa mo ay para sa kapakanan mo lang? Wala naman masama na magtrabaho at isipin ang sariling pag asenso, pero wala din namang masama kung maglalaan ka ng kahit konting panahon at pagtitiis sa pagpaparehistro at pagboto.

Hindi naman kayo ang gagawa ng lahat ng sakripisyo. Narito kaming mga tinagurian bangag, engot, tanga, sira, sabog, bobo, siraulo....(ano pa? Nagiisip pa ako kung anong tawag nila sa akin)....epal, **pal, etc. Narito kami para gumawa ng lahat para sa inyo- distribution ng information, ang pagpapaalam sa pamahalaan ng ating mga pangunahing pangangailangan dito. Hindi na kayo ang magpapakapuyat at maghihirap. Kaming nagpapakamartyr para sa wala ang nagpapadali sa inyong alituntunin sa bansa.

Hirap sa inyo kapag sa mga boxing at kantahan, pagbebenta ng mga SIM card na kung tawagin ay “MAUTAK”, lotto at tong-its, artista, Vicky Belo, Halili-Kho sex scandals, Mall of Asia para sa mga masang walang pera, at inuman lang kayo ganadong maging Pilipino.  Pero pagdating sa mga duty natin na ipinangako sa Inang Bayan, ayun, ipako mo sa mukha mo!



Hirap talaga kapag dibdiban ka sa isang bagay na hindi naman kasing sikat ni future congressman future Philippine President Manny Pacquiao (oo future kung mas dadami pa ang mga utak kamao sa bansa). Ipinaglalaban mo ang isang bagay na pilit nilang durugin sa starting point pa lamang. Madalas nandyan ang mga pagtawa, korny ko daw at mga criticisms ng mga superior mo (oo, Manang, ikaw yon, ma konsensya ka naman, ahahahaha! Peace baka tanggalin mo pa ako sa trabaho). Ok lang. Cool lang ako, ganun talaga ang buhay, parang ewan.

Pero ganun talaga ang pagbabago. Hindi ito gusto ng nakararami. Mas gusto na nila ang ngawa ng ngawa, reklamo nang reklamo, pero wala silang gagawin. Ganun na kasi ang trabaho ng mga tao kaya naman nagpatuloy sa kasakiman ang maraming tao sa gobyerno. Kung gusto mo magbago magsimula kang kumilos. Ang pagboto ay ilan lamang sa maraming pagkakataon na maaaring gamitin upang magkaroon ng maganda at bagong simulain ang Republika. Kung mananampalataya ka bakit hindi mo idulog sa Diyos ang iyong bayan.

Ang pagbabago ay hindi agad-agad. Ang hirap kasi sa mga pinoy masyadong short-range ang vision natin as a nation. Masyado tayong present-oriented kaya hindi tayo maniwala sa pagbabago. Hindi agad ito nakikita ngayon, bukas pa. Ikaw ba naman ang magtanim ng buto ng kamatis, isalpak mo agad ito sa lupa magbubunga na ba? Isa kang.... ‘sa kang..... ‘sa kang..... sakang.....

Ngunit hindi ito darating kung wala kang gagawin ngayon. Ako, iilan lang ang mga kabataang itinulak ko para mag pa rehistro. Maligaya na ako kasi kahit papaano nagtiyaga itong mga ito na mag pa rehistro at magsikap na bumoto. Hindi ko man makita sa lifetime ko ang pinangarap ng mga ninuno natin at ng ating mga bayani na isang sambayanang may tunay na pagmamahal sa bansa at may paggalang sa batas at alituntunin niya bilang isang mamamayang Pilipino, at least alam ko na isa ako sa mga taong kumilos ngayon upang magtanim ng binhi ng pagbabago.

Mabigat ba ang nabitiwan ko salita? Hindi naman. Mas mabigat pa ang problema ko sa timbang. Grabe ba ang aking opinyon? Hindi naman. Mas grabe ang ulam niyo dito.

Ayon sa survey, dahil sa hindi na daw madalas magbasa ang mga Pilipino, pa-bobo na daw ng pa-bobo tayo. Kung nakarating ka man dito at nabasa mo lahat, congratulations, hindi ka kabilang sa mga iyon. Kung ikaw ay isa sa mga tumalon agad sa paragraph na ito para malaman agad ang conclusion dahil hindi kaya ng utak mo ang maraming words pero kaya nitong mag produce ng ideas at words para sa mga walang kwentang bagay sa Facebook, eto ang conclusion, isa ka sa mga nasa survey. Ano yon? Hulaan mo..... T_NG_. Wanna pick a vowel? Beeeh! Hahahaha!


Sunday, October 23, 2011

Sunday Morning


It was a blissful Sunday morning....


Well, natapos ko din ang trip na ito... maghanap ng songs na babagay sa mood araw-araw. Wala man akong natamo eh yun talaga ang goal dun- mag trip for the sake of tripping lang. Gusto ko sana mag power-tripping tulad ng ilan diyan at ng ilang pulitiko o warlord sa Pilipinas, hindi ko kaya. No power. No money. Kaya ganito na lang! hehehehe....


Malapit na mag Monday.... Sige! Okay lang magalit sa euro! Malapit na ang pasko at mahigit pa sa isang dosena ang inaanak ko! Work time fun! 

Friday, October 21, 2011

Senti Sabado


Ito yung isa sa mga pinauso nilang dance music sa Pilipinas during the 90's. Whigfield ang pangalan nung music artist. Kung yun ang natripan na ipangalan sa kanya ng magulang niya ay hindi ko alam at wala din akong pakialam, dahil hindi ko naman talaga trip ang music na ito.










Pero sa tuwina naririnig ko ito, naaalala ko ang 90's. Abala lang noon ako sa pagigiging top student by that time kapag Sabado habang ang ibang mga bata ay naghahanda para sa midnight society games, parties at riots. 


Ngayon as I look back, ilang bagay lang ang pumasok sa isip ko- pusang-gala naman! Nag party party na lang din pala sana ako tuwing Sabado kung alam ko lang naman na ganito lang din pala ang papatakan ko! At isa pa, anong klaseng music yan! hahahahah!


Natatawa na lang ako. Ngayon, kapag Sabado nights na, wala ako sa gimik. Hindi na yata ito naging parte ng sistema ko. Bagkus, nagtatrabaho ako ng gabi. Hindi ako nagbebenta ng laman sapagkat alam kong malulugi ako.


Speaking of the 90's dance music naalala niyo pa ba ang mga ito?




OO! ang mga kinahihibangan na Universal Motion Dancers at Streetboys at ang mga kinababaliwang dance remixes! Hahaha! Puno nang ganyan ang 90's life ng mga ka-age-group ko.


Looking back parang walang pinagkaiba, di ba? Teka, meron. Ngayon kasi nababaliw sila sa mga Korean dance music, at least noon, naiintindihan ko yung lyrics, ngayon sinasaulo na lang na parang orasyon- kanta nang kanta ngunit walang naiintindihan.


Hay, Sabado nga naman.... Inaaliw ko na lang sarili ko, lalu na ngayon na nagka nervous breakdown ang netbook ko. Bad trip! Nag sunog lang ako ng pera! Buti na lang hindi ako ang nasiraan ng bait!





It's Friday, Friday....




Yep, it's now 15:25, I have an appointment at 4 pm.... And I'm still in bed.

My day-off!!!! Yeeeeaaaah!!!!!

Thursday, October 20, 2011

Thursday....



Weeeh! Wish ko lang na hindi pumasok! Subukan lang ng isang employee ang mag-absent at sinisigurado na may witch-hunt para sa kanya at pagbalik sa trabaho ay haharapin na ang Corporate Inquisition, yun bang isang trial na kung saan ang lahat ng batas ay panig sa mga nakatataas. Hay! 

Tired. Exploited-kuno. At sapilitan na over-time. I wish I could love my work!

Tuesday, October 18, 2011

Ruby Tuesday





Don't question why she needs to be so free
She'll tell you it's the only way to be
She just can't be chained to a
Life where nothing's gained and nothing's lost at such a cost

Good bye Ruby Tuesday, who could hang a name on you?
When you change with every new day
Still I'm gonna miss you....








Monday, October 17, 2011

Monday nga naman...


Monday nga naman. Hindi naman umuulan, pero bakit ganon pa rin? It's like you're inside a shoebox stuck somewhere in a shelf down there in the basement, lost and forgotten.


Depressing talaga. Monday kasi. Balik trabaho na naman, the terrible bite of reality, the freezing breeze of autumn. Sigh.... Just hate Monday. It's like the day you just wanna give up.

Ang Tunay na Tropa ni Amaya


This is perhaps one of the treasures I’m proud of and jealously kept. It’s an 80-year-old National Geographic Magazine, issued on September 1930. One of its feature stories is about the Philippines, entitled, “The Unexplored Philippines from the Air” by George W. Goddard.



The article includes photographs of ethnic tribesmen in their traditional costumes, some of the earliest encounters of Americans with the pure-blooded Filipinos.

Nationalistic pride nowadays is inspired by non-Filipino-speaking half-breeds and over-rated mestizo’s and mestiza’s. The truth is, they don’t look like Marian Rivera, or Gardo Versoza, or any of those over-rated actors and actresses of the Philippine showbiz industry. They look more like these people- ang tunay na tropa ni Amaya:


Here's the portrait of an aristocratic family of a Negrito Village on Casiguran Bay. The man on the right is the leader and during those times he receives 48 pesos a year for keeping his people under control. His son, the man on the left, is the chief of staff, while his wife is the best-dressed woman in the neighborhood.



These are the Bagobos of Mindanao. Perhaps these men are one of the most affluent in their village. Observing their ornaments and apparel, they are probably leaders of their tribe.






This guy's one of the earliest rock artist of that time. Nasa dugo na talaga natin ang rock and roll! The writer said that Mangyans of Mindoro islands are "remarkable natural musicians". He uses human hair as strings for his ukelele.






The left portrait shows a Negrito girl who literally wears her perfume. According to the writer, "The women hereabout use the sweetest perfume in the world, a kind of herb which they find in the forest, crush and place in the split lobes of their ears, inside cylinders of rolled cloth." 


The right photo is a potrait of a Mangyan girl wearing the simplest fashion of their time and a singular smile.






The couple on the left are Ifugaos, tribesmen of extraordinary industry, the builders of the Rice Terraces. The man is the clan wise man who keeps a 13-month calendar. The guy on the right is an Igorot warrior. He is equipped with an ax and spear which he used in gruesome feuds between clans before the white aliens came to the country.




A Mangyan couple dressed for a holiday. Yan ang tunay na Filipino love-team- si Amaya at Bagani!








Note: All photos scanned from National Geographic Magazione, September 1930 issue, Volume LVIII, number three. All rights belong to The National Geographic Society, and no copyright infringement was intended or whatsoever. Well, what I want to say is that I'm not looking for trouble and I don't want to be fined for anything illegal. Basta yun na yon...

















Friday, October 14, 2011

A Song Dedicated to my Sister and Berlusconi


Hahahaha! Can't stop laughing! The song was popularized by Italian TV comedy show Mai Dire... (translation: Never Say...).


The song "Dimmi Cosa Pensi di Me..." means "tell me what you think of me. The chorus goes, "che sei 'na m*rd*, which means "that you're a [dump]"... 


This song is perfect for the current prime minister Silvio Berlusconi. LOL! And also to my evil sister...

Thursday, October 13, 2011

5 Undeniable Truths in Life








1. Money can't buy happiness, but it's much more comfortable to cry in a Maserati than on a bike.


2. Forgive your enemy, but always keep in mind the name of that freak.






3. Help someone who is in trouble, and he will remember you when he get's in trouble again.


4. Many people are alive because it's illegal to shoot them.


5. Alcohol can never solve your problems. However, water won't solve them either.




Tuesday, October 11, 2011

Am No Love Fool: A Misanthrope Scrutinizes the Cosmic Truths About Love


Makiki-epal lang... in response to the post "Reminders for the Boys" at "Reminders for the Girls"



Am No Love Fool: A Misogynist Misanthrope Scrutinizes the Cosmic Truths About Love
Makiki-epal lang... in response to the post "Reminders for the Boys" at "Reminders for the Girls"
1. Bakit ba laging may excuse kung moody ang mga babae? Minsan sinisisi ang regla. Kasisisi sa menstruation, mamaya magreklamo na yan. Hello, tao kayo, not animals, kaya hindi dapat kayo nadadala ng inyong mga physiological and psychological complexities. Unlike animals, humans can choose not to be overcome by instinct but rational and civil action. Let your will be stronger than your hormones. May point ang mga lalaki- MAY HANGGANAN ANG PASENSYA NG SANG-KALALAKIHAN.
2.  Ang hanap ng girls yung version nila ng lambing, ang hanap ng boys yung version nila ng lambing. Eh mga epal pala kayo eh, puro kayo hanap true love, pero ang gusto niyong masunod yung sa inyo! In love, you seek to please and lavish love to each other. Hindi love ang hanap niyo. Kulang lang talaga kayo sa pansin.
3. Bakit ba naka depende ang self-confidence ng mga girls sa mga bolero? Again, you need to be better than that. Be confident for who you are, anuman ang hitsura mo, bagong gupit ka, pumayat ka na, o identical na kayo ni Lady Gaga. At boys, wag kayong mag-asal bolero dahil sarili niyo lang din ang niloloko niyo. Maging sincere kayo sa pag approach sa kababaihan.
4. Boys= obtuse creatures which can be trained like dogs. They are from Earth. Girls= true aliens who communicate with cryptic and apocalyptic language and expect to be understood immediately; absorbed in self-delusion. Hanap niyo di ba ang tunay na pagmamahalan? Ito ang sagot diyan- CLEAR AND DIRECT COMMUNICATION. Hindi hieroglyphs.
5. Nagseselos pa kayo eh di magsama na kayo sa inyong sariling planeta! Hindi yung ang dami niyo pang pakipot, pahabaan ng ligawaan, pakipot pa sa engagement, tapos sisirain niyo din ang sarili niyong social life para lang sa mga walang kwenta at mababaw na selosan! Asos!
6. Mga boys titigan niyo na lang ang syota niyo. Mga girls, lalaki lang ba talaga ang magaling magtago o hindi niyo lang kayang aminin din sa sarili niyo na ganun din kayo? Hello? Hindi ganoon kabobo ang mga lalaki, slow pero nakakaintindi din yan kapag nagtagal.
7. Hindi ko pa rin maintindihan ang point ninyo sa number 7....
8. Bakit nga ba lagi nagmamadali ang lalaki? Katapusan na ba ng mundo bukas? At bakit naman itong mga babae kailangan pang palipasin ang isang siglo? Hindi naman yan sa tagal ng ligawan o ng pagpapa cute niyo sa isa't-isa, dahil nagmumukha lang kayong mga ugok sa mga kababawan na yan. Ang labanan diyan ay kung paano niyo pa ma maintain ang tibay ng pagsasama sa hirap at ginhawa.
9. Ang sabi ng girl yakap daw. Kaya mga lalaki 'wag pag tripan ang girls. Yakap daw kapag tahimik at malungkot sila. No more, no less. Respect.
10. Respect pala ang hanap niyo sa isa't-isa. Wag naman sana mag mukhang prostitute kayo o mag-asal bugak. Sa ganoong paraan irerespeto kayo ng lalaki. Mga lalaki, hindi lahat ng babae ang hanap ay sex at intimacy. Hindi din sila ginawa para maging sex toys niyo.
11. Dito sa point na ito, natural talaga sa dalawang nagmamahalan ay maging dependent sa isa't-isa, magtiwala sa isa't-isa, at alagaan ang isa't-isa.
12. Bakit nga ba puro text lang itong mga lalaking ito? Show some balls men! Eto namang mga babae, reklamo ng reklamo at puro text, pag nagtagal magrereklamo at hindi sila tinetext.
13. Boys magisip lagi ng creative ways para manligaw, kahit yung pinakabaduy tatanggapin ng girls, as long as may pagtingin yan sayo, papansinin ka niya, pakipot lang kasi. Sa mga girls, kung natutuwa kayo sa sobrang effort sa panliligaw, I hope habulin kayo ng mga depraved stalkers dahil yan talaga ang nagbubuhos ng effort sa paghabol sa inyo. Matuwa ka pa kaya kapag ganon?
14. Pangarap daw lagi na ipakilala sa mga magulang at barkada pero mostly naman puro mga tago ang relationship at inililihim pa sa mga kaibigan. Mabigla ka na lang after two months kapag nagsabing buntis na pala. Tago kasi ng tago, ayan na broadcast pa. Ano ba talaga ang gusto niyo? Labo niyo!
15. Bakit ba laging kailangan magpakiramdaman hindi naman kayo mga multo. Nasisiraan kayo ng bait? Hello? CLEAR AND DIRECT COMMUNICATION. Yan ang para sa inyo!

Monday, October 10, 2011

Reminders for the Girls





Ito naman ang response ng mga lalaki...
Ang mga lalaki ay....
1. May hangganan ang pasensya. We know girls are moody because of your complex physiological composition. We valiantly accept the duty na unawain kayo at tulungan kayo na maging mentally stable. Pero kapag naman moody na kayo bago reglahin, kapag may regla, matapos ang regla, sa menopausal phase, kapag gutom, kapag umuulan, kapag sobrang init, kapag sobrang lamig, kapag may UFO o kapag nagpakita pa rin ang Birheng Maria, aba naman, ewan ko lang kung kelangan pang unawain yun. Babes, baka naman kailangan mo ng psychiatrist for anger management?
2. Ang mga lalaki gusto talaga laging lambingin ang mga girls. Yun nga lang, iba talaga ang way of expression ng pag-ibig ng mga boys. You should give some hints kung ano ang love-language mo para iyon din ang gawin ng lalaki. Kapag mahal ka ng guy, gagawin niyan kung anong klaseng lambing ang gusto mo.
3. Gawin mo na ang lahat ng gusto mo sa sarili mo, kahit mag make-up ka pa tulad ni Lady Gaga, pero always keep in mind, if a guy loves you, ikaw lang ang Miss Universe sa mata niya, tabihan ka man ng mga ex niya o ng mga artista, you are always beautiful in his eyes.
4. Bakit ba hindi niyo kayang unawain o tandaan na sa isang relationship kailangan you have clear and direct communication? We need your help  para maunawaan namin kayo. At tandaan: HINDI KAMI PINANGANAK NA MAY PSYCHIC POWERS. At hindi kami alien na may antena sa ulo.
5.  Seloso kami. Boys are just like animals- very territorial. Yung iba tahimik lang din dahil umiiwas ng away at skandalo. Ginagawa namin 'yon to protect you at para mapaiwas din kayo sa gulo. Nagseselos kami dahil mahal namin kayo, kaya nagdududa kami agad sa mga babae na nagrereklamo na sobrang seloso kami. Pareho lang tayo.
6. Normal din naman na ma-attract kami sa sexy at maganda. Quits lang tayo, dahil ganon din kayo- magaling din magtago.
7. Kaming mga lalaki, pinagmamalaki namin kayo, dahil gusto namin iparating sa inyo that we are proud of you, that for us you're perfect and beautiful, and that this is our way of giving you honor, hindi dahil sa tinatrato namin kayo as our trophies.
8. Insistent lang kami, hindi nagmamadali. Just to emphasize na we are passionately and intensely pursuing you. Just appreciate it, kaysa sa isang lalaki na manliligaw nga sayo, pero walang explicit declaration na gusto niyang maging fiancée ka. Manlolokong kumog ang tawag don!
9. Nawa naman ma appreciate niyo yung pagyakap at paghawak namin hindi lang sa mga moments na naka-silent mode kayo o malungkot. We want our expression of love to be appreciated and reciprocated as well.
10. Para sa mga matitinong lalaki, gusto namin yung mga babaeng may self-respect- yung malinaw sa kanya na hindi siya pang one-night stand, o nagbibigay motibo, o yung sobrang maharot at vulgar na ang appearance at personality. We (yung matitinong lalaki) like girls who are very civil and polite, and at the same time assertive. Kapag sinabi niya no, no talaga yun, hindi nagpapakipot.
11. Boys like girls who are dependent on their boyfriends, na sila lang yung itinuturing nilang shield at yung may tiwala sa kanila.
12. Kung manligaw man ang boys sa personal, nawa naman ay pagbigyan nang hindi kami nang-ha-harass sa text.
13. Natutuwa kami na lagi kaming mapapansin ng girl kahit anumang ka-epalan ang gawin namin, gayahin namin ang kulay ng shirt niya para magmukhang bagay lang, mang-harana, mag deliver personally ng flowers at chocolates, at kung anu-ano pa. Mahalaga ay yung mapansin kami at may ngiti ng labi at ng mga mata.
14. Sincere ang lalaki kapag iniharap ka na niya sa barkada niya at sa parents niya. May intention siya para sa long-term relationship, or better everlasting. Kaya 'wag kayong mahihiya o tatanggi kapag hinila nila kayo sa piyestahan sa bahay ng barkada o sa birthday bash ng tatay o nanay nila sa bahay.
15. Hindi talaga kami pala-imik about our feelings-kung kami ay nasasaktan o nalulungkot. Boys tend to show that they are tough para ipakita sa inyo na kaya niyo siyang sandalan at kaya niyang i-handle ang isang relationship. Normal sa lalaki na kapag nagkaroon ng problema tatahimik yan, at usually, ngingiti na lang yan after that, kasi ayaw na niya pagusapan pa dahil mas gugustuhin niya na kalimutan ang problema para hindi ka na mabigatan pa.

Saturday, October 08, 2011

Helpful Tips for the Boys


I don't know who wrote this article but I think this is very helpful for all the boys out there who need to understand girls.


Ang mga babae....

1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip kami, wag niyo nang sasabayan.
2. Pag sinabi naming nagtatampo kami, lambing lang katapat: Yung salitang tampo way lang namin yun para sabihing lambingin niyo kami. Konting I love you niyo lang, okay na kami.
3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment: Pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo. Kasi nakakataas ng self-confidence namin yun.
4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text namin, may mali: Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami. Kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.
5. Selosa kami: Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.
6. Kaming mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang kami. Kasi hindi naman na namin makikita ulit. Ma-attract man kami sa 1M lalaki, ang puso namin ay para lang sa tunay naming mahal. Ganun din naman kayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang kayong magtago.
7. Kaming mga babae, pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR.
8. Ayaw namin sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba namin sila sasagutin. Naiirita kami. Kaya dapat maging matiyaga kayo kasi dun namin nalalaman kung sino talaga kayo.
9. Kapag malungkot o tahimik kami, gusto namin ng yakap galing sa inyo: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na kami. Gumagaan yung pakiramdam namin. :">
10. Gustong gusto namin yung mga lalaking malaki ang respeto samin: Yung tipong pag ayaw namin magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin ka na lang sa ibang paraan. Ang pinaka gusto naming kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.
11. Ang nagpapa-turn on samin ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama namin kayo, feeling namin safe na safe kami. Walang mangyayaring masama at hindi kami ilalagay sa panganib.
12. Ayaw namin sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal niyo talaga kami, patunayan niyo sa personal. Wag yung sa text lang kayo magaling. Magpaka-lalaki kayo!
13. Sobra kaming natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling naming babae eh, isa kaming prinsesa.
14. Ang pangarap naming mga babae yung ipapakilala kami ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya: Feeling namin kami na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala kami sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nmin angkin na angkin na namin ang isang lalaki dahil nakilala na namin ang mga taong bumubuo sa buhay niya. :)
15. Magaling kaming mag-pretend: Kapag nasasaktan kami, nagpapaka-manhind kami. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan kami. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan kami. Pero kapag mag-isa nalang kami, dun kami naglalabas ng sakit. Dun kami umiiyak. Kaya ang pangarap naming lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman namin. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin kami.

Edison: Bookstore ito, Hindi Library Ugok!


Isa sa mga "exciting" hobbies ko kapag day off ako sa trabaho, maliban sa magkulong sa bahay dahil takot ako sa araw o dahil sa walang laman ang bank account ko, ay ang pumunta sa mga bookshops dito sa Florence (titingin lang din dahil wala pa nga sweldo).

One of the best international bookshops in Florence is Libreria Edison. They offer a wide selection of books by international authors. Most of them ay translated sa Italian. May section din sila ng mga libro in original language- English, French, German and Spanish.
Isa sa mga best features nito ay yung coffee shop at isang space para sa mga clients nila na gustong mag skim ng mga aklat na iniisip nilang bilihin.

Kaso nga lang ang dami nilang items na worn out na, may sira o may mantsa. In some ways, pabor sa akin na laging broke, dahil ang mga discounts ay from 50%-70%.
I also like the space they provided for people who would like to hang-out. It's a haven for bookworms and nerds like me. This place is like a haven for a bookworm's spiritual cleansing.

The bookstore usually invites writers to give lectures, small conferences, or simple gatherings for clients and fanatic readers.


Bad trip nga lang at ginawang tamabayan ng mga epal. Ehem, ako nga eh, dito pa nag-post ng blog. Nyehehehe! At least I buy books and I don't just hang-out!

Wednesday, October 05, 2011

Significant Figures ep. 05- Blood Chemistry






Triglycerides- 210 (ideal level: below 180)


Bad Cholesterol- 99 (ideal level: below 130)


Good Cholesterol- 28 (ideal level: above 35)


Uric Acid- 6.4 (ideal level: between 3.5-7.0)


Weight- 80 kg 


Height- 1.67 m


Estimated life span- 65 years, I guess


Ideal weight- 65 kg


Efforts to stabilize heath- 0% 

Tuesday, October 04, 2011

The Abercrombie Challenge


One time we've talked about how some of my friends gave me Abercrombie shirts. Yung tipong kahit large na, mukha pa rin akong suman.






I have established that the "Abercrombie sign" means that it's time for me to seriously consider, not just lose weight, but build up my body. Seriously. Seriously?


So, ladies and gentlemen, this month of October I have officially declared war against junk food, calories, and the lifestyle of the slob!


I'm gonna be the next biggest loser!


Tomorrow, FRUITS AND VEGETABLES!!!!!


Sigh, seriously?

WikiHelp!!!!!


Stavo facendo una ricerca e guarda che cosa ho trovato in Wikipedia in lingua italiana.... Pure le persone dietro questa fonte di informazioni e sapere sono incavolate con le leggi personalizzate e le fidanzetine di Berlusconi.
                                                       
**** * * **************************************************


Cara lettrice, caro lettore,


in queste ore Wikipedia in lingua italiana rischia di non poter più continuare a fornire quel servizio che nel corso degli anni ti è stato utile e che adesso, come al solito, stavi cercando. La pagina che volevi leggere esiste ed è solo nascosta, ma c'è il rischio che fra poco si sia costretti a cancellarla davvero.


Negli ultimi 10 anni, Wikipedia è entrata a far parte delle abitudini di milioni di utenti della Rete in cerca di un sapere neutrale, gratuito e soprattutto libero. Una nuova e immensa enciclopedia multilingue e gratuita.


Oggi, purtroppo, i pilastri di questo progetto — neutralità, libertà e verificabilità dei suoi contenuti — rischiano di essere fortemente compromessi dal comma 29 del cosiddetto DDL intercettazioni.


Tale proposta di riforma legislativa, che il Parlamento italiano sta discutendo in questi giorni, prevede, tra le altre cose, anche l'obbligo per tutti i siti web di pubblicare, entro 48 ore dalla richiesta e senza alcun commento, una rettifica su qualsiasi contenuto che il richiedente giudichi lesivo della propria immagine.


Purtroppo, la valutazione della "lesività" di detti contenuti non viene rimessa a un Giudice terzo e imparziale, ma unicamente all'opinione del soggetto che si presume danneggiato.
Quindi, in base al comma 29, chiunque si sentirà offeso da un contenuto presente su un blog, su una testata giornalistica on-line e, molto probabilmente, anche qui su Wikipedia, potrà arrogarsi il diritto — indipendentemente dalla veridicità delle informazioni ritenute offensive — di chiederne non solo la rimozione, ma anche la sostituzione con una sua "rettifica", volta a contraddire e smentire detti contenuti, anche a dispetto delle fonti presenti.


In questi anni, gli utenti di Wikipedia (ricordiamo ancora una volta che Wikipedia non ha una redazione) sono sempre stati disponibili a discutere e nel caso a correggere, ove verificato in base a fonti terze, ogni contenuto ritenuto lesivo del buon nome di chicchessia; tutto ciò senza che venissero mai meno le prerogative di neutralità e indipendenza del Progetto. Nei rarissimi casi in cui non è stato possibile trovare una soluzione, l'intera pagina è stata rimossa.


L'obbligo di pubblicare fra i nostri contenuti le smentite previste dal comma 29, senza poter addirittura entrare nel merito delle stesse e a prescindere da qualsiasi verifica, costituisce per Wikipedia una inaccettabile limitazione della propria libertà e indipendenza: tale limitazione snatura i principi alla base dell'Enciclopedia libera e ne paralizza la modalità orizzontale di accesso e contributo, ponendo di fatto fine alla sua esistenza come l'abbiamo conosciuta fino a oggi.


Sia ben chiaro: nessuno di noi vuole mettere in discussione le tutele poste a salvaguardia della reputazione, dell'onore e dell'immagine di ognuno. Si ricorda, tuttavia, che ogni cittadino italiano è già tutelato in tal senso dall'articolo 595 del codice penale, che punisce il reato di diffamazione.


Con questo comunicato, vogliamo mettere in guardia i lettori dai rischi che discendono dal lasciare all'arbitrio dei singoli la tutela della propria immagine e del proprio decoro invadendo la sfera di legittimi interessi altrui. In tali condizioni, gli utenti della Rete sarebbero indotti a smettere di occuparsi di determinati argomenti o personaggi, anche solo per "non avere problemi".


Vogliamo poter continuare a mantenere un'enciclopedia libera e aperta a tutti. La nostra voce è anche la tua voce: Wikipedia è già neutrale, perché neutralizzarla?




Gli utenti di Wikipedia




++++++++++++++++++++++++++++++++++


Dobbiamo salvare la pagina italiana di Wikipedia, altrimenti, i giovani mediocri e i jejemon  non avranno più niente per le loro ricerche e studi. Tutti sanno che i libri non ne fanno uso più se non per pulirsi in bagno. 


Salviamo la Wikipedia! Bocciamo la Legge Bavaglio!