Thursday, February 09, 2012

Macarthur, Tae, Drugs


Pakyu. Kesa naman sa inyo, maliliit, lightweight. Kahit ilang beses buhusan ng tubig sa inidoro, bumabalik. I shall return!”

Maliliit na tae.

“I shall return”, yan ang pangako ni Macarthur,  at nagbalik nga siya. Si Noel, Cyrus, Voltron, Jim- mga maliliit na tae ng lipunan. At kapag nai-flush mo ang toilet, pramis, they shall return.



Makulit at nakakatawa ang mga naisulat na libro ni Bob Ong bago lumabas ang Macarthur, kaya maninibago ka at magugulat kapag binasa mo ito. Whether we like it or not, bumanat ng madamdaming nobela ang idol natin.

Tungkol ito sa isang barkadahan- iba’t ibang personality at character, ngunit may common denominator sila- kahirapan at drugs. Ang bawat isang character ay may kanya-kanyang kwento. Sa hirap at ginhawa, magkakasama ang buong barkada. Nagtutulungan at nagbibigay ng suporta sa isa’t-isa. Dahilan na rin sa kakulangan ng pagkalinga ng sariling pamilya o kakulangan mismo ng pamilya kaya sila mas nagiging at home sa company ng isa’t-isa at sa presensya ng bawal na gamot.

Sa aklat na ito, ipinakita ng may akda ang usual na the-adik-boy-next-door at ang usual the-poorer-adik-boy-next-door, sa persona ng apat nating bida (kung bida ba ang maitatawag sa apat na ito).

Minsan maiinis ka sa mga pinaggagawa nila, madalas, maaawa ka.

Eye-opener kasi ang libro ni Bob Ong, at least para sa akin. Aminado akong matapobre ako, kahit hindi ako mayaman o ma-pera. Sanctimonious. Yan ang perfect adjective para sa akin. I always view the poor kids of our town as bad influence to others at mga salot sa lipunan.

Minsan may ganon akong attitude. Pero salamat sa Diyos, binago niya ako, at unti-unti pa rin niya ako binabago.

Sa prosesong ito, naging instrumental din ang libro ni Bob Ong.

He showed beyond the masks of the criminal the humanity of these four guys. Tulad din natin sila- may mga pangarap, may mga nais marating at mapuntahan, umiibig, nasasaktan, nangangailangan ng pang-unawa at pagmamahal. Ngunit hindi natin katulad, wala minsan silang mapagkakapitan ng saklolo mula sa kahirapan at sa mga exploiters, at walang nagnais magligtas sa kanila sa bawal na gamot.

Hindi niya hinihikayat na husgahan ang mga gumagamit ng bawal na gamot. Hindi ko rin matiyak kung pakay ba niya na kaawaan mo sila. Pero isang bagay ang malinaw, nais ni Bob Ong na unawain natin ang kalagayan nila. And let me tell you this, pinaluha ako ng librong ito. Ewan ko nga ba. Lately medyo nagiging drama queen yata ako. Boh! Hahaha!

As usual, despite it’s simplicity, the novel is thought-provoking. Maraming magsasabi na ang mga sinulat niya ay “too mediocre” o “for the second-class people”. Ang mahalaga ay hindi ang depth ng words o style, kundi ang naging epekto nito sa mambabasa at ang pakay nito.

Naniniwala ako na, willingly or unwillingly, may naging magandang pakay si Bob Ong sa aklat na ito at magsisilbing magandang aral ito sa lahat ng tao, anuman ang kanyang katayuan sa buhay, dahil ito ay kwento ng katotohan na nangyayari sa kapwa nating Pilipino at ng mga pangyayari sa ating pamayanan.

Ang happy ending ng kwentong ito ay hindi lamang nasa kamay at imahinasyon ng isang manunulat, ito’y nasa kamay at puso din natin- kung paano natin iaangat sa paghihirap ang kapwa natin, kung paano natin matutulungan ang mga katulad ni Cyrus, Voltron, Jim, at Noel.


9 comments:

  1. Nice msarap basahin ang mga libro ni bob ong, kwela at punumpuno ng laman

    ReplyDelete
  2. NAbasa ko ito noon... Akala ko nong binabasa ko iyong first few pages, walang kwenta pero napapaiyak na ako sa mga bandang huli.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah, in this book Bob Ong really excelled in writing. Not anymore his usual random stuff. He just wrote something that is raw reality, something that's close to him, something that he knows very well, something that is not just a product of imagination but a memory of an eye witness to our society's realities.

      Delete
  3. i love bob ong. completo ako ng books nya. nakaka aliw kasi sya pero mejo me halong satire nga lang.

    ReplyDelete
  4. I agree. Sanctimonious ka. Bwahahaham..
    I read this book and sakto lang for me. Hanga ako at napalalim mo ang konteksto (as usual).

    ReplyDelete
  5. Matagal ko na nabasa to .pero yung story tumatak sa puso't isip ko.sobrang galing dami kang matutunan . Nakakaiyak sobra.

    ReplyDelete
  6. this is his first book na umiyak talaga ko habang binabasa ko noon.....

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....