Tuesday, March 27, 2012

Virgin Charlie Challenge Week #3 Recap- Turning Your Back to Your Friends’ Barrio-Fiesta-like Birthday Parties or How to Divert Attention from the Orgasmic Experience of Devouring Food and Sweets


Weight: 80 kg na!!!! Yipeee!!!

If there is something that will keep you from reaching your goal in losing weight and shaping your body, that can only be your one of your barkada or family.

Hindi lang yung barkada mo, nandyan pa si inaanak mo, si kumpare, si kumare, tito, tita, mama, papa, ate, kuya, ang aso mo- lahat sila maghahanda ng limpak limpak at bonggacious na birthday parties, at kung anu-ano pang kainan!

Filipino style pa yan. Yun tipong hindi lang ang celebrant ang naghanda ng pagkain, pati ang buong baranggay may dala.

Para sa atin kasi, we love camaraderie in terms of sharing meals. It’s a sign of unity. We are able to set aside differences and conflicts. Nagkakaisa tayo na kapag masarap ang handa, masarap talaga ang handa!

Ang hirap naman tanggihan. I can still remember when I was still a slob, throw a look of contempt against my snobbish friends who can’t even munch those greasy chunks of beef at hindi man lang kumain ng mga carbs. Masisira daw yung eating habits nila at yung workout nila.



“Pwah!” I would usually say to these bunch of muscle squad. I mean, there’s more to life than pumping iron and augmenting the mass of muscles. Mga kill joy.

Pero ngayon, kahit hindi ako part ng muscle squad, na-realize ko nga din na mahirap talaga. Isipin mo na lang kung ilang oras na pinapatay mo ang katawan mo tapos mabawi lang ang lahat ng na-burn na fats at calories sa isang kainan ng pansit palabok.

Isa pa, I keep on reminding myself the amount of money and time I spend sa gym. Hindi na biro ang usapang bayarin at salapi para sa akin. Buti na lang, endorphins can keep me smiling! Hehehe...

But then it’s a question of habit and discipline. Lately I don’t have that strange look on my face upon seeing food. I just smile and take small portions.

Except... for sweets... in particular... CHOCOLATES.

Minsan may isang Chinese guy ang nagregalo sa co-worker ko ng isang box of chocolates. The moment she opened it, I quickly shoved down my throat half of the chocolates in the box. I can’t help it. Chocoates are my weakness.

I try my best to remind myself that my body is the temple of God. I must not abuse it and I must keep it clean and healthy and pure. At the same time, masarap din naman ang feeling na makita mo ang sarili mo na healthy, strong and mas good-looking pa than before, di ba? And I also do this para maging pleasing naman tingnan ako sa magiging syota ko (if you noticed na nasa future tense, you guessed right, single pa rin!). It could be my ego pero I just want to please my loved one. Di ba?

Sige, gotta end this post here. Birthday pa ng gym-mate ko. Kainan na naman!!!!

No comments:

Post a Comment

Sige, sakayan niyo ang trip ko....