Tuesday, April 24, 2012

Ang Lady Legislator ni Mother Nature


Dahil sa malapit na ang Philippine senatorial elections, napapanahon din na i-share ko ang blind-item na ito.

Isang lady legislator mula Pilipinas ang bumisita dito sa bayan namin sa Florence. When it comes to legislation, she is one of the Philippine champions concerned about the environment. Hindi lang pang national level, pang international din.

She visited the city, incognito style. Nagbabakasyon lang naman siya talaga at walang official business.

I found out na nag-stay siya sa Four Seasons Hotel, one of the top luxury hotels world-wide. According to my source, standard room (or suite, not sure) daw ang kinuha niya, and not one of the luxury suites. She stayed there for about three or four days.

Hindi ba puedeng pansinin din natin ang bagay na ito? Tanda niyo ba kung ano yung ginawa natin kay Gloriang Pandak nung INILIBRE siya ng isang HAMAK na CONGRESSMAN sa Cirque de Soleil?

Sabagay, the Megalomaniac Dwarf Gloria Arroyo was on official business trip, meaning to say, she was using OUR MONEY. Ito naman kasing kay Lady Legislator na ito, personal vacation, so she’s using her own money.

According to my source, mahigit sa 1,000 euros per day kung standard room/suite ang kukunin don. 1,000 euros. 1,000 euros! Anak ng pating! Gapang na nga ako para makarating ng 800, how much more kung 1,000. Anong gagawin niya doon sa kwartong worth 1000 euros? Hihilata sa malambot na kama, maginhawang ambience, services fit for a queen, at kumikinang na mga inidoro na pagpapatungan ng mga puwit nila. All these for a PUBLIC SERVANT.

Nakakatuwang isipin na mula sa mga entablado maririnig mo silang magsalita ng mga ganito:

“Kaisa niyo kami.”

“Kasama kami ng masa.”

“Nauunawaan namin kayo.”

Ows? Di nga? Magkasama ba tayo nung nag-breakfast ka sa Four Seasons Hotel, habang ako’y nagpalibre pa sa katrabaho ko ng espresso dahil wala ako kahit isang kusing para makapag kape? Kasama mo din bang maghanap ng trabaho ang milyong Pilipino na desperado na sa buhay? Nauunawaan mo  ba ang kalagayan ng isang ina o ama na iiwanan ang pamilya dahil pilit niyong i-export sila sa ibang bansa para magtrabaho SA PANAHON PA NG CRISIS?

Ang talino mo talaga te! May puso ka talaga madam!

At hindi lang ‘yon. Si Lady Legislator ay um-order ng breakfast one morning sa luxury hotel na yan. Due to some misunderstanding, nagkamali ang waiter and he brought the wrong dish.

She was furious. Nagtaas ng boses at sinabing hindi daw ‘yon ang inorder niya. Sa takot siguro ng mga employees, hinanap niya ang source ko na marunong mag-English (hindi lahat ng employee sa Four Seasons ng Florence ay mga fluent sa English). Nabigla si Lady Legislator dahil nakita niya pinay ang humarap sa kanya.

photo from www.funguerilla.com
She became calm and regained her usual patrician composure. Siguro napahiya. At naisipan din niya na malapit na ang eleksyon.

Mapapalampas ko na sana yung fact na nagstay siya sa isang luxury hotel despite na galing siya sa isang bansa na supposedly one of the prevalently developing Asian countries na may mahigit pa sa apat na milyong mahihirap. Pero ang ganong klaseng ugali ay sobra na.

Sabi ng batas (mga kalokohang iniimbento nila sa Senado at Kamara ng mga walang kwentang butete), sa R.A. 6713 Section 4 (h)- SIMPLE LIVING- “Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.”

Mapapatawad sana kung businesswoman siya. Pero PUBLIC SERVANT ang bwakanang babaeng ito eh. Hindi ko na siguro papansinin kung nagpunta siya sa isang 4-star hotel o kahit 5-star hotel na “ordinary” lang dito. Eh sa Four Seasons pa talaga siya pumunta.

Kapal din ng mukha mo na makiisa sa amin gaga ka!

Buti na lang at si Lady Legislator na ito ay maganda ang track record at maraming magagandang batas na naipasa at napatupad. Hiling ko na lang siguro eh itago na lang niya ng mabuti ang kaiitiman ng budhi niya at ang ka-ipokritohan niya.

Sa ngayon, hindi ko lang alam kung iboboto kita o hindi. Just pray that I’ll decide to vote for you para i-promote pa kita, basta magbait ka lang.

6 comments:

  1. sino to? masyado namang blind item. hmmp! spill it! :)

    ReplyDelete
  2. Da hu ang Lady Legislator na ito na iprokrita at wlang habas na gumastos ng 1000 euros per day sa isang hotel sa Florence? Makapagresearch nga! Would you mind if I share this on FB?

    ReplyDelete
  3. @Joy: Nako, sure. Spread the word! hahaha!

    @Jelai: Hmmm.... after na lang siguro ng elections sa 2013. By this time, masyado nang sensitive ang mga candidates. Baka sundan nila ako dito sa Italy. Hahahaha!

    ReplyDelete
  4. parang may idea ako, sana mkapunta rin ako dyan sa Four Seasons Hotel na yan hehe!

    ReplyDelete
  5. Sinech itech?! May slight idea ako, i'm not sure kung tama, hehe.. 1000 euros talaga? siya na mayaman..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako the hints are all over there! Makikilala mo na siya. hehehe! yes, hindi bababa ng 1000 euros according sa insider ko. Ehehehe! Puede na talaga ako maging blind item writer!

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....