Thursday, June 07, 2012

Jessica, the Half-Breeds and the Pinoy Pride Epalepsy Syndrome


Hindi ako hater ni Jessica. Pero buti na lang at natalo siya.

Yung nakita ko siya na kumanta kasama si Jennifer Holiday, akala ko lalamunin nila ng buhay ang mga audience at guguho ang stage sa sobrang galing nila kumanta, paano ko kaiinisan si Jessica? I love Jessica and I really admire her.

Hindi naman siya tulad ng iba diyang over-rated actress na akala mo ba’y ipinanganak na may glutamax sa dugo at balat, maarte pero hindi marunong mag-act talaga, at parang prinsesang nakaupo sa tasa na pinuri, pinalakpakan, at binuhusan ng salapi sa entablado dahil sa kanyang makabasag-taingang boses na parang nagmula pa sa kanyang k*ki.

Jessica is one helluva singer! She could destroy Philips into pieces sa isang birit lang kung gugustuhin niya.

Pero buti na nga lang at natalo siya.

Bakit? Dahil aatakihin na naman ang mga Pilipino ng kanilang PIPES, o ang Pinoy Pride Epaliptic Syndrome. 



I don’t know what’s with Filipinos but they always keep on thinking that the greatest contribution of our people to the world is mixing the Filipino blood with other races, in particular with Caucasians and other white populations. Dugo lang ang puhunan. As if naman titigil ang mundo kung hindi magkakaroon ng mga half-breeds.

In fact, racism is now made cute in the Philippines. Ever heard of the the fashion slogan “What’s Your Mix?”. A concept campaign by Bayo, some stupid fashion line in the islands, was taken down because it suggested na mas cool ngayon ang mga half-breeds. Then they would say, Buy Filipino. Really now? Whites are buying Filipinas like some on-sale b*tches.

So much about nationalism at mga slogan na “More Fun in the Philippines”. Asa ka, madami na namang mga pseudo-conyong jejemon ang magsasabi, “yeah, I’m half this” or “half-that” Hap hapin ko mga mukha niyo!

The only half-breed that’s fun to look at is Cher’s Half-Breed.



Ang hirap sa atin, mabalitaan lang na may dugong Pilipino proud na agad. Kung nanalo si Jessica ang sasabihin na naman, “Nanalo yan dahil may lahing Pinoy.” Duh! Kung si Jessica ay naging 100% Filipino at nasa Pilipinas, hindi sisikat yan, dahil masasapawan yan ng isang over-rated half-naked half-breed, kahit walang talent ang latter.

Totoo naman, halo lahat ng nasa Filipino showbiz industry ay walang talent, kung meron man silang pinagyayabang eh dahil over the years pinilit lang i-polish ang mediocrity na meron sila.



At wala din naman pinagkaiba ang Pilipinas sa China. Kung ang China ang hilig umangkin ng lupa ng iba, ang Pilipinas naman ang hilig angkinin ang mga citizen ng iba. Why claim Jessica for Philippines’s glory when Jessica Sanchez is AMERICAN? The nation who nurtured, cultivated, and developed her talent is the UNITED STATES. Yung dugo lang ang na contribute natin, but we have nothing to do with her talent. AMERICAN Idol nga nilabanan eh, nakisingit naman tayo as if she was one of us. She’s not. Natuwa na lang siya at may mga fans siya sa Pinas.

Puede ba? Tigil tigilan na natin ang pag-angkin sa mga half-breeds, tigilan na ang pag promote at paghuhubad diyan sa mga half-blood na yan. Marami pa dyan Filipina beauty at mga machong Filipino. Kulang lang naman talaga sa ligo.

At puede ba, ang ilagay niyo sa TV, commercial ads at sa mga pelikula ay yung mga talentadong tao hindi yung mga ta*antado!

Argh!!! May mental regla na naman ako...

Anyway, Jessica Sanchez, in the future, I do hope you become one of those divas who will sing their lungs out until all those over-rated glitter-ass auto-tuned girls die miserably. You are a real singer and a real diva.



5 comments:

  1. tama ka dyan, maxadong proud ang pinoy pagdating sa mga balitang kumakalat na isang pinoy dito isang pinoy dun, akala natin eh tayo na ang hari at reyna ng kung anu tpos kung matalo, hindi matatanggap ang pagkatalo magre2act ng patalikod,

    ReplyDelete
  2. haha oo ganun nga pinoy parang sabik sa lime light kaya laht ng my filipino blood na sumisikat ee inaankin na ang kalahatan
    peo di nmn tlga maiiwasan khit ako nbuhay pagkapilipino pag ganyan peo aun nga lng misan ung iba sobra na ok na ung mging proud ka peo ung tipong parang ur getteng all the credits for someone as amazing as her iba na un haha

    ReplyDelete
  3. Finally ....Someone said it like it is ...how the heck can i follow your blog i can't find the follow button LOL

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....