Tuesday, July 31, 2012

Buhay Baboy Ends


Masarap talagang balikan ang nakaraan. Masarap muling buhayin ang dati. Lalu na kung babalikan mo ang dating buhay baboy.

www.fastmovieblog.blogspot.it


Boys and girls, oo, bumalik ako sa buhay baboy last month. Parang aso na lumakad pabalik sa malagkit niyang suka na ikinalat sa daan. Hong droomoo! Hahaha!

Biruin mo, ang pinaghirapan ko ng 3 months sa gym, sinira ko sa month ng July. Napatigil din ako sa Insanity Workout Program. Bah! All this trouble just to be healthy and sexy. Mah!

Saan ba ako nagpunta?

July is so far the most eventful month this year for me. Sa wakas nakapagbakasyon ako! Isipin mo, for almost three years I’ve been spending my vacation sa pag organize at supervise ng youth conferences (national level! And yes, kalalabas ko lang sa stage ng pagiging youth. I am a young adult na kahit utak 15-year-old kid pa rin, pero hindi ako nag-PBB-Teen Mode. Too smart for that. Hahaha!) at pag punta sa iba pang conferences every summer. Enjoy naman pero kapag taun-taon na lang eh ganun, medyo nasisiraan din ako ng bait. So I decided that this year, I’ll do something different.

I went to Rome, few days in Milan, went to a concert, the beach, and naging personal alalay ng kaibigan kong photographer at pinsan kong pseudo-model (I did it because I love my cousin- gwapo na, kamukha ko pa. O, walang kokontra! Walang basagan ng trip!). Anyway, I’ll feature them and my summer trips in my blog.

And this July, grabe, hindi nagbakasyon ang stomach ko! Todo to the highest power pa ang pagbibilad ko sa ilalim ng summer sun! Akala mo kung sinong mestizo no? Hahaha! I just love my dark brownish-bluish-blackish skin!

Above all, I was able to see again my good old friends. I’m not a very sociable person (weh!), but I try to keep myself in the company of a few people I trust and love, and cultivate my relationship with them. Oo, medyo suplado ako sa personal.

Sige na, it’s 1:43 AM. I still need to get up early tomorrow and start my training again. Bubuhayin muli ang Virgin Charlie Challenge!

Abangan ang susunod na mga kabanata!

5 comments:

  1. ok lang siguro ang balik buhay baboy for a month :) at least mukhang super enjoy ka naman :)

    ReplyDelete
  2. ako araw araw ..i hate it lol

    ReplyDelete
  3. haha life is to short para maxadong isipin ang katawan haha ako di ko na alam kung mataba na ba ko oh lalo pumayat

    ReplyDelete
  4. haahah .. ako maggygym na ..ayaw ko na mamuhay baboy :)

    ReplyDelete
  5. @jep buendia: Biruin mo para akong nakawala sa kulungan at parang lifetime akong hindi nakakakita ng pagkain!

    @Meowfie: Let's set aside the vanity/aesthetic point, we need to be strong and healthy (and i mean fit and healthy, not fleshy healthy). Happiness is still out there, i wanna live longer and experience it more!

    @Mecoy: Kung hinahabol ka pa ng girls, walang problema!

    @Kulapitot: You look ok naman sir, pero wala naman masama if we aspire to be overwhelmingly sexy di ba?

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....