Thursday, August 16, 2012

Miss Pseudo-Conyo



Dear Miss Pseudo-Conyo,

Hija de Ewan ka talaga. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ka nagkaganyan. You were such a charming girl. Smart ka talaga ever since you were little. Pero bakit ka ba nagkaganyan?

Balita ko supladita ka na. One time nga daw, nagyaya ka nga daw sa birthday bash mo sa mga relatives natin but you didn’t invite my grandmother, who is also YOUR grandmother. Nakatayo na nga siya sa harap mo na echepwera pa.

Tindi mo teh! Iba na talaga ang ‘yong tingin. Nagbago na ang lahat sa ‘yo.

Ang latest pang balita na nakaabot sa akin ay hindi pala natungtong sa Mcdonald’s o kahit anong fast-food restaurants. Kung idadahilan mo sana ay dahil sa gusto mo ng healthy lifestyle, acceptable ‘yon. But you had to be confronted by one of our aunts to reprimand you of your socialite-like behaviour.

Grabe, sosyal ka na rin pala. Nakakahiya, UP student ka pa man din. I used to think that the intelligent underprivileged go to this prestigious university. Sabi ko nga, di bale na pumasok sa university na ito ang mga buwis ng taong bayan, after all, mga iskolar natin ito.

Nakakalungkot lang isipin na ang iskolar ng bayan ay hindi pala kumakain ng pagkain ng masa. Matalino ka, pero hindi ka mayaman ineng. Isipin mo kung sino ang mga magulang mo at ang pamilya natin.

We both belong to a very long line of pure-blooded Tagalogs who worked in rice fields in Laguna and Batangas. Tapos eto ka ngayon, isang pseudo-conyo sa University of the Philippines. Pero ano pa nga ba ang naidulot ng UP sa atin? Disappointments. It has produced the honourable and excellent, as well as the ambitious and the corrupt. Mga iskolar ng bayan, hayun, mga naglipana sa ibang bansa. Inglis-spokeningngmgainaniyo kayong lahat!

Eh ano naman ako Miss Pseudo-Conyo? Disappointment lang din naman ako ng family, pero hindi naman ako itong nasa UP. Maisip mo sana kung paano kinikita ang pera sa abroad habang napaka-glamorous ng buhay mo diyan Madam Scholar ng Bayan.

Ewan ko nga ba? Eh kung ganyan lang din naman eh bakit hindi pa ibuhos ang taxes ng taong bayan sa Ateneo, La Salle, UST at iba pang private universities?

Sige, motto din naman kasi ng Tripster Guy Blog is “kanya kanyang trip yan”, kaya walang basagan talaga ng trip. Ayoko mambasag ng iyong social-climbing trip, basta matuto ka lang lumingon sa iyong pinanggalingan, dahil ako, kaming lahat, we still see you as that sweet and smart little girl whom we love so much. If you really have to change, change for the best.


Loving you forever,

Tripster Guy

9 comments:

  1. mare2alize din niya yan, swear!

    mararamdaman niya rin ang sakit kapag siya naman ang naghanap ng matatakbuhan

    tsk2 grbe tlga ang youth ngayon, di ko na maexplain,

    ReplyDelete
    Replies
    1. there is a certain charm and power the city does to the probinsyanos. i have experience it. i just hope she wont lose who she is and remember what rizal said about a fish.

      Delete
    2. True. Kahit din naman ako whenever I go to Milan, which is a bigger and modern city. But i never want to lose my provincial perspective and attitude because that makes me different. And besides, I despise the city dwellers. Hehehe...

      Delete
  2. hirap na nila intindihin naun dami nililihim di tulad nmen nun transparent sa mga magulang nmn

    ReplyDelete
  3. Aw relax lang, yaan mo na siya :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano pa nga ba? Masyado lang ako nagpapaapekto, eh kahit naman siya siguro walang concern sa akin. Anyway, tama ka din, hayaan na lang at mag relax ako.

      Delete
  4. marerealize nya yan pag naghanap na yan ng work :P


    chill ka lang ....
    mamaya mawala ung pagkapogi mouh hahahaha
    ;)

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....