Tuesday, August 14, 2012

SUMMER BUHAY BABOY Finale (Oo, last na ito)- Acknowledgements


Special thanks to-

Xian Gallardo- my photographer and best friend. Salamat sa iyong hospitality and generosity, thanks also for being my guide sa aking Roman Food Trip. I promise to be a loyal bugaw agent whenever you need models here in Florence. Don’t worry, I’m working out na para matuloy na yung Mishima/Tripster Project. Matutuloy yan and I promise to expose much more flesh sa photoshoot as possible. Nyahahaha! To the few and faithful visitors of the blog, visit- Xian Gallardo Photography

Melvin - my colleague and Travelling Tripper no. 2 a.k.a. Choco Martin. Yummy po talaga ‘yan. Sa lahat ng interested, you can contact me, we can haggle the price. Hahaha! Parang pimp lang eh! Wonderful travelling companion at hindi talaga boring kapag kasama ka. Pasensya na lang at napasingit ka pa sa sibling wars namin at sa mga eksenang napapalabas ang aking pagka-warfreak. Wag kang mag-alala, kung may mangyari man, hindi kita hahayaang masaktan, lumayo ka lang agad sa akin kapag nagsimula na ako ng riot. Hehehe! Salamat ng marami!

Sydney- Ang nag-iisa kong favourite na kapatid. Salamat at hindi mo tuluyang sinira ang mood ko sa Milan trip natin. I was afraid that you would ruin my vacation the way you did when we went to Barcelona. But anyway, masaya ako kapag nakikita kitang masaya na nilulustay ang pera mo sa pag-shopping. I was kind of disappointed at hindi mo inuwi yung model ng A&F. May boyfriend ka n asana ngayon. Anyway, marami pang panahon para sayo.

Zarina- Maraming salamat sa iyong moral support, lalu na noong malapit ko nang kausapin yung cashier sa ticket office ng Centrale. Your immaculate beauty and fascinating wit always inspire happiness and peace in my heart. I could never figure out why you ever settled for something like Alvin, hahaha! Joke! Lucky girl, he will love you more than you love him, hindi ka niya iiwanan (naks, pogi points para sayo pre!).

Alvin- Ewan ko ba, mas guwapo naman ako sayo. Ginayuma mo ba ang gf mo? Hahaha! But you know well I’m just kidding. I always tell people that my two best friends are cool and better-looking than I am. Salamat sa treat, sa pagiging shock-absorber, salamat sa pagiging guide and for making me laugh and smile noong todo to the highest level na ang bad trip ko. Malaki ang utang ko sayo, wag mo lang ako sisingilin ng cash dahil mag file talaga ako ng bankruptcy. Kapag tumungtong ka dito sa Firenze, ako ang bahala sa inyo ni Zarina.

Rick and Jay- Nasan man kayo, salamat at sinamahan niyo kami sa kung anu-anong trip namin sa Milan.

Next destination? Hmmm…

  1. Amsterdam
  2. Brussels
  3. Philippines!!!!!

Sasagutin natin yan sa pagbabalik ng SWELDUHAN!!!!!

1 comment:

Sige, sakayan niyo ang trip ko....