Thursday, October 04, 2012

Mr. Sugar Daddy


Sabi nila “politics is showbiz of the ugly”. Saan ka nga naman nakakita ng mga legislators na pang-comedy ang dating sa mga privilege speech nila at mala Xerex na kwentuhan sa hearing, kung hindi sa Philippines lang, where politics is certainy more fun.

Pero itong bumisitang politician na ito ay hindi naman katulad ng mga god-forsaken feces faces ng mga members ng Kongreso. May dating si parekoy. Hindi naman panget and in his younger days patok na patok ang hitsura neto. Kung tutuusin, may lahing banyaga ang dating mambabatas na ito. Isang bagay na sa panahon natin ngayon eh talagang ipinagmamalaki habang namumutawi sa bunganga nila sa sila’y tunay na Pilipino. Dami niyang nakuhang pogi points noon, pero sa latest round niya hindi kayang takpan ng pogi points niya ang mga pekeng points niya sa balota.

He’s not really a sugar daddy, not the old rich gay guy who patronizes the young vulnerable poor cute boys. It’s just that sugar barons love him.

from www.sugarsugar.com


Walang kaduda-duda sa sexuality niya. Machong gwapo, may anak at asawa. At devoted Catholic din.

Nag stay sila sa country side ng Florence. San Casciano to be exact. According sa source ko, kaya daw sila nag stay doon at hindi sa sentro ng ciudad kasi daw mas mura ang hotel. Medyo duda din ako doon, but very impressive. May pagka-down-to-earth pala si Sugar Daddy. But then, sa murang presyo nga naman eh makikita mo ang famous Tuscan country side.


Makatao din. Nung dumating ang Sunday, bumisita siya sa San Barnaba Church, ang main Filipino Catholic Church dito sa Florence.

Dalawa lang ang theory ko tungkol sa kanyang pagbisita:

  1. Nagpapapogi siya dahil malapit na ang eleksyon
  2. Isa talaga siyang devout Catholic
Theory #1- Magandang sign yung nagpapapogi siya para kumuha ng boto. That means, binibilang talaga nila ang mga boto naming Overseas Absentee Voters. Walang masama kung magpabango siya ng pangalan lalu na kung sobrang baho na nito. It’s an honour for me na ligawan niya ako para makuha ang matamis kong boto.

Theory #2- Maganda naman din kung devout Catholic siya. Protestant naman ako, but in politics, for me, there is only one God and one Church kaya hindi ko pinapansin ang mga difference. Ayos yan, maganda yan sa spiritual life.

Either theory, pabor pa rin ito sa aming mga Pinoy dito dahil at least nakita niya kami, at nalaman niya ang kalagayan namin dito sa ibang bansa. Hudyat din ito na may boses talaga ang mga OAV.

Pero hindi naman ako nakukuha basta basta ng matamis na salita at mukha ni Sugar Daddy. Kahit mas maganda ang ipinakita niya sa amin kung ikukumpara kay Lady Legislator for All Seasons, eh kailangan pa niyang patunayan kung matamis nga din ba ang kinabukasan at ang kabuhayan ng mga Pilipino kung ibabalik natin si Sugar Daddy sa Kongreso.

19 comments:

  1. haha election nanaman kakabad vibes lng

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga lang. Pero we really have to be at least informed. Voting is the least we can do for the Motherland. Pa rehistro ka na!

      Delete
  2. Replies
    1. Wag mo kasi sabihan si Sotto na "PINAKABOBONG SENADOR" of all time para hindi na-ban ang comments mo. hahaha!

      Delete
  3. Hmmm iisa-isahin ko ang mga kakandidato at iisipin ko kung sino si Sugar Daddy.

    BTW, naaliw naman ako sa sugarsugar.com! Kaya lang ayaw nya ng I am a man, seeking a man. Haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Just look at their track record makikilala mo na siya. Hahaha! And kung magiging bayarang lalaki ako eh maghahanap na lang ako ng sugar daddy kaysa sa sugar mommy. Effortless ang trabaho. hahahaha!

      Delete
  4. nahirapan ako! ang speaking of election..i need to register na pala so I can exercise the right of suffrage...sayang din:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Of course Ms. SunnyToast. Make your voice be heard. You maybe one, but at least your someone. What you must do, you ought to do. Be a responsible citizen. Vote!

      Delete
  5. mahina ako sa mga blind item. lol. wala bang clue?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibibigay ko kung matatanggal ang libel clause sa RA 10175. Hehehehe...

      Delete
  6. I wonder kung sino ang politician na to.. Sana nga maging sweet ang future in case manalo siya sa eleksyon..

    ReplyDelete
    Replies
    1. I doubt it. I'm not even voting for him.

      Delete
  7. I don't really care about politics ....
    sorry if i disappoint you .... hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hey, no prob. Masaya nako nakatambay ka dito. I know we come from different worlds, but at least you're here.

      just be a responsible citizen. Please register and vote, or CONTINUE TO COMMENT ON THE GENUINE MENTAL PROCESSES OF SENATOR TITO SOTTO AND CO.

      Delete
  8. sinetch itech? hindi ko mahulaan..more clue please kahit initials lang hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. nako, kapag nagbigay pa ako ng initials eh baka hindi na ako makabalik ng Pilipinas. hehehehe...

      Delete
  9. Sana nga manalo siya para may ka-anya-anyayang tingnan sa politika dito sa Pinas. Anong initials? Hirap naman hulaan, hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah, perfect eye candy di ba? hahaha! As for the initials eh hindi na ako magbibigay ng clue. Sorry!

      Delete
  10. Napapa isip tuloy ako kung sino yan... tagal ko na ring di naka boto.... naka 2 eleksyon na.... sana next election maka boto na ako...

    Sayang walang clue hehehe

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....