Thursday, December 20, 2012

SMP- Super Megalomaniac Psycho


SMP- Super Megalomaniac Psycho

Yan siguro ang award na mas naaangkop sa akin. Tatagalugin ko ang post na ito, in response sa isang comment na inglisero daw ako. Hindi ah! I’m so not conyo! Hahaha!



First of all I would like to thank Ms. Pink Line for this award, although I believe na mas deserving yung ibang bloggers ng award na ito. I can’t even remember kung kailan ako naging bahagi ng popular crowd. Napaka private ko pa man din, napaka awkward (kahit ang childhood ko), at napaka homeboy.

I would like to establish that I was a campus crush in high school in the Philippines…. in my own twisted and sick world of imagination. I was actually a young student politician, a trapo in the making. Pero hindi pa rin popular ang isang officer ng student council eh.

Anyway, let’s proceed with the ceremony.

Maraming salamat ulit kay Ms. Pink Line. You’re really the best! Pinupuno mo ako lagi ng attention at tags. Salamat at may awa ka sa isang epal na KSP. Hahaha!

Ang saveh ng rules (of which I’m bound to break):

  1. Answer the questions below.
  2. Choose your Super Mr. Popular and Super Ms. Popular, to whom you want to give this award (maximum of 15 people)
  3. Copy the provided question below or you may create a new question you want to ask them.
  4. Don’t forget to send me the link of your post so I can see it too.

Your life is going to become a script in a movie. Whose local/foreign celebrity would you want to play you?

Gusto ko sana si Piolo Pascual, dahil gwapo siya at gwapo din ako. Sexy siya. May super sexy personality ako. Madaming kaduda-duda sa kanya. Hindi rin ako napapalayo sa mga kaduda-dudang katanungan. At ang storya ng buhay ko ay drama. Hahaha! The truth is, I don’t look anything like Mr. Pascual. At hindi madrama ang buhay ko.

Sa tingin ko, si Michael V. na lang dahil kahawig ko daw siya (uglier version pa nga daw ako. Pak shet sila!) at ang life story ko ay hindi isang movie kundi isang episode or segment ng isang gag show. Katawa-tawa.

Kung foreign celebrity naman, first choice ko sana ay si Johnny Depp. I like the characters he play- lahat weird, twisted, and socially disturbing. Kaso naunahan na ako ni Anthony ng Free to Play.  Kaya para maiba naman eh di si Jude Law na lang.

You get to become a villain for a day from a Disney movie. Which villain are you?

Alin man siguro sa tatlo ni Shere Khan (Jungle Book), Kaa (Jungle Book), at Evil Emperor Zurg (Pixar’s Buzz Lightyear of Star Command). O di kaya yung whale sa Pinocchio. May taglay talaga akong kahayupan.


Aside from your family, what is your greatest accomplishment in life?

Hanep sa tanong eh. Pang pageant talaga. I haven’t accomplished much in life, yet. I’m still a slave to the minimum wage at nangangayayat ang wallet.

Siguro maaari ko na din i-consider ang ilang sumusunod:

1.                  Six-year stint as president of a youth organization on a national level. Isa itong ministry under ng isang Filipino Protestant church dito sa Italy. It is one of the largest protestant youth groups in Europe. Kahit hindi ako ang first chairman nito, at least I can say that I was able to lay the foundations of its organizational structure, its ways and means, at sa pag-set ng programs at principles nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon sila ng isang ruthless, heartless, tenacious, and short-tempered tyrant. Ngayon, isa ako sa mga advisers, kasi expired na ang age ko, AT sawa na sila na mapalagay under my dictatorial rule. Bwahahaha!

2.                  Nag gym ako. Oo. Malaking bagay na ‘yon. Hanggang ngayon they still find it unthinkable na nag gym ako. Wala nga lang visible results kasi nga tumigil nako. Pero kung noon ganito ang hitsura ko, ngayon kasing cute ko na si Babe!

Nakakapagod maging concerned sa health at maging vain. Pero gusto ko pa rin ipagpatuloy para matupad na ang pangarap kong maging bayarang lalaki. Hahaha!

These are simply some of the many petty issues in my life. They’re not really big time accomplishments for me. I want something else.

In your own views, what’s the spirit of Christmas?

Sex games. I know I sound like an assholic douchebag. Pero ‘yon ang pumapasok sa inosente kong kaisipan. Don’t ask why.


And I pass this award to…. NOBODY. Oo, NOBODY! I’m an evil attention-monger! Bwahahaha!

Besides, na tag na yata halos lahat ng naiisipan kong bigyan nito. Kung hindi ka pa na tag, tell me. Ako bahala sayo.

10 comments:

  1. Sex Games???? I wanna know why!!! hahahaha... We're soulmates I think... jowk...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mataas lang yata ang testosterone levels mo. Hindi naman talaga tayo soul mates. You're just horny. hahaha! Joke!

      Delete
  2. Hanggang dito may sex padin. Lave it. Lol. Ang galing kasi ni Johnny Depp lalo na sa Pirates.. And nag-gym din ako, ang hirap ng disiplina na ginagawa nila, although sa iba ay madali lang, eh sa akin ang hirap magpigil sa mga nilalamon. Continue to become the role model sa kabataan. I-impose ang martial law sa kanila. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pambihira! Sex lang ang pinansin niyo dito! hahaha! Horny people. At salamat sa pag-encourage sa akin to terrorize the youth. Hehehe! No, tapos na ako don. Tama na.

      Delete
  3. well ang sama naman nung nag sabi sayo na uglier version ka ni micheal v, im sure insecure lng un haha

    haha di ata ako familiar dun sa mga taga jungle book

    wow youth leader, well for once naging youth leader na din ako sa isang church pero na discourage lng
    need ko na mag gym;/

    wow ang weird naman ng perception mo sa chritsmas bakit namna kaya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Totoo! Medyo hawig kami ni michael v, kaya tabat tabasan na ang mukha at tiyan! hahaha! Hindi naman ako manyak pero ganon eh.

      Delete
  4. pakiexplain ang sex games. dahil ba malamig? dahil ba mahaba ang bakasyon tapos malamig? explain!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Gigil na gigil ka pa sa pagtatanong!

      Delete
  5. Whahaha. Gusto ko na yung pangarap mo na maging bayarang lalaki, dyuk! Syet! sex games. LOL dami kong tawa :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. One day I really have to write something about this obsession of mine of becoming a host. hahaha!

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....