Saturday, December 29, 2012

The Final Countdown 2012- Ang Labindalawang Trip!


1.      January- my first post in 2012 was a book review. At the same time, sinimulan ko na din ang A-Z Book Challenge. I finished the challenge! Sinimulan ko din pagtripan ng seryoso si Sen. Tito Sotto (sumalangit nawa ang kaluluwa niya, kung meron siya non). Hindi ko alam kung bakit. Naging obsession ko na i-halo siya sa trash-talk ko.


2.      February- na-tripan kong mag-gym. Hindi successful. Pero it’s a giant leap for a slob like me to be a member of a fitness club.



3.      March- nagkunwari akong movie critic for more than a week during the Korea Film Fest of Florence. Ganun pa din ang magiging trip ko sa 2013 edition ng festival. Nakipag high five ako kay Song Kang Ho.


4.      April- I posted my first political blind-item patungkol sa isang lady legislator. Mula noon eh walang humpay na akong naghahanap ng mga juicy stories ng mga pulitiko na dumadaan dito sa Italy.



5.      May- ito yung time na madalas na ako bumisita sa iba’t-ibang blog at maging follower ng ibang bloggers. Maikli pa ang mga comments ko by this time.
6.      June- This is the time I began my battle cry against half-breeds, and perhaps the time that I’m becoming the Second Hitler. Hahaha!

7.      July- Regalo ko sa sarili ko ang ticket sa concert ni Alanis Morissette. One of the happiest moments of 2012! Kasama ko ang best friend ko at ang kapatid ko. Ito na rin yung panahon na bumalik ako sa buhay baboy ko. I had another Roman Holiday at ang aking Norther Exposure sa Milan.

me, somewhere in the middle of the crowd. Photos by Xian Gallardo


8.      August- Best moments of the month was when I went to the beach, nag road-trip kasama ang pinsan kong luka-luka, at na-meet ko ang isang local tribute band ng Oasis, ang The Rubbish Band, sa Hard Rock Café.


9.      September- First time ko nakita ang legendary rock star Iggy Pop sa kanyang concert dito sa Florence. Isang rave party, puno ng lasing, malalakas ang putok ng iba, mahihipo mo ang kahit ano at kung sinu-sino, pero todo bigay sa head-banging. Ipinangako ko din sa sarili ko na hindi nako pupunta sa ganong klaseng event. Hahaha!


10. October- full-blown epaloid commentator na ako sa mga blogs sa panahon na ito. Nag investigate din ako noon sa mga galaw ng isang Filipino politician na bumista sa Florence, ating itago na lang siya sa pangalang Mr. Sugar Daddy, at nabigyan ako ni Ms. Pink Line ng Liebster Award. Siyempre, parang Famas award ang nakuha ko kaya todo bigay sa drama sa pasasalamat.




11.  November- I faced a tough choice in this month. May concert noon si Noel Gallagher (dating member ng Oasis) at may offer na isang workshop sa creative writing.  I chose the latter. Kulang sa budget ako noon. But I think I made the right choice. This is the second time I missed the opportunity to see Noel Gallagher.

12.  December- hanggang sa dito sa buwan na ito, hindi ko pa rin tinigilan si Sen. Tito Sotto (buhay ka pa rin?). The best thing that happened to me this month (maliban sa mga nagsunud-sunod na bayarin at nervous break down ng kotse kong si Golfie) ay natapos ko ang kauna-unahang short story ko sa Italian language. I’m waiting for the publisher’s reply and comment. Kahit wala pang hint na i-publish nila, eh masaya na rin ako dahil nagkaroon ng bunga ang workshop. I’m looking forward na ma-publish na!
http://www.zazzle.com/kiss_me_im_a_writer_photosculpture-153907191785564833


2012 wasn’t so bad after all. Kailangan talaga minsan eh we should count our blessings. At sabi nga ng blogger na si Ms. Sunny Toast- Life is good!

To all my fellow bloggers and readers (and haters kung meron man), secret admirers (kapal ng mukha ko no? hahaha!), Sen. Tito Sotto, Amalayer girl, Gloria Arroyo (isa ka pa!), Noynoy, sa aking Secret Love, at sa lahat ng sambayanang Pilipino- thanks for the love!

Love you all! Happy 2013!

31 comments:

  1. wow, may ganap every month. happy new year and habaan mo pa ang mga comments mo sa mga posts, maikli eh. Joke! pero maraming salamat din sa iyong pagdaan sa aking blog. godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Maikli pa ba yun? hahaha! Sige wag kang mag-alala. I'll try my best to invade your blog space! hahaha!

      Delete
  2. wrap up. thanks for entertaining us with your blog...

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome! Regards to your beautiful kids!

      Delete
  3. wow. anlupet mo sir tripster. may mga na-miss akong entries mo pero babasahin ko yun pagbalik dun sa pupuntahan ko. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Olivr! Hindi na nga rin ako makapagiwan ng isang salita sa blog mo. Bibisita din ako! hehehe... Salamat for dropping by!

      Delete
  4. Best in documentation ka talaga as always...


    Nakakainggit talaga ang mga nakaluliwag-luwag sa buhay... Ibang-iba sa trip ng gaya kong atga-looban...

    Have I told you na conscious ako whenever you visit my page? Kasi well scrutinized lagi through your comments... lol...

    Happy New Year sa iyo Sir!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun! hahaha! Nako, huwag mainggit. I wrote this just to remind myself na kahit mas matimbang ang mga problema (and my God, I had a lot of it this year) eh mabuti pang tingnan ang mga positive things. Don't be conscious kapag nadaan ako, I'm just a trying-hard, isang epal na nagpapanggap na conyo. Hehehe!

      Delete
  5. wow naging fruitful ang 2012 mo!
    nice nice nice
    nasabi ko na to noon
    ikaw ang the best commentator
    i mean laht ng commment mo ehh sensible at buong psuo ang pagkakagawa!

    looking forward na makasalamuha ka pa by next year

    happy new year

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! hehehe! I appreciate that, and I really like what you've been writing recently in your blog.

      Delete
  6. astig ah! dami mong na experience na masasaya...

    Happy Happy New year!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman ganun kadami. Pero masaya na rin dahil mayroon akong naging dahilan para pasalamatan ang Maykapal. Happy New Year!

      Delete
    2. Happy Happy New Year ^^ may ginawa ako para sayo... nasa previous post ko ^_^

      Happy Happy New Year ^^

      Delete
  7. Natuwa ako ng bongga sa Half breed! HAHAHAHAH! At si Tito Sotto? Sino yun? :) Jowk! HAHAH!

    Merry Christmas Mr. Tripster!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Happy holidays pao! Hindi naman talaga ako galit sa mga half-breeds and I really don't aspire to be the next hitler. Amalayer. hahaha!

      Delete
  8. Naks. Every month may major events/things happened talaga sayo. Sino ba yang No.4? Ireveal nayan. Gusto ko yung beach and roadtrio nyo. Pangarap ko yun e.

    Happy New Year Sir Trips :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako ser! Huwag na muna! Mag eelection na at napaka sensitive ng mga buwayang yan! hahaha! I wrote all the hints. Hulaan niyo na lang!

      Delete
  9. We should really count our blessings sir! More post pa!

    Advance Happy New Year politician slash bookworm slash gym slob! XD

    ReplyDelete
  10. makulay ang 2012 mo! :) gusto ko yung nakapunta ka sa concert ni alanis, paborito ko yun. kamusta naman yung rave party? mukhang masaya yun ah hehe :) God bless for your 2013 mr tripster!

    maraming salamat sa mga napaka-profound mong comments! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung latest comment ko nga sayo sobrang ikli. hahaha! Hope 2013 will be nice and colourful for you as well!

      Delete
  11. isang malaking paputok sa katapusan ng 2012! You rock pare!! may the force be with you. \m/,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep! Kudos to you cyron! Paano pa nga ba ang mundo kung walang mga gwapong nilalang tulad naten?

      Delete
  12. You high-fived Hong Sang-soo? I love his films! His one of my favorite directors.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes! He's a very nice and refined guy. Isipin mo napaka barumbado at gago ang karamihan ng role niya pero he's very stylish, dandy, and very sophisticated. Magaling na actor and smart too. Hopefully sa 2013 may special guest ulit sa festival.

      Delete
  13. wuy happy na happy ang 2012 at siguradong mas magiging happy ang 2013! : happy new year :

    ReplyDelete
  14. Happy New Year Mr Tripster! That was a very active 2012, I'm sure 2013 will be much more action packed (parang movie lang) Go go go! :)

    ReplyDelete
  15. Naging colorful ang 2012 mo, mula sa book challenge haggang sa political rants, haha! Happy New Year, Mr. Tripster! More love! At sana lalo ka pang gumwapo :D

    ReplyDelete
  16. nakakatuwa naman at ang dami dami mong na accomplished, na experienced sa taong 2012 at ang dami kong inggit! well im happy for your successes and i wish nothing but more more success pa this 2013.

    ReplyDelete
  17. Your such an accomplished person:) inggit ako with Alanis Morissette concert. I grow up with her songs and I'm wishing that your Italian language will be release:) send me one ha;)

    Yes..life is good ended! wishing you a good year ahead!

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....