Thursday, December 20, 2012

The Things I Would Do Before the End of the World and My Official End of the World Playlist (Revisited)


Matapos ang epic fail ni Harold Camping sa pag predict niya ng end of the world noong May 21, narito naman ang aking "bucket list" para sa Mayan prophecy ng end of the world sa December 21.

Ayon naman sa omniscient writer ng Holy Scriptures na si Jesus Christ, ‘wag daw magpapaniwala sa mga epal na magsasabi ng mga specific dates ng kanyang mala-parteh partehng pagbabalik.

36 “But about that day or hour no one knows, not even the angels in heaven, nor the Son,[f] but only the Father. 37 As it was in the days of Noah, so it will be at the coming of the Son of Man. 38 For in the days before the flood, people were eating and drinking, marrying and giving in marriage, up to the day Noah entered the ark; 39 and they knew nothing about what would happen until the flood came and took them all away. That is how it will be at the coming of the Son of Man. 40 Two men will be in the field; one will be taken and the other left. 41 Two women will be grinding with a hand mill; one will be taken and the other left.
   42 “Therefore keep watch, because you do not know on what day your Lord will come. 43 But understand this: If the owner of the house had known at what time of night the thief was coming, he would have kept watch and would not have let his house be broken into. 44 So you also must be ready, because the Son of Man will come at an hour when you do not expect him. – Matthew 24:36-44 (NIV)

Kita mo! Kahit si Hesus ayaw sa mga epal! The world is going to come to an end pero yung ayon pa rin sa sinabi ng Bible. But not in this way pareng Harold Camping. Ang labo mo pre! Mas matindi ang trip mo kesa sa trip ko!

Pero paano nga halimbawa kung sinabi sa iyo ang specific date ng end of the world?

I found the list I wrote many years (and kilos) ago. Kasama sa listahan na ito ang mga hangarin ko na saksakin ng walang pakundangan ang mga kinaiinisan ko at ang mga taong nang-insulto sa akin, sunugin ang mga pinasukan kong paaralan, at wild random sex.

Kapag nababanggit ang end of the world siguradong marami ang magsasabi ng three obvious answers: kill enemies, indulge myself with the most delicious dishes, and wild sex and orgies. And yes, these are the top three things that came to my mind back then.

Looking back, I was full of anger… at oversexed! You know, youth and hormones. Hehehe!

Pero na-realize ko din na if this is my last day on earth why not do something meaningful? Yung may sense ika nga. Hindi pa kasi end of the world puro kabalastugan na ang trip ng mga tao. When the world is going berserk I think I’d do the most “Christian” thing to do para ma-iba naman…

So, nasabi na sa akin na end of the world at ito ang gagawin ko from morning hanggang sa katapusan.

#1. Wake up early, bring my guitar with me and play a tribute song to Eraserheads. Oo, isang awitin para kay Ely, Raymund, Buddy at Marcus. Siyempre ang aking all-time favourite “Ang Huling El Bimbo” ang tutugtugin ko dun sa ibabaw ng tulay malapit sa bahay namin. Ely Buendia, pare, kahit sa huling sandali, I love you pa rin! LOL!

Song no. 1- Huling El Bimbo



#2. Prepare breakfast for my parents. Kahit papaano mapagsilbihan ko ang mga magulang ko kahit sa huling sandali. Yakapin sila for the last time and thank them for everything. Hihingi ako ng patawad sa lahat ng pagkukulang ko at kasalanan. I should say these things to them kasi kahit kailan hindi sila nagkulang o nagkamali sa akin. I would call my pastors too dahil sila ang naging second parents ko and thank them for all the prayers and support they gave me.

Song no. 2- Toyang- parang bagay sa kanila yung song eh….



#3. Yakapin ko ang mga lola ko na buhay pa hanggang ngayon. Sila na naging mga number 1 fans naming magkapatid. Yes, spoiled na spoiled ako sa mga yan. Ewan ko nga ba kung bakit fans naming magkapatid sila pero mahal na mahal namin sila.

Song no. 3- Yiruma- Kiss The Rain



#4. Call my sister a chienne for the very last time! Hahaha! Madalas ako magka-highblood dahil sa kapatid ko. Hindi ko rin kasi minsan matiis ang mukha niya eh. Pero kahit ganon eh kapatid ko pa rin siya. Siguro magkakape kami for the last time. Sorry sis, I hate your guts sometimes pero kapatid pa rin kita and you’re still the best. Sa End of the World, aaminin ko na…. HINDI KO KASALANAN KUNG NAWALA ANG CELLPHONE MO NOONG MAY 23, 2011.

Song no. 4- Gusto ko sana yung isang particular na kanta ni Meredith Brooks però ito na lang siguro ang puede… Stupid Girl by Pink



#5. Hopefully gumagana pa ang mga phone lines or functional pa ang mga highways para ma-contact at mapuntahan ko pa ang mga bestfriends ko. One lives in Milan and the other sa Rome. Ang lalayo nila. Pero kahit malayo sila eh naging malapit sila sa akin. Magpapaalam ako at magrerecite na rin ng last speech ko sa kanila. Wala kami masyadong common ground except for the fact na pareho kaming believers at malalakas ang tama at trip sa utak.

Song no. 5- Minsan by Eraserheads



#6. Pupuntahan ko ang ilan sa mga kaibigan ko at magpapaalam ako sa kanila ng maayos. Siguro sa pagkakataon na ito ipapakita ko ang pure humanity ko, yung walang eccentricity o kahit anong ka-baliwan ko, tapos yayayain ko sila maglaro ng Kinect Xbox. Of course, hanggang sa huli, sama-sama kami sa mga trip na yan!

Song no. 6-  With a Smile



Immediately after that, sundan agad neto…

Song no. 7- Smells Like Teen Spirit by Nirvana hahahaha!



#7. I will give my last words (speech nga ulit) sa aking mga kids ng youth group ng church namin. Alam kong hindi maniniwala ang iba na isa akong youth leader, isang youth worker ng local church namin dahil sa mga pinagsusulat ko. Pero totoo ito! I would tell them na kahit madalas ako ma-highblood sa kanila, genuine ang pagmamahal at concern ko sa kanila. They are like my adopted children na gusto ko laging i-disown every now and then kapag matitigas ang ulo nila. Pero dahil mahal ko sila, tatawagan ko sila at pupuntahan to tell them to hold on to their faith until the end.

Song no. 8- Chariots of Fire, background music ko while delivering my speech…



#8. Aaminin na ang mga dapat aminin. By this time, sasabihin ko na ang mga itinatago ko, ang mga sama ng loob at mga bagay na dapat sinabi ko na rin noon sa mga kaibigan, kamag-anak at mga magulang. Higit sa lahat aaminin ko rin sa’yo ang aking pagmamahal. Yes, I’m truly madly deeply in love with you. Mahirap isipin at ipaliwanag kung bakit. Hindi pa naman din ikaw ang type ko.

Song no. 9- Come What May



#9. Tawagin ang lahat ng mga kinaasaran at halip na pagpapatayin sila eh aaminin ko sa kanila ang sama ng loob ko at... kahit napakahirap…. HUMINGI NG TAWAD AT MAGPATAWAD. Sarap sana gumanti no? Pero sa mga huling sandali I want to make things right. Kahit papaano hindi nako sasablay dito.

Song no. 10- Greyhoundz- Koro, rock on!



#10. (pure fiction) Dahil sa inamin ko sa secret love ko ang aking pag-ibig, I assume na we would make love. Not sex, but we would make love, for the FIRST and last time. Hahaha!

Song no. 11- Roberta Flack- First Time Ever I Saw Your Face



#10 (ito yung maaaring mangyari talaga) In case na hindi siya sumama sa akin (and yes sigurado yun dahil hindi available), I might as well indulge myself with cakes, ice cream and other delicious food.

Song no. 12- Pink- So What



#11.  I would go to Fiesole, sa pinakamataas na point ng town. Say my last prayers and meditate on the passage in the Bible na sinaulo ko magmula ng bata pa ako. Psalm 23.

Song no. 13- It’s the End of the World As We Know It- REM



At kapag dumating na si Big JC ito ang sasabihin ko sa kanya…

“Welcome back sir. Can I take your order?” 

28 comments:

  1. Owww... You were oversexed...hmmnnn...lurve it...

    I love your playlist especially the E-heads songs na sobrang nostalgic. I like Come What May and also Pink's songs...

    I know Psalm 23 too...

    I would basically do the same... Pahiram ng post na ito bilang cheat sheet ko ha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. At least nagpaalam ka na hiramin yung post, at hindi mo na-SOTTO, o yung mangopya ng gawa ng iba tulad ng senador na kulang sa imagination na si SEN. TITO SOTTO.

      Delete
    2. may pinanggagalingan? hehehe... sino nga ba kasi mga bumoto jan kay sotto? kumedyante pa lang yan hindi na siya nakakatawa...

      Delete
  2. iwan ko ba sa mayan na ayan! di ko ma gets ang trip! hahaha..but i agree with you we need to do something that would move us...a little change wont hurt much;)

    It's nice to know that you also love eheads! With smile ang fave na song ko:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Ms. Sunny Toast! Thanks for dropping by! Pansin ko nga, madami ditong mga natuwa dahil sa E-heads. I guess we're of the same generation. Mabuhay ang mga 90's kids!

      Delete
  3. 1. Yes! Big fan din ako ng Eheads. Sana nga ay magkabalikan na silang lahat. LQ lang ang peg nilang lahat.
    2. Hindi ko parin naranasan na ipag-prepare ng breakfast ang parents ko. Laging ako ang pinag-peprepare nila...
    3. Naalala ko yung lola kong namatay na..
    4. Ang kapatid ay kapatid parin, kahit gaano kakulit ang kapatid ko, isang pitik lang sa tenga ay sumusunod na sya kagad sakin. Joke lang.
    5. Pwede pang ma-access ang ere kung sakaling pumalya na ang phonelines at wala ng madaanan.
    7. Im sure na happy ang mga bata at ikaw ang leader nila. :)
    8. Aminin na at baka hindi na magkaroon pa ng pagkakataon. :)
    9. Yung mga kinaiinisan ko ay sinusulat ko sa libro kong "The Book of Dead"
    10. Oversexed ka na nga. :D
    11. Saan yung Fiesole?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Humahataw din sa comments ah! hahaha! As regards to number

      7- I'm not sure kung masaya silang makikita ako. Para kasi akong si Darth Sidious eh.

      9- I have a notebook too. have you heard about Death Note? Meron akong notebook na katulad ng sa film. yung rules nakasulat din dun. Bwahaha!

      10- Uy hindi naman.

      11- Isang hill town malapit dito sa Florence. Mataas na lugar, over-looking ang Florence.

      Delete
    2. 9. Yes, kaso yung Book of Dead ko ay galing naman ang idea sa Ancient Egypt if di ako nagkakamali.

      11. Florence, Italy! Yes eto na-google ko. Maganda nga!

      Delete
  4. Wow. Biglang napa Eheads ang peg ko ngayun. HAHAHAH! Pa-play nga? ^^

    ReplyDelete
  5. Big Ehead fan ka pala sir!

    Ang sweet ng pag handa ng bfast ang parents at hug si lola. Pati na din ang pagtawag sa sister. Same tayo, high blood ako madalas dahil sa sister ko e! Minsan kajiritate ang fes nya, but hey! She's still my sis.

    Kahapon It's the end of the world as we know it by REM ang paulit ulit ko pinapakingan! Para happy mood pa din :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. You na already Zai! Only you can make a doomsday perky and festive. hahaha! makiki join na rin ako sa party mo!

      Delete
  6. mas maniniwala naman akosa bible kaysa sa kung sino mangnagmamarunong,
    kahit si nostradamus pa yan haha

    anyways im glad na di nawawasak ang mundo maxado ting maganda para masira

    well magaganda mag gagawin mo ha,
    it makes a lot of sense
    ako ewan ko ba ayoko isipin kasi nakakalunkot kung sa kaling mang yayari man talaga ang araw na yun

    pero definitely involve family gf at syempre si god dun sa plano haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Right on! Masaya din ako at hindi pa mawawasak ang earth. Kaya bahala na muna sina mama at papa gumawa ng breakfast nila. hahaha!

      Delete
  7. Apir tayo sa pagiging Youth Leader mo! Haha. Hmmm. Lalo tuloy ako nahiwagaan pre.

    Great list [Especially Eheads, Nirvana and Greyhounds]! Pero hindi lang sa end of the world pwede mong gawin ang mga yan. You can treat each day like the end of the world, so that you always give your best and live life to the fool.. err fullest! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako rin na hiwagahan kay Sir. Diba kakaibang rebelasyon. hmmmm. Narealized ko tuloy na maloloko talaga ang mga Youth Leader. Isa ako dun. dyuk!

      Delete
    2. I'm really flattered. hahaha! Nah! There's nothing amazing about me. Tandaan niyo, we are in the blogosphere. Realities and truths are most of the times portrayed and represented differently because we have different perceptions. What I write here most of the times are not facts but representations of realities.

      Delete
    3. I like what u said sir trip :) Noted ko yan

      Delete
  8. yan ang gusto ko sayo! inassume mo talagang magsesex kayo kasi inamin mo! hahahaha.

    ako kasi, weird ang paniniwala ko sa religion at faith. well, hindi ko na eexplain dito. pero para sa akin, if its time, its time. baka bukas, baka next year. ewan natin. nahihirapan kasi ako sa bible scriptures. basta. hahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw talaga nyabachoi! Anyway, a religion can be weird but faith will never be strange to someone who has it.

      Delete
  9. Gustong gusto ko ang post mo na'to. Hindi sa dahil sa tagalog ah. Parang other side ng pagkatao mo ang ipinakilala mo. Dami mong revelation ah. Nakita ko ang mabuti mong puso. yey!

    Well, sex din una kong naisip nung nakita ko yung title nito. dyuk! bad ko.

    Parang nakikita ko ang sarili ko sayo ah. Malapit din ako sa mga pastors at tinuturing ko ding second parents. Uy youth leader din ako before. Namiss ko mag guitara.

    Hindi ako naniwala na magugunaw ang mundo nung 21. Walang signs na sinasabi sa bible. 22 na pala ngayon and thanks God I'm alive and kicking.lol :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw talaga sir archie! nagpauto ka naman sakin. hahaha! Sabihin mo sa mga nakakakilala sa akin na may mabuti akong puso, ewan ko lang baka mahimatay sila. hahaha! We're on the same ship pala. Pero mukhang mas mabait ka. Ako yata ang 'lesser good'? hahaha!

      Delete
    2. Hindi ako agree na mas mabait ako. Suguro sa kalokohan tayo magkumpara lol. Pareho siguro tayong maloko :)

      Delete
  10. I like your song list!

    -liv
    http://chocolivlovelaugh.blogspot.kr/

    ReplyDelete
  11. Merry Christmas sa iyo! :)) Godbless!

    ReplyDelete
  12. nakakatakot yung mga gusto mong gawin noon kung end of the world na pero nakakatuwa na yung mga gusto mong gawin ngaun with playlist pa..gusto ko yung with a smile tagos na tagos sa puso.. so pag end of the world mo pa lang pala aaminin sa mahal mo na mahal mo sya? ewan ko pero naiintriga talaga ako jan sa mahal mo na yan hmmmm...

    ReplyDelete
  13. merry christmas! at happy new year na rin po sayo!


    - sa 2013 na daw ang end of the world na extend!

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....