Dahil sa malapit
na ang Philippine senatorial elections, napapanahon din na i-share ko ang
blind-item na ito.
Isang lady
legislator mula Pilipinas ang bumisita dito sa bayan namin sa Florence . When it comes
to legislation, she is one of the Philippine champions concerned about the
environment. Hindi lang pang national level, pang international din.
She visited the
city, incognito style. Nagbabakasyon lang naman siya talaga at walang official
business.
I found out na
nag-stay siya sa Four Seasons Hotel, one of the top luxury hotels world-wide. According
to my source, standard room (or suite, not sure) daw ang kinuha niya, and not
one of the luxury suites. She stayed there for about three or four days.
Hindi ba puedeng
pansinin din natin ang bagay na ito? Tanda niyo ba kung ano yung ginawa natin
kay Gloriang Pandak nung INILIBRE siya ng isang HAMAK na CONGRESSMAN sa Cirque
de Soleil?
Sabagay, the
Megalomaniac Dwarf Gloria Arroyo was on official business trip, meaning to say,
she was using OUR MONEY. Ito naman kasing kay Lady Legislator na ito, personal
vacation, so she’s using her own money.
According to my
source, mahigit sa 1,000 euros per day kung standard room/suite ang kukunin
don. 1,000 euros. 1,000 euros! Anak ng pating! Gapang na nga ako para
makarating ng 800, how much more kung 1,000. Anong gagawin niya doon sa
kwartong worth 1000 euros? Hihilata sa malambot na kama , maginhawang
ambience, services fit for a queen, at kumikinang na mga inidoro na
pagpapatungan ng mga puwit nila. All these for a PUBLIC SERVANT.
Nakakatuwang
isipin na mula sa mga entablado maririnig mo silang magsalita ng mga ganito:
“Kaisa niyo
kami.”
“Kasama kami ng
masa.”
“Nauunawaan
namin kayo.”
Ows? Di nga?
Magkasama ba tayo nung nag-breakfast ka sa Four Seasons Hotel, habang ako’y
nagpalibre pa sa katrabaho ko ng espresso dahil wala ako kahit isang kusing
para makapag kape? Kasama mo din bang maghanap ng trabaho ang milyong Pilipino
na desperado na sa buhay? Nauunawaan mo
ba ang kalagayan ng isang ina o ama na iiwanan ang pamilya dahil pilit
niyong i-export sila sa ibang bansa para magtrabaho SA PANAHON PA NG CRISIS?
Ang talino mo talaga te! May puso ka talaga madam!
At hindi lang
‘yon. Si Lady Legislator ay um-order ng breakfast one morning sa luxury hotel
na yan. Due to some misunderstanding, nagkamali ang waiter and he brought the
wrong dish.
She was furious.
Nagtaas ng boses at sinabing hindi daw ‘yon ang inorder niya. Sa takot siguro
ng mga employees, hinanap niya ang source ko na marunong mag-English (hindi
lahat ng employee sa Four Seasons ng Florence ay mga fluent
sa English). Nabigla si Lady Legislator dahil nakita niya pinay ang humarap sa
kanya.
![]() |
photo from www.funguerilla.com |
She became calm
and regained her usual patrician composure. Siguro napahiya. At naisipan din
niya na malapit na ang eleksyon.
Mapapalampas ko
na sana yung fact na nagstay siya sa isang luxury hotel despite na galing siya
sa isang bansa na supposedly one of the prevalently developing Asian countries
na may mahigit pa sa apat na milyong mahihirap. Pero ang ganong klaseng ugali
ay sobra na.
Sabi ng batas
(mga kalokohang iniimbento nila sa Senado at Kamara ng mga walang kwentang
butete), sa R.A. 6713 Section 4 (h)- SIMPLE LIVING- “Public officials and
employees and their families shall lead modest lives appropriate to their
positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious
display of wealth in any form.”
Mapapatawad sana kung
businesswoman siya. Pero PUBLIC SERVANT ang bwakanang babaeng ito eh. Hindi ko
na siguro papansinin kung nagpunta siya sa isang 4-star hotel o kahit 5-star
hotel na “ordinary” lang dito. Eh sa Four Seasons pa talaga siya pumunta.
Kapal din ng mukha mo na makiisa sa amin gaga ka!
Buti na lang at
si Lady Legislator na ito ay maganda ang track record at maraming magagandang
batas na naipasa at napatupad. Hiling ko na lang siguro eh itago na lang niya
ng mabuti ang kaiitiman ng budhi niya at ang ka-ipokritohan niya.
Sa ngayon, hindi
ko lang alam kung iboboto kita o hindi. Just pray that I’ll decide to vote for
you para i-promote pa kita, basta magbait ka lang.