Friday, February 08, 2013

To My Childhood Crush


Dear Childhood Crush,

Ikaw ang kauna-unahang crush ko. Napatibok mo talaga ang puso ko noon kahit nasa kindergarten lang tayo noon.



Tandang-tanda ko pa noon na laging natatameme ako kapag nagkakatabi tayo. Mulat na mulat ang mga mata ko kapag nag recite ka sa harap ng klase. Kahit noon pa mabilis ako magkagusto sa matatalino.

I liked the idea na magkalapit lagi ang pangalan natin sa bulletin kapag na announce na ang honor roll students, noong nasa elementary tayo. Number 1 ka, number 2 naman ako.

Labis ang paghanga ko sayo noon. Inggit na inggit ako dun sa mga classmates natin na lagi mong kasama. Palibhasa mas cool sila at mas cute sakin, laging nakadikit ka sa kanila. I tried hard to be the best student at sinalihan ko lahat ng clubs at competitions para mapansin mo ako. Pero failure din ang lahat dahil hindi talaga ako ang type mo.

Sa’yo ko din natutunan for the first time ang masaktan ang puso, kahit puppy love lang naman yon. Natatawa na lang ako ngayon.

Hinanap kita sa Friendster noon, at kahit sa Facebook. Nasaang lupalop ng mundo ka nab a nananatili? Don’t worry, hindi naman ako umaasa. Naalala lang kita.


Ang dati mong number 1 admirer,

T. G. 

26 comments:

  1. Wow! Ang love talaga ay strange ano? But who knows, you will find her and the story will end well.
    Happy weekend dear and I wish you all the best in life:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hinanap ko ulit mommy joy, wala pa rin talaga. But thanks for the good wish!

      Delete
  2. cute story kahit na medyo sad... have a nice day, tripster guy :)

    ReplyDelete
  3. Aww ang cute naman ng puppy love. I could still remember nung elementary days ko, nagkaroon din ako ng crush na laging nasa honor roll. Mula grade 1 hanggang 6 yun, consistent hehe. Pero ang huli kong balita sa kanya is married na siya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thinking back, siguro nga madalas tayo humanga sa mga may achievements. Hindi pa tayo tumitingin sa looks.

      Delete
  4. haha ang cute naman neto parekoy
    ako tanda ko di ung first crushes ko ee pero
    ung surnames nila ang di ko na maaalala
    haha kaya naun ee di ko mahanap haha

    naalala ko din tita at mama ko dito ug una silang nagfb ee una nilang
    hinanap ee ung mga exbfs nila hahah

    anyways want na want ko yang commercial na yan kaso tinaggal naman agad haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh. Sobrang sensitive ang CBCP, palibhasa mga walang childhood crush.

      Delete
  5. Ang kyoot neto! :) Childhood na childhood nga pala ano? :D Tingin ko ikaw pa rin ang #1 admirer! ;) naks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nah, not really. Sa paglipas ng panahon, I have set my heart for one person only.

      Delete
  6. naalala ko tuloy ang crush ko na kababata ko...kapit bahay namin.....mabuti at napublish sa diaryo noon ang sinulat kong kuwento na pamagat ay CONTESSA.....

    ReplyDelete
  7. nakakatuwang balik balikan ang childhood crushes noh?! ako rin hinahanap ko sa facebook yung mga crush ko noon at pag nakita ko wala na lang hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakatuwa lang talaga balikan. In my case, we're not really meant for each other.

      Delete
  8. ang aga naglandi! ayan ang aga nagsawa, ang ending singgol! lols :P

    Hindi lang kapag magkatabi ang pangalan ikaw kinikilig, pini-flames mo pa! wahahaha... or ako lang ba ang may gawain na ganun? hihihihihi...Hay, ang ating kabataan, ang sarap balik-balikan. Ang mga inosenteng mukha, mga munting pangarap at mga saglit na pag sulyap kay crush ang kumukumpleto sa araw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ah oo! na flames ko nga din! hahahaha! Ikaw din pala! hahaha! Natatawa tuloy ako. I remember na ang result yata hindi maganda, A- as in angry ba yun? Basta ang alam ko, kahit sa Flames hindi nag work out. hahaha!

      Delete
  9. doggone.. halos kahawig nito yung istorya namin ng childhood crush ko na naging first sweetheart ko.. kaso inalat din.. pero ganun daw talaga.. pero hindi na mabubura sa alaala ko yun..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi lahat ng childhood sweetheart nagtatapos ng 'they lived happily ever after.'

      Most of the time, ang theme song pa ay "On My Own". hahaha!

      Delete
  10. Hahaha, ang cute naman.. pasok to para sa araw ng mga puso.. mga pusong sawi, lol. Charot lang! Sana mahanap mo na sa fb si childhood crush, wala lang, kaaliw.. Yun first crush ko kasi e fb friend ko din, ayun, may asawa't anak na, hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. nako sa totoo lang. yung mga drafted kong posts, puro tungkol sa kasawian. hahaha!

      Delete
  11. If ever makita mo sya ngayon? pano na?
    How do you picture her now? wala ka bamng recent pictures of her?

    Ako childhood schoolmates ang gusto ko makita..from kinder as well.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmm... mahina ang imagination ko para sa pag-alala ang mga long lost sweethearts. hehehe....

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....