Thursday, March 14, 2013

Big Brother


Madalas kong sinasabi na hindi ako na-highblood sa kinakain ko kundi sa kapatid kong ubod ng kulit. Yung kakulitan na minsan nakakainit ng ulo. Madalas sa mga kinakainisan ko sa kanya eh yung kapag kailangan ko mag focus sa isang bagay at kailangan ko ng katahimikan tapos dadating siya at magsasalita at magkukwento . Yung ingay niyang yon ay katumbas ng isang palengke.

Madalas din kami mag-away. Mga maliit na issues nga eh. Magsisimula kami sa kaunting asaran, tapos magkakapikunan, hanggang sa mauwi kami sa isa na naming shouting match. Mabilis lumipas sa kanya ang galit niya. Ako itong medyo matanimin.

Minsan naging matindi ang away namin. Sa sobrang galit ko sa kanya, naibili ko noon siya ng iPhone 4. Walang biro ito. Noong nakalipas na ‘yon sabi ko sa kanya, kapag dumating na sa punto na gusto ko na siyang sakalin, siguro kotse naman ang ibibili ko sa kanya.

Ganoon talaga kaming magkapatid. Madalang ang bangayan, at madalas din ang kulitan. Hindi mo maiisip na 25 na si bunso at malapit na ako mag 30 kapag nagkukulitan kami.

Daddy’s girl din ang kapatid ko. Laging naka-check si Papa sa mga binatang lumalapit kay little sis. Minsan tinanong ako ni Papa kung may itinatagong boyfriend ang kapatid ko. Tinawanan ko na lang ang tatay ko. Nakalimutan niya yata na hindi na teenager ang anak niya.

Ito din namang kapatid ko, maganda kasi (love your own). Madaming mga naging manliligaw eh walang pumasa. Mas bata kasi yung mga suitors, eh si kapatid precocious girl at no-nonsense person. Hindi tumatalab sa kanya yung mga pa-impress at pa-cute. Most of the time yung mga nagugustuhan niya ay mas matanda sa kanya at hindi siya pinapansin.

Kaya NBSB siya- no boyfriend since birth. Hindi din kasi siya malandi na katulad ko. Hahahaha!



I really believed that I’m not concerned much about my sister and her life, until...

May ipinakilala sa kanya yung isa naming minsan na taga-Canada. The following days nakaka-chat niya sa Facebook at it seems na may blessing pa ni Papa. Palibhasa thousands of miles ang layo ng lalaki sa kanyang daughter. Hindi ko masyado pinapansin. Sabi ko, it’s going to be the same old story. Siya din naman ang nagsabi na walang patutunguhan yung chat nila. Hindi naman din siya basta basta kinikilig. Kung sa iba siguro in-love na ‘yun. So ayun, wala pa rin akong pakialam sa kanya.

Tapos lately nagkakausap na sila sa telepono. Bigla yatang na-activate yung pagiging kuya inside me. All of a sudden, I find myself evaluating the guy inside my head, judging kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi, at kung mag-work-out ang isang relationship between them, since malayo sila sa isa’t-isa at hindi sila magkakilala ng lubusan.

I really don’t trust the guy. Hindi ko sinasabi sa kanya ang mga saloobin ko. Hinayaan ko na lang siya mag practice kung paano makipaglandian sa isang guy. LOL!

I never thought I’d say this pero yung paguusap nila sa telepono ay hindi ko magustuhan. I’m worried dahil baka lokohin ang luka-luka kong kapatid.
Naging katulad ko na ang tatay ko. Siguro dapat ko na lang hayaan siya. Masaya naman si sis eh. Boh! 

38 comments:

  1. Hahaha ang sarap mo din palang maging kuya sir :))

    Okay lang maging protective sa iyong kapatid, lalo na kung nag-iisa siyang babae sa pamilya. Pero wag naman ung sobra, yung tipong nasasakal na siya. Basta wag lang kayo laging magsasawa na payuhan siya sa mga bagay bagay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well, gusto ko talaga sakalin ang kapatid ko.

      Delete
  2. Awww sweet brother... Ganda nito... Sana magalit ka rin sa akin minsan para magka-gadget ako...hehehe

    Hayaan mo na lang si Tatay niyo na mag-worry ng lubos. Dapat hindi malaman o maramdaman ni sister na ganyan ang nararamdaman mo para mas open pa rin siya to share everything.... Sabi mo nga, hindi na siya teenager.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iniinis mo ba ako senyor? SIge! Oh yan! Eto ang titolo ng lupa sayo! hahaha!

      Hinahayaan ko nga si papa. Nakakatakot din magalit yun.

      Delete
  3. Wow ang galante mo pala magalit ahaha.. ganyan naman talag siguro kapag babae ang kapatid pero kung lalaki, ay deads lang ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ko nga sa sarili ko kung nagkataon lalaki ang bunso namin eh baka nga wala din akong pakialam.

      Delete
  4. haha kame ee apat na magkakapatid at pag nagsasama kung anu anu kalokohan ang mang yayari,
    madalas din kame mag away away, at mag kampikampihan normal naman un at healthy yun para sa relasyon,
    anyways masarap ka pala galitin ee matry nga minsan baka mga ka house and lot ako hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako by that time na may house and lot ka na eh hinahabol na rin siguro kita ng kutsilyo. hehehehe!

      Delete
  5. Ansarap mo naman palang maging kuya! Kung ako kapatid mo, araw araw kitang gagalitin, haha.
    Bunso din ako. Si papa ko yun strict na may interrogation while naka-simangot sa manliligaw. Pero yun 2 kuya ko naman e dedma lang.
    Siguro nag-eavesdrop ka pa pag magkausap yun kapatid mo at yun guy. Nakakatuwa ka, answeet mong kuya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. I really don't have to eavesdrop. Sa lakas ng boses ng kapatid ko, kaya nang ma penetrate ang pintuan ng kwarto ko.

      Police inspector ba dad mo? hahaha!

      Delete
  6. wow being the panganay, i can relate how you become protective of your little sis. Kusa yang lumalabas pre, khit di mo gusto. hehehe..nainggit naman ako sa ginagawa mo pag naiinis ka s kapatid mo, pwede bang ampunin mo ako para magka-iphone din ako?lol! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha! No way! One sister is really more than enough. Natutuyuan nako ng utak.

      Delete
  7. alam ko yang pakiramdam na yan pag may umaaligid sa utol na babae :)

    ReplyDelete
  8. hindi tayo nagkakalayo sa tratuhan pagdating sa mga utol natin.. pero pagdating sa kapatid mong babae, kung nasa tamang edad na siya ngayon, eh sa tingin ko magtiwala na lang.. alam kong kaya naman niya siguro ang sarili niya.. usap lang kayo, busisiin kung may problema.. kung wala naman at sa tingin mo masaya nga siya, eh siguro solb na muna.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko na nga tinatanong sa kanya. Siya naman itong kwento ng kwento. Ang kagandahan nga kay sis eh wala siyang itinatago.

      Delete
  9. Relate!

    hahaha, wala akong bunsong babae na kapatid pero I have a nice and Ive already set a path out for her.wahahaha! Protective ako sa kanya. Keep up the interrogation Big Bro! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nah! Hindi naman talaga ako nag interrogate. Hinayaan ko na lang siya mag decide ng para sa sarili niya.

      Delete
  10. katuwa naman sana may kuya din ako hehehe

    di naman siguro masamang maging protective sa kapatid lalo na kung babae ito...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep. But up to a certain degree. The rest is up to her.

      Delete
  11. nakakainis bakit ndi gumawa ang nanay at tatay ko ng kuya ko! ganon pala kapag may big brother ka! hahaha at naman in fairness sayo sana magalit ka nalang lagi at mahalin mo kami ng parang kapatid lang para kapag naiinis at nagagalit ka samin well mamomodmod ka na agad2x ng iphone 5 na ngayon! hahahaha

    hayaan mo na muna si kapatid mag enjoy sa mga kilig2x na yan, yong may nagpapangiti ganyan lang ang peg hahaha wag ka kasi masyadong defensive wag magpapahalata hahahaha hayaan mo ang lalaki to prove that he is worth it charots!

    pero ikaw na talaga ang sweet na koyah now im wondering anong sweet ang nasa katawan mong yan being a person at this time? hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pambihira, gawin ba naman akong parang si Willie Revillame? You don't do that to me ha! hahahaha!

      I'm not a sweet person, really.

      Delete
    2. hindi pa ba sweet sayo yang ginawa mo sa kapatid mo? hahaha lol ano ba ang definition mo sa sweet na yan? roots.

      Delete
  12. wala tlgang bf since birth! naks!
    bigyan mo si sisteret na mag explore kasi minsan kung nagkaali o naging successful man tayo sa mga pinili natin may natutunan nmn din

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ewan ko kay sister. Hindi naman mukhang manang ang hitsura, at kung makaporma eh kala mo naman eh sobrang landi. PEro wag ka, madami din naging suitor yan at may ilan din ang umiyak.

      Delete
  13. ganito rin kaya ang feeling ng kuya at erpat ng katipunera kong ex nung kami ay LDR din? pano na lang kung nagkatuluyan kami ni katipunera? hindi ko lang talaga maipicture ang sarili ko nakaharap kay brother in law at kay erpat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako, malamang madami na din nasabi yung mga yon. hahaha! Dipende naman siguro sa tao no. Kung haharapin naman ako nung manliligaw eh i would be very civil. Hindi ko naman siya babastusin ng harapan. Back-stabber ako eh. hahaha!

      Delete
  14. biglang na activate ang pagiging kuya :) really sweet of you, syempre you just want the best for her. chikahin mo sometime, baka okay naman ang guy, baka nagiging protective ka lang masyado.

    btw swerte ng sister mo at ang saya mo pala awayin! may pamimigay ng iphone?! :) ako pag inaaway ng kapatid ko, sigaw lang ang binibgay ko e, minsan may bonus na pang babato haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman enjoy eh! Mabuti pa nga siguro binato ko na lang kapatid ko! hahaha!

      Delete
  15. Haha.. Ayos ah! Sana kuya din kita! Blackberry playbook lang naman gusto ko..haha. We lil sisters appreciate the overprotectiveness of big brothers naman. Pero syempre, minsan talaga, blinded by love kami and we tend to misinterpret your intentions. Pero sabi nga nila, may mga bagay talaga na kelangan matutunan on our own. Kayo nga nung naglandi kayo, hindi naman namin kayo binakuran kahit di namin type ang nililigawan nyo... hahahaha.. kung sinong gusto nyo, tinatanggap ng mga little sisters ng buong-buo kasi alam namin masaya kayo :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. May point ka little sis. Wala siya comment noon nung kami pa nung ex ko. She actually befriended them. Hay nako, kasi naman nasa malayo yung suitor niya. Pero trip niya yon. Hayaan ko na nga lang.

      Delete
  16. Sana naging kapatid na rin kita. Makulit din kasi ako. Laki siguro ng matitipid ko kung magkapatid tayo. Hahaha!

    I find this post heartwarming (only brat kasi ako). I wish I had a big bro din to watch over me. Your baby sister is lucky to have you. :)

    ReplyDelete
  17. hi nakita kita sa page ni yccos... na-curious akoh kaya etoh napadaan sa blog mohh... hmmmm.... well i don't have any rights na sabihin ang gawin moh kc syempre andyn ung instict na pagkakuya at pagmamahal sa kapatid... funny i'm almost in the same situation w/ ur kapatid... bunso ren akoh and overprotective ang lahat saken... well... saken kc sinasabi koh sa kanilah... let me love the person... kung magkamali man akoh eh kasalanan koh and i don't have anyone to blame but me... mahirap naman kung i let them choose for me and nagkamali silah... devah regret koh and sisi koh sa kanilah ang mangyayari... but kung akoh ang may mali... i will learn w/ my own mistake and nde koh silah sisihin... kung may masasaktan akoh naman 'un at nde silah... wala lang... medyo nakarelate lang kc... anyhoo... hopefully makaiwan ka nang bakas sa blog koh so makabalik akoh sau ditoh since my blog roll is not really updated... yeah daz all for now... tc and Godbless!

    ReplyDelete
  18. hello its meeh again... umm medyo nagbasa lang nang konti ditoh... binasa moh 'ung post moh na 50 shades of grey... its very interesting na maraming taong nde nakakatapos basahin ang book... well kc isa akoh sa mga taong 'un... until now nde koh pa tapos ang book i don't i'm even halfway to it... siguro ummm... like sabi nang ibang readers sa komentz moh pag binabasa moh sa sobrang dmeng okei fine sex don ehh it makes u feel... alam nahh... so nahihinto... hahaha... lol... so ano bang point koh? di koh na alam... itz just very interesting a guy like u actually reads it... maybe out of curiousity?... and based on that hmm... mukhang maybe ur not that wafu... pero feeling koh malakas ang dating moh... nd u can be wafu too... and based sa post moh eh you seemed pretty smart too!... now wat i'm sayin' has nothin' to do 50 shades... but hey gawin kong isang project koh sa sarili koh yan... tapusin ang book 1 nang 50 shades of grey.... goodluck to me... lol.. funny lang kc yung third book book nang twilight: yung eclipse eh i finish it for like a day siguro mga around 18 to 19 hours... wala akong ginawa kundi magbasa... even that day na kumakain akoh nagbabasa akoh... walang tulugan... feeling koh nanood lang akoh nagn koreanovela.. ok sensya na nag-ENTRY na akoh sa koment box moh... peace out! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naks! Nakahanap din ako ng katapat sa pag comment. hahahaha! Aba naman! Gwapo ako! SOBRANG POGI AKO NA INIWAN KO GIRLFRIEND KO DAHIL NA IN LOVE AKO SA SARILI KO!

      Hehehehe... I consider 50 shades as a manuel of kinky sex. hahahaha!

      Delete
  19. katuwa basahin to kasi la akong kuya. I wished I had. para may tagapagtangol at tagabili ng gadgets:)

    ReplyDelete
  20. ei kuya, kelan ka ba magagalit sakin?

    ReplyDelete
  21. kuyang kuya ang dating ng post na to... ramdam ko yung pagiging protective in nature... hehehe

    eh pag nagalit ka sa blogger ? magbibigay ka din ng gadgets o kung ano man? hahaha


    gagalitin kita pag sinabi mong "Oo" LOL

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....