Wednesday, March 13, 2013

Florence Korea Film Fest 2013!


Bad trip! Nagkalimutan siguro na nag request ako ng one week na bakasyon para sa Korea Film Fest this year. Oo ganon ako ka-fanatic sa mga Koreano, hahaha! Hindi nga ako humihingi ng bakasyon kapag Christmas o New Year, kapag may film festivals lang at kapag may mga conferences akong pupuntahan. Malakas talaga ang trip ko.



This year’s edition is even more exciting! Film directors will come. Hindi ko na isusulat kasi hindi ko matandaan ang mga names nila. Basta alam ko magaling sila! Hehehe…

More than that darating din si Jeon Do-Yeon, the actress in the highly praised movie in Italy, “The Housemaid”. And the return of the quirky indie band Annyeong Bada or Bye Bye Sea! Napupuspos yata ako!

Plus, may bagong section sa movies ngayon. Maliban sa K-thrillers at K-horror, may special section na ang K-eros! Nakakalaway na iniisip ko pa lang! hahahaha! Promise talaga, hindi ako manonood niyan. Hehehe!

I’m not a big fan of celebrities pero gusto ko na rin makita yung actress para may masabi lang hahaha! And she will be speaking in a press conference so I’d like to be there.

Nasabi ko naman sa inyo na epaloids ako. Last year I had a special pass sa isang press con kahit wala akong credentials. I just told the organizers na blogger ako, so ayun they gave me a special pass. Hehehe! Try ko ulit na maisahan sila ngayon!


 Daming happenings lang this March....

18 comments:

  1. Wow, so does this mean na Korean Drama fan din po kayo sir? nice :))

    Magagaling naman talagang gumawa ng mga dramas/movies ang Korea. Saludo ako sa kanila jan. Kaya nga ang dami ng mga teleseryes dito sa Pinas na kinuha/ginaya ang pattern sa K-dramas lol.

    Keep us posted when you get there :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Not really. Nagustuhan ko yung mga thrillers nila at yung mga psycho killers sa movies nila. At yung mga erotic movies, hehehehe... (sabay tulo laway). Joke!

      Very original at unique. Two years ago, thrillers ang feature nila, tapos last year, thrillers at comedy. I loved the thrillers. They f*cked up my mind. Ang focus ngayon eh ang erotic genre. Hmmmm... update ko na lang kayo!

      Delete
  2. Ay ay ay! Sir may list ka ba ng movies na kasali dito? Esp yung may skin skin scenes? nyahahaha? pls? :3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang pinaka special sa edition na ito yung The Housemaid. Dadating din kasi yung actress at film director.

      Delete
  3. Ahaha ayos na alibi yun ha, magamit nga din yun minsan baka makapasok din ako agad agad sa mga event ahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero sir, i-try ko pa kung bebenta... hehehehe!

      Delete
  4. haha grabe pag pasko at bagong taon work work work ka tas pag k.film fest trip mo mag bakasayon hahaha!
    anyways gaganda naman talaga ng korean movies lalo pag romantic comedy!
    kaso minsan me pag ka synonymous ung plot, pero ang astig ee nagagawan nila ng ibang atake

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh. Nagtataka nga din yung boss ko. Hehehe! Pero ganun na talaga trip ko.

      Delete
  5. Pinapalabas din sa sinehan diyan ang mga korean movies?

    Bongga ang trip mo ha haha. Well sana matuloy yan at ng makanood kapa ng more movies

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lumabas sa mainstream cinema dito yung mga movies ni Park Chan Wook (dunno if i spelled his name correctly) at yung mga movies ni Kim Ki-duk. Some Italians are quite open to oriental movies. Di ba nga yung mga indie movies natin nakapasok sa Venice Film Fest.

      Delete
  6. Konti pa alng mga napapanood kong korean films pero imperness mukang maganda ang takbo ng utak ng mga writer nila. Ayokong icompare satin pero mas gusto ko ang likot ng kokote nila sa pagsusulat ng script .hahahha

    pansin ko nga na nahihilig ka sa koreans XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try watching yung ibang movies, lalu na yung mga thrillers at ibang drama. Their characters are very unique and sometimes unpredictable.

      Delete
  7. gudlak po sa iyong maitom na plano *evil grin*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tinutulak mo pa ako sa kasamaan ah! Bad ka! hehehehe!

      Delete
  8. Oh my... I love korean films... as in!!! infernez, andami nating similarities... lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naks! Compatible ba tayo senyor? hahahaha!

      Delete
  9. nagugustuhan ko din ang mga korean movies.... love stories lalo na ang horror nila.... ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. May ilang romantic comedies ako napanood. It was ok. I enjoyed it too. Hindi ako fan ng horror.

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....