Friday, April 19, 2013

Ang Timbangan


I have set up my own criteria for judging the candidates for the 33 hopefuls in the senatorial race and one party-list. Senators at party-list lang ang puede naming iboto, kaming mga overseas absentee-voters.

Ito ay sa aking opinion lamang. Naglakbay ako sa ibang mga blogs at websites to learn some tips and principles on evaluating candidates. For all concerned bloggers, I encourage you to visit the blog The Rizal Robredo Index (rizalrobredo.blogspot.com). This is an online project of a group of netizens who provided an sample questionnaire on how to judge candidates. I think their questionnaires are exhaustive and helpful also.

Pero dahil nga sa epal ako eh gusto ko din i-customize yung akin.



Very objective ang approach nung index ng RR Index, which is the right thing to do, pero for me, there are certain factors that you must consider na hindi yata nakasama sa index nila, yung tipong ano ang sinasabi ng iyong konsensya, yung opinion ng alter-ego mo, at yung intuition mo pa. Madami lang akong kaartehan no? Hehehehe…


I have two categories- NON-NEGOTIABLES at NEGOTIABLES

CATEGORY 1: NON-NEGOTIABLES

  1. Track-record in public service- ano ang background niya sa public service? May sense ba ang mga proyektong ginawa niya? Ano ang mga naging programa niya? Anong mga batas ang naipasa niya at mga batas na kanyang binigyan ng support?-
  2. Intelligence at educational background- gusto ko sana na ilagay ito sa non-negotiable dahil naniniwala ako na may karapatan at kalayaan din ang isang taong walang pinag-aralan na sumali sa buhay pulitikal ng isang bansa. Tulad ko, elementary graduate lang naman ako at isang hamak na mang-mang, pero pangarap kong maging senador! Pero kung magpapatuloy naman din tayo sa ganito eh baka dumami pa ang mga katulad ni Lapid, Sotto, at Revilla sa Senado. Kaya nga sa pagkakataon na ito gawin na nating non-negotiable ang intelligence at educational background.
  3. Advocacy- Ano ba ang mga issues na tinatayuan niya? Sino ang nais niya i-represent sa Senado at sa Batasan ? Tunay ba siyang nakikiisa sa boses ng mga mamamayan?
  4. Platform- Ano ang nais niyang mangyari at paano niya gagawing possible yun?
  5. Integrity- Ano ang mga pending cases against him/her?

CATEGORY 2: NEGOTIABLE – bakit negotiable? Because I’m ready to consider compromises up to a certain degree.

  1. Political affiliations- Dati bang chacha-dora alla Gloria? Tuta ba dati ni Estrada? O solid na Marcos loyalist? Kailangan alamin kung sino ang mga naging political allies.
  2. Political Dynasty- Member ba ng isang powerful political clan or may posibilidad na mapabilis ang ascenscion to power ng pamilya niya? Negotiable sa akin ito kasi may ilang mga candidates na part ng isang family pero they are totally dependent on their education and passion for their advocacy.
  3.  Age- Of course this is the least. Madami kasi na matanda na eh puede pa. May ilan din na bata pa eh gago na. Pero mainam pa rin ang medyo bata pa dahil hindi pa nababahiran ng karumihan ng pulitika, unless anak ka ng trapo eh maduming madumi ka na talaga.
  4. Religion- I think kailangan din makita kung ano ang view nila regarding sa separation ng Church at State at kung gaano ma-influence ng faith niya ang paggawa niya ng mga policies.

Ganyan lang naman ka-simple ang index ko. Hindi ko na siguro iisa-isahin dahil out of 33, I realized that 20 of them are pure epaloids. So I’m left with 13 candidates to scrutinize.

Simulan na ang pagtitimbang!

11 comments:

  1. sobrang valid ang mga kaisipang naibahagi mo sa post na ito... isang da best na batayan para sa mga mga botante... this sums up to one thing - vote wisely!

    sa mga walang pakialam at firm sa katwirang wala ng pag-asa ang gobyerno o pulitika ng Pinas, simple lang naman ang sa'kin, WALANG KARAPATANG MAGREKLAMO ANG WALANG PAKIALAM AT HINDI BUMUBOTO!

    hindi tamang isiping sapat na taxpayer ka lang para maging matinong citizen. MAKIALAM! Kung talagang ayaw, walang sisihan sa paglipana ng mangmang! Without you knowing, isa ka na rin!

    Another great post from you Master!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Master is too much naman! Sobra ka. And yes, tama ka rin na ang may karapatan magreklamo ay yung nag sakripisyo.

      Oras na para timbangin sila! Abangan kung sino ang mga bigatin!!! hehehehe....

      Delete
  2. Nice to to know na marami pa talaga ang concern sa pag boto sa mga tamang tao. Agree ako sa yo mr Tripster sa iyong timbangan. But, are you joking na sinabi mo elementary graduate ka lang? Coz I think it is a joke dahil you have wisdom more than college teachers out there. In fact, saludo ako sa yo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi mommy joy! Hehehe... let's just say na wala akong impressive educational background.

      Delete
  3. natamaan naman ako sa comment ni senior hehehe
    pero ayun nice tamang tama namanmga sinabi mo! para sakin pinaka mahalaga ung
    Track-record at Intelligence! kasi alam mo worth it sila sa posisyon
    ung platform dipende baka paulit ulit na pangako lang yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bato bato sa langit ang tamaan..... MAGSISI! Hehehe!

      Yun nga eh. Minsan talaga mga pangako na katulad na lang sa sirang plaka.

      Delete
  4. hindi ko pinatulan ang overseas absentee-voting. isa talaga akong salot dahil hindi ako active citizen. minabuti ko na lang na ipagpaliban ang taon na toh kaysa sa maboto ko pa ang tsutsugi sa bansa natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako naman Cyron. OAV is the least we can do. And yes, it's really about having faith. we must never lose our hopes.

      Delete
  5. Ayun oh, kung tutuusin mas concerned ka pa sa ibang taong naninirahan mismo dito sa bansa natin.

    Agree ako sa mga nabanggit mo, pero parang nagdadalwang isip din ako sa educational background, kasi gaya ng sinabi mo, pwede talaga sya sa negotiable. Hmmm.

    Anyways, we have to vote wisely.

    ReplyDelete
  6. All that were stated here are all VALID for me. But I agree with Senyor, nothing more, nothing less. Hahaha

    Tinamad lang i voice out ang aking kuro-kuro. Unfair noh, Teka I'll get back to it and have my fair share of thoughts. Inaantok na din ako, Kaka baby sit sa aking cute little boy hehe.

    ReplyDelete
  7. Salamat sa site, sa timbangan at sa bagong term na natutunan ko - epaloids! ha ha ha

    heto tumitimbang-timbang pa rin :(

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....