Wednesday, May 29, 2013

The Boy Who Cried Rhinoplasty

Since napag-usapan na din ang cosmetic surgery at ang botox, let’s talk about rhinoplasty or nose job. When I was in highschool sa Pinas, I started a rumor na retokado ang ilong ko. KSP ako at wala din kasi ako magawa noon. I was so curious din kung ano ang magiging reaction ng mga students.

I was quite proud of my nose back then because it has that aquiline shape. Although galing ako sa isang pure-blooded Filipino family, for some reason matangos ang ilong ko.



Minsan nagtanong yung classmate ko kung tunay ba ang ilong ko. I looked at her with that face that seems to be hiding a dirty secret. Sinabo ko na lang sa kanya ay ganito, “30,000 pesos”, sabay haplos sa ilong. I told her na wag nang ipagsasabi ang sekreto na yon.

Bumilog ang mga mata ni ate at nangati bigla ang dila. So ayun, kumalat na sa buong campus. Kagat agad sila sa kwento, without even thinking na hindi puede mag pa plastic surgery ang isang 13-year-old na teenager. Well, madami talagang naïve sa mundo, but I guess because they were simply teenagers, like me.

So ayun, pinagtawanan ako dahil unnatural daw yung ilong ko. Yung iba humanga naman. But almost every body started having a high opinion of me, classifying me as one of those sosyalerong conyo ng school because I could afford something like that. Hindi nila alam eh isang pobre lang talaga ako. Pinagtatawanan ko silang lahat secretly.

Hindi nagtagal eh na realize din nila na hindi totoo yung kwento. Hindi naman din nila alam na nagmula din sa akin yung story.  Nevertheless, the gossip allowed me to have a certain degree of publicity. The following year, I got elected as representative of the sophomores to the student council. Ah, the wonders a simple lie can make. Bwahahaha! I am definitely a senator in the making. Hahahaha

17 comments:

  1. tama ka ang isang perfect example ng wonders of lie ahahaha.

    ReplyDelete
  2. Ha ha ha sira ulo ka talaga! Naaliw ako dun sa simple lie na nagamit mo pa para sa publicity.

    Well... pagdating sa ilong lulubusin ko na rin ang oozing confidence ko - wala rin akong problema dyan ha ha ha :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi sira ang ulo ko. Medyo lang. Hahhaha!

      Delete
  3. haha tamang trop ka pala nung bata ee, baliw lang?
    haha gumawa ng issue sa sarili hahaha!
    pero ayun kaw na matangos ang ilong aking sapat lang pero
    want ko un more masculine na nose pero ayun never ko naman naisip na
    iparetoke haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. I've seen your photos. Okay nga yang sayo kaya no need for surgery.

      Delete
  4. nang trip lang sa ilong, ikw na. may insecurity ako sa ilong but its not worst naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You really don't have to be insecure. It really noils down to one thing- personality. Pero king gusto mo ng publicity, well you might start making a gossip about yourself na rin.

      Delete
  5. sometimes, the most amazing things, can come from some terrible lies.

    ReplyDelete
  6. I will definitely vote for you...hindi dahil sa perfect at nakakainggit na ilong kundi dahil I think may sustansya ka namang at deserving unlike NANCY BINAY! hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh senyor! Blood pressure mo! Binibira mo na naman si poor little Nancy. Hahahah!

      Delete
  7. Hahaha, ayos! Pwedeng pwedeng senador!

    Sir, patingin nga po ng ilong nyo? Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hintayin mo na lang ang campaign ad ko, dun mo makikita ilong ko.

      Delete
  8. Naku, most of our kababayans ay walang kakuntentuhan sa buhay. Basta may pera eh retoke agad ang solusyon sa tingin nila eh pangit na parte ng kanilang katawan. Haaysss! Be true, Be you! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. One must really be confident and learn to love onself. Then opt for cosmetic surgery when needed.

      Delete
  9. kung ako lang siguro adre, ang masasabi ko lang, magaling magluto ang mga parents mo.. hahaha

    alam kong proud ka rin.. bihira lang sa purong pinoy ang matangos ang ilong..

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....