Friday, May 31, 2013

The Edge of Orgasmic Glory

Kulang lang sa ‘intimate action’ ako kaya siguro puro oozing with sexual innuendos ang mga recent posts ko. Hahaha! No, this one is a sequel to my Masokista entry.

The thing is, ilang taon ding pagpapahagupit ang kinailangan bago ako mapalapit sa orgasmic peak of promotion.



Yes, ladies and gentlemen, ang dating masokista ay malapit nang maging master sadista sa trabaho! Na-offer sakin ng bagong boss namin. Napaisip tuloy ako when she mentioned it to me. Kung dati, simpleng aliping sagigilid lang ako pero ang dami kong responsibilidad. Dagdag pa dun ang charity work at mga pro bono para sa capitalist boss namin, how much more kung part na ako ng management? Ano na kaya mangyayari sa buhay ko kung isa na din akong sadista tulad ng mga superiors ko?

First day, nung nag start na ang training ko eh total bondage ang nangyari pa sa trabaho. Mas humaba ang mga oras ko, at halos matuyo ang utak ko, kahit hindi puhunan ang intellect sa trabaho.

Pero ganun pa man eh excited na rin ako makakita ng malaking sweldo sa account ko.

Sana naging normal ang buhay single ko, tulad ng ibang binata na pagkasweldo eh gimik at shopping agad ang pinapatakan ng salary. Pero bills agad ang nasa isip ko- binabaybay ang mga bayarin sa car insurance at pangangailangan ng kotse, other bills, utang, financial commitments sa kung anu-ano (querida, boytoy, kabit, at limang panganay, hahaha! Joke lang!), at marami pang iba.

Even though I have low tolerance for stress, eh tinanggap ko na rin, dahil mag upgrade na ang financial capacity ko! Plus puede ko na taasan yung quota ko dun sa sinusuportahan kong organization.  

Hindi naman ako mahilig sa luho. Naghihintay na nga lang din ako na abutan ng mga kung anu-anong gamit. Yung cellphone ko donation lang ng kamag-anak ko, kahit luma eh ok na rin. Si papa ibinigay na sa akin yung tablet ni mama, kaya pa-touchscreen touchscreen na rin ako pag may time. Hahaha! Well, sabi nila, God will provide for all your needs. 

By the way, kung maraming typographical errors sorry na rin. Ang hirap mag sulat sa tab.


Anyway, kahit maraming responsibilidad at maraming trabaho eh nagpapasalamat na rin ko sa promotion. I hope makapasa ako sa 6-month training. Aja! Sugod towards the edge of orgasmic glory!!!!

16 comments:

  1. Congrats anyway. You deserve all the glory.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! But to be honest, i really don't deserve all that glory...

      Delete
  2. well, ganun talaga, tiis tiis mina malay mo naman mag boom bigla!
    pero sa tingin ko need mo din treat yun sarili mo once in a while, magandang reliever yun ng stress from work!
    anyway congrats sa promotion! you deserve it parekoy

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto ko nga i treat ko ang sarili. I miht escape to some tuscan countryside or medieval village.

      Delete
  3. Ayus yan sir! congrats sa promotion. Isipin nyo na lang ang daming gustong magkaroon ng trabaho pero hirap na hirap makahanap. Enjoy!

    ReplyDelete
  4. Muka ngang kulang ka dun obvious pati sa title ng post mo "Orgasmic Glory" talaga ha ha

    Kayang-kaya mo yan! Medyo control lang ng konti sa pagiging master sadista ha lolz.

    Congrats and good luck sa training!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wah! Sinabi mo pa. Haahaha! Hindi nman ako sobrang sadista, medyo lang....

      Delete
  5. Congrats sa promotion! Nakaka-relate ako sa aliping sagigilid!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareho pala rango natin. Paano yan, malaya nako? Nawa ay maging master sadista ka na rin. Hhahaha!

      Delete
  6. Congrats ser! Pero wag masyadong maging workaholic.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman ako workaholic. Wala langtalaga akong choice. Hehehehe!

      Delete
  7. tiyak akong maipapasa mo 'yan, adre.. 6mos ang training, marami ka nang mapupulot nu'n para maihanda mo 'yung kakayahan mo sa magiging bagong posisyon mo.. at buti ka nga, may kotse.. hehehe

    basta good luck na lang, adre.. kaya 'yan..

    ReplyDelete
  8. Salamat. Nawa nga maging maayos nng lahat.

    ReplyDelete
  9. Congrats! Mapapalitan mo na ung cellphone na dinonate ng kamag anak mo.

    Dahil sa stressful ang work mo, minsan din ay bigyan mo ng regalo ang sarili mo. Bumili kang bagong gadget, kumain ka sa mamahaling restaurant o di kaya naman bumili ka ng printed shirt tapos nakalagay "Magaling ako", kung baga pang self-affirmation.

    Anyway, salamat nga pala sa pagbisita saking blog.

    God bless bro!

    :)

    ReplyDelete
  10. Weh! Yung tshirt na lang siguro ang gagawin ko. Haha! Thank for dropping by!

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....