Tuesday, June 18, 2013

Ang Pumatay Nang Dahil Sa Iyo


Hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi ng INYONG senador na si Gringo Honasan sa isang Independence Day ceremony sa Pinaglabanan Shrine. Sa opinyon niya hindi dapat kasuhan ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na bumaril sa bangka at sa napaslang na Taiwanese sa allegedly disputed area sa dagat na kung saan mang dulo ng mundo.



Bilang Pilipino, it is our duty na ipagtanggol ang ating lupain sa sinuman na dayuhang manlulupig. Sa Lupang Hinirang may solemn na pangako tayo doon na mamamatay tayo dahil sa Inang Bayan. Ngunit sa pagkakataon na ito, hindi isang dayuhang mandirigma ang napatay kundi isang simpleng mangingisda.

Sino ba si Hong Shi-cheng? Isa ba siyang militar? Ang simpleng pantawid-dagat ba niya ay sapat na upang matulungan siyang i-claim ang disputed area na iyon para sa Taiwan? May intention ba talaga siya na i-colonize ang area na iyon? Sabihin na nating poacher siya, ang patriotism ba ay nagbibigay ng license to kill ang isang foreign unarmed civilian? Take note, walang bitterness si Hong Shi-cheng sa mga Filipinos. May trabahador din siyang Pilipino.

Mangingisda lamang siya. HE WASN’T AN IMMINENT THREAT to Philippine sovereignty. Bakit kailangan paslangin at barilin ng 50 bala?!

Sabihin na natin na naging OA ang Taiwanese government sa issue na ito. Sa likod ng mga drama nila eh may clear objective ang grand-standing ng president nila. At least their president tried to do something. Habang ang Pangulo na ibinoto ko eh, ewan, kulang sa action at sa bayag.

Hindi man ako expert sa international law at diplomacy, but to my mind it was cold-blooded murder vested in the cloak of unreasonable patriotism.

BAKIT MO KAILANGAN MAGING AGRESIBO SA ISANG FISHING BOAT?

And here comes Gago Honasan trying to sanctify such manslaughter and venerates the murderer. Pero ano pa nga ba ang magagawa natin? Hustisya nga hindi ma dispense sa kapwa, sa isang Taiwanese pa kaya?

Paalala lang. For 115 years, isa tayong bansang malaya na pilit tumayo sa prinsipyo ng kalayaan, hustisya, at pagkakapantay-pantay. At isa sa mga pinaniniwalaan at pinanghahawakang prinsipyo ay ANG NAGKASALA AY DAPAT MAGBAYAD. May isang mamamayan natin ang nakapatay ng isang unarmed civilian, bakit hindi naparusahan? Bakit kailangan ipagtanggol ni Gago Honasan?

In the mean time, ang mga kapwa ko na naman OFW’s ang mag-atone sa mga kagaguhan ng mga kapatid nila, dahil KAMI ANG MGA BAGONG BAYANI (ng isang bansang nagmamalaking MALAYA NA). Exposed na naman sa harassment ang marami, kahit sinabi ng Taiwanese government na hindi dapat parusahan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Taiwan. Patuloy pa rin ang remittance sa para sa mga iPhone niyo, signatured outfit at allowance na pang-good-time. At paguwi na naman namin ay may lousy title at masigabong palakpakan sa airport. Ang saya saya lang!

Sa Pilipinas naman, ang mga magagaling at magigiting nating kababayan ay nag encourage sa mga kapwa nila na i-boycott ang mga Chinese at Taiwanese products. It’s not because we don’t believe in diplomacy. We only failed to understand its purpose and fell short in seeing the big picture and the future of diplomatic opportunities. We are really that desperate and pathetic. Salamat sa kay Gago Honasan. At salamat sa ating unreasonable patriotism.

Paalala lang bago mag ban ng mga produkto nila: huwag tayo magyabang dahil hindi tayo ang bumubuhay sa mga pamilya sa Taiwan. Hindi sila ang nageexport ng tao para maging skilled workers o katulong sa mga bahay nila. At the end of the day my friends, we’re not really that cool and rich. We’re just a little tiger ostentatious enough to parade himself like the big lion just to compensate for the fact that we can’t roar loud enough to be heard and taken seriously.
 
Brothers, what happened out there is murder- clear and simple. Its memory is crying out for justice. Unfortunately, this government’s Straight Path Policy does not dispense justice for the helpless victim. No, not even to its own people.


Ngunit kung kailangan man pumatay dahil sa Inang Bayan, uunahin ko na si Honasan.

6 comments:

  1. ayy grabe naman pala tong si honasan ee, ginagawa lang naman nung coast guard un trabaho nila ee! amp naman!
    dun na lang siya sa taiwan, di natin kelangan yan ganyang tao dito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Military kasi pinanggalingan niya, kaya ganun. Love your own, sabi nga nila.

      Delete

  2. paano ko ba maitatawid ang side ko? hmmnnn...

    Ganito, naniniwala akong dapat managot at kasuhan ang mga tauhan ng Phil Coast Guard. Ito ay para malaman kung makatwiran bang barilin (which caused his death) ang Taiwanese fisherman.

    Hindi naman siguro kailangang maging prospective colonizer ang isang dayuhan bago kumilos ang ang ating Coast Guard... Hmmnnnnn.... Hala, nahihirapan na akong mag-isip ng reason...

    Pag-usapan na lang natin in person... Pero basta, pro-Coast Gurad ako sa ngayon... ok?

    Nice post again Sir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. In a situation like this, we really cannot afford an aggressive approach, by all means. It's a very tricky situation because China is, in some ways, tagged along in this situation. Siguro, nag warning shot na lang sana sila, or they should've approached the boat to make their presence felt, and then escort them away from our borders. I mean, there were many other ways to prevent this. Hindi ko rin alam dahil hindi naman ako militar, but I believe the situation could've been handled in a better way, especially after the murder of the Taiwanese.

      Delete
  3. kinulang sa koordinasyon tapos 'yung language barrier pa.. malamang hindi nagkaintindihan..

    nag-warning si pinoy (wang-wang, busina, o warning gun shot).. hindi inintindi ni taiwanese.. ilang warning pa, hindi pa rin sinunod.. nagpapaliwanag si taiwanese kaso hindi maintindihan ni pinoy.. nagpapaliwanag din si pinoy, hindi rin maintindihan ni taiwanese.. hanggang sa 'yun na..

    anu't anuman, dahil nakapatay, dapat kasuhan.. nasa batas na 'yan, eh.. wala lang magawa 'yang si honasan.. hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. May point ka rin. Baka nga ganun din ang nangyari. Naalala ko din kasi, nagkaroon ako ng problem sa isang trabaho dahil sa miscommunication. Hindi ko maintindihan yung email nung Chinese client. Nag send ako ng email, hindi niya rin ako naintindihan. Ayun! Patay! Tanggal ako sa trabaho! hahaha!

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....