Monday, September 16, 2013

10 Years of M.U.

Nalampasan ko na ang phase na “Bakit hindi ka crush ng crush mo?”. Nasa ibang level na ako ng kahibangan. Alam niyo na rin na ako ay isang secret admirer. Sa buwan na ito ay ipinagdiriwang natin ang isang dekada ng aking “Undeclared Undying Secret Love”.



Sa mga nagsabing inconsistent daw ako (Senyor isa ka na dun, hehehe...), well nagkamali sila. At least sa pagiging martyr sa pag-ibig consistent ako.

Ladies and gentlemen, a cheers para sa isang dekada na M.U. (Mag-isang Umiibig).

Ngayon ko lang naisip mag celebrate. Bagong trip ito. Nag dinner ako sa isang restaurant. Surprised ang maitre d’ dahil nakabihis ako at walang date. “Table for one, please”. Taas ang kilay ni kuya.

Kahit mga waiter at ibang clients nakatingin.

I smiled to say, “No, I wasn’t stood up by someone. I’m perfectly healthy and I have a sound mind so please stop staring!”. Of course, in a polite manner siyempre, hehehe!

Nagkita kami recently lang kaya siguro ganito ang mood ko. Siyempre hindi niya alam na anniversary namin. Hahaha!

Bakit ko nga ba pinatagal pa ng ganito? Kung siguro sinabi ko pa noon eh malalagay lang ako sa “No Zone”. At least sa “Friend Zone” eh matatabihan ko pa siya, makakausap at mahahawakan.

I remember what the Bible said about love (oo, nagbabasa din ako niyan), that love is patient (1 Corinthians 13). The description began by saying Love is patient. In other translations it says “long-suffering”.

Ganun nga siguro ang pag-ibig, kahit anong sakit ang aking naranasa, mananatili ka na magmamahal, kahit sarili ko na ang niloloko ko. Titiisin mo ang kahit anong kalagayan, kahit makita mo silang naghahalikan pa sa harap mo. Wala kang magagawa. Magisa kang umiibig.

Long-suffering. Kaya ko ‘yan. Nakasampung taon nga ako eh. Hindi naman ako duwag. Hindi ako takot na sabihin sa’yo ang totoo. Takot lang ako na kapag sinabi ko na eh mawala ka na ng tuluyan sa buhay ko. Pero di bale na. Siguro para matigil na ang kahibangan na ito ay napapanahon na aminin ko na sa’yo ang lahat. Kaunti pang tiis kasi dapat nasa tamang timing din. Kaya humanda ka. Hehehe!

Matitiis ko siguro kung itatakwil mo ako. Tatanggapin ko iyon kaysa makita mismo ng aking mga mata ikaw na lumalakad patungo sa altar at mapasama sa iba.


Masaya na ako ng ganito- mag-isang umiibig. Sa dinami-dami ng aking nakilala, ikaw lang talaga ang natripan ko. Pasensya na kung ako ay nagmahal. Aalis din naman ako. Malapit na.

32 comments:

  1. Halo halong emotions ang na-feel ko while reading this. Ganyan din ako nuon, mahal ko yung isang tao eh hindi naman ako pinapansin. The sad part is nakaukit pa rin siya sa aking puso hanggang ngayon na para bang pag nakita ko siya muli eh babalik lahat ng feelings or lust, ha,ha,ha. But I stayed away for so long so sana makalimutan ko na rin ang kahibangang ito. Live a better life, loving myself first.

    Ok lang pagtingan ka sa isang resto, mas mahirap naman tinitignan ka kasi wala kang damit o alam nilang wala kang pambayad, ha,ha,ha. Magpaypay ka ng euro sa harap nila, ala Donya. Tseh, pake nila!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun na nga ginawa ko. Hahaha! Loner type din ako kaya dining alone in restaurants is really my thing.

      Delete
  2. Ang sakit sa bangs! Tinalo mo yung 8 years na puppy love ko! hahahaha.

    Sana mahanap mo na yung other M.U. aka mutual umiibig... #memalang #mairelatelang...hahahaha....

    Aalis ka? San ka pupunta? Sa puso nang iba? agguuyyy...lels...

    ReplyDelete
    Replies
    1. You know I tried loving another. Pero iniwan ko din siya. I felt like I was cheating my ex gf kasi magkasama kami pero iba ang nasa puso. Kaya ayun. May asawa na siya, ako... busog... hahaha!

      Delete
  3. natawa talaga ako sa part na dinner alone. lol first time to know someone at talagang ikaw pa yon. grabe ka sa kahibangan.

    Undeclared Undying Secret Love..., relate ako dito pero 10 yrs?... taragis lang... it's been a hekabol dekada... himala at wala talagang shit happen pa ang ngyayari.

    ReplyDelete
    Replies
    1. All kinds of shit have happened already. Hahaha!

      Delete
  4. Ngayon ko lang nalaman ang ibang kahulugan ng M.U. Pwede din ba ang M.N.? As in Mag-isang Nagnanasa? *hahaha* Naranasan ko na din to. Sa best friend ko noon. Til now, kapag nagkikita kami, bumabalik ang feelings ko, pero hindi na ganon kalakas. Pinipilit ko na lang siya hanapan ng nakaka-turn off na bagay para mawala ang feelings ko, kaso minsan unsuccessful talaga ako. *hehe* Actually, ten years na din next year ang feelings ko sa kanya. Wow. :P

    Ganito lang yan eh: When you fall in love, you become stupid; you become ignorant. However, ignorance is bliss. Hence, love will give you happiness, no matter what, in one way or another. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo nga yung sinabi mo. Minsan inisip ko talaga na wala sa kanya yung mga hinahanap ko pero patay na patay pa rin ako kay beloved ko. It's really stupid. I feel stupid. What can I do? It's not my fault. I'm in love!

      Delete
  5. Ang tiyaga mo naman. Bat di ka nagtatapat? Malay mo, ganon din feelings nya sa yo.
    Hays, sana matagpuan mo rin ang iyong lifetime partner:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako mommy, nasa piling na siya ng iba....

      Delete
  6. kuyyyaaaa magtiis ka, konting tiis pa!! hahaha tumataray kana!! hahahaha well ako, i have a long time crush pero i declared it already fortunately he just got married hahaha payking taping eh pero ok lang im happy para sa ganya walang halong ampalaya chips yan hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha! Ako din naman. Minsan gusto ko lang barilin sila pareho pero iniiwasan ko na lang maging homicidal. hahaha!

      Delete
  7. Haha! tawa ako first time ko makarinig na umaming secret admirer siya.. well, in that case.. it's not a secret anymore. hehe

    ReplyDelete
  8. Aw. Nalungkot naman ako. :( Isa kang martir sa pag ibig.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat nga maging patron saint nako ng mga desperados. hahaha!

      Delete
  9. Replies
    1. Ikaw naman kasi senyor, you can dare to do things. Ako, walang balls. hehehe!

      Delete
  10. Replies
    1. I guess it's time to end this trip. nakaka bad trip na.

      Delete
  11. hay basta when it comes to love...laging ko 2 sinasabi...walang sasaya sa pag ibig...lol ang pait ko lang:)

    ReplyDelete
  12. Everyone has an obsession ,

    For Humans...They're obsessed with "Hope"

    Hope that they found there true love
    Hope they become rich , famous and successful
    Hope that one day all there dreams will come true.


    That's why people in hell are lucky....while people on earth is hoping for heaven...and humans in heaven are hoping they get to see there loved one on the other side of the spectrum...

    The people in hell just realized that hope is the same as those illegal drugs you used to take to get high...


    It's the same exact thing except that there aren't really any rehab to get you out of your obsession of "hope".

    Except Hell.


    (Reading the book DAMNED ...good book btw)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for the suggestion. This'll make things even worse for me. Thank yeow! hhehehe!

      Delete
  13. Balentayns day last year dinate ko din yung sarili ko. Ganun pala yung feeling. Haha. Sobrang self pity. Pero this year, masaya akong singgol. Hopefully maging ganun ka din chong.

    At magdidiwang talaga ako pag umamin ka na sa kanya. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe! Anyways, madalas din naman ako lumabas mag-isa. may pagka loner talaga ako. Sanay na rin.

      Delete
  14. HAHAHA natawa ako dito :) MU muna for the meantime MN na yan next , may nagmahal

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kailangan kasi MON na ako- Move On Na....

      Delete
  15. Bumalik ako to check your reply on my comment na tanda ko eh puno ng panlalait but wala akong comment? seriously? anyare?

    ReplyDelete
  16. How can you call it love when youre crying more than youre smiling? Tama ang desisyon mong magmove on na. Pero i suggest try to tell her your feelings. May maiiwan pa rin kasing regret sayo for sure kapag di ka umamin. Di magiging effective ang pagmomove on mo. Tell her wala naman ng mawawala sayo kasi balak mo na rin namang kalimutan sya for good.

    ReplyDelete
  17. Tandaan na ng isang MU (mag-isang umiibig) ay nagagamot ng isa pang MU (malanding ugnayan)

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....