Tuesday, January 07, 2014

Ako at si Kapitan


Noong Oktubre ng nakaraang taon, napatapat ang pag-uwi ko sa baranggay elections sa Pilipinas. Parang festival ang dating sakin ng mga ganitong event. Kung yung iba may mga film festivals or mga music fests na dinadaluhan, sakin pure entertainment at leisure ang elections, at madalas ay dibdiban ako sa pagsabak sa mga ganito. Pero sa pagkakataon na iyon eh pinilit ko itong iwasan dahil iba ang aking pakay sa pag-uwi.

Pero hindi talaga mapapalayo sakin ang pulitika. Maraming mga pagkakataon na nakaharap ko ang ilang local political personalities at nasaksihan ang dynamics ng baranggay politics.

May nakilala akong isang milyonaryong inhinyero na naka base sa Laguna. Madalas siyang kinukuha para sa mga importanteng project at marami din siyang kilala sa poder ng kapangyarihan. At hindi rin ako nagkamali noong naka-amoy ako ng singaw ng pork-barrel. Oo, isa siya sa mga naatasan na magpatayo ng mga gusali gamit ang pera mula sa pork-barrel. Noong panahong iyon, napatigil ang isang project at hindi din siya nabayaran.

Minsan naimbitahan ako na magkape sa kubo niya sa tubigan. Area of relaxation niya iyon, dahil tahimik ang lugar, malapit sa palayan, napapalibutan ng mga puno at malayo sa bayan. Pagdating ko may isang grupo ng mga kalalakihan na nakapalibot na sa munting kubo ni Engineer.

Na realize ko na lang nandun pala si Kapitan A at kasama niya ang kanyang mga kapartido. Napagusapan nila ay strategy sa election at damage control ng isang particular issue na kung saan maaaring nadawit ang pangalan ng re-electionist. Nasa kabilang panig ako ng lamesa at sa harap ko lumantad ang isang katotohanan- ANG SALAPI ANG MAY HAWAK SA KAPANGYARIHAN.

Madalas nga na mga mapangahas na mangmang at mga ambisyoso ang pumapasok sa pulitika. Local level pa lang kita mo na agad kung sino talaga ang may hawak ng baranggay. At hindi lang sigurado isang beses nangyari na lumapit si Kapitan kay Engineer para humingi ng tulong.

Nagpunta minsan ako sa ibang bayan naman upang bumili ng buko pie. Kilala ang bayan na ito sa mga kalyeng makipot at laging barado sa trapik. Noong araw na iyon, may prusisyon ng mga tricycle at jeep na may mga gayak na lobo at kung anu-ano pa, at may naghuhumingalo na boses na tumatawag sa pansin ng mga residente, inaanyayahang iboto si Kapitan B para sa pagbabago.

Isipin mo nga naman. Pagbabago daw ang plataporma, ngunit sa ginagawa niya eh nagdagdag pa siya ng problema. Dapat ayusin niya ang trapiko pero heto ngayon ang gago, pangunahing problema ng kalsada. Isang oras din ako na-expose sa kanyang baduy na jingle bago ako nakarating sa bilihan ng buko pie. Pagbabago daw oh, gago!

Ito pa ang pinakagago sa lahat- yung mga tarpauline ng mga kandidato na walang matinong naisulat kundi “JUAN DE LA CRUZ, ANAK NI DATING KAPITAN/DATING KONSEHAL PEDRO, PARA SA PAGBABAGO”. T***ina this talaga! Ang kakapal ng mukha! Hindi nila kayang tumayo sa sariling kakayanan! Ang masaklap nito, sila pa rin ang pinipili ng sambayanan!

Sobra sobra ang pag-upgrade ng mga political strategies ng baranggay elections na ito. Kasing garbo ng national elections, kasing kapal ng mukha mga mas nakatataas ang mga mukha ng mga kandidato para sa kapitan at konsehal.

Ayoko paniwalaan na may nagbago dahil kung tunay na nagbago bakit ang mga suliranin na namamayagpag noon ay buhay pa rin hanggang ngayon? Napalitan lang ng kulay. Nalagyan ng barnes at bagong pintura. Same old story pa rin. Ngunit bakit patuloy pa rin sa pagpapauto ang mga tao?

Ayon sa isang miyembro ng local political dynasty, milyon-milyon ang umiikot sa iba’t-ibang baranggay, lalu na yung mga malalaking baranggay. Nandiyan din ang budget ng pamahalaan na kung saan may maaaring maging kickback ang baranggay captain. At siyempre may suweldo na ang mga kapitan (na sa tingin ko naman ay tama lang).

Paano mo pa nga makakamit ang pagbabago kung ang kababuyan pa lang ng tao ay pinababayaan nang mamayagpag o di kaya naman ay lalu pang itinutulak? Local level pa lang ito, ano pa kaya ang nangyayari sa taas ng mga ito?


Maraming nagsasabi na nasa kamay daw ng mga tao ang outcome ng election. Totoo, ngunit nasa liderato ang kapangyarihan na baguhin ang lahat. Madalas ko itong marinig mula sa isang mataas na obispo ng simbahang Protestante, “All things rise and fall on leadership”. Hindi mo puedeng sisihin ang tao kung talamak ang katangahan at kagaguhan sa paligid. Nasa kamay ng mga makakapangyarihan ang pagbabago, at kung ganito pa rin tayo, masasabi ko talaga na hindi lang ang sambayanan ang nagpakagago, may malaking responsibilidad din ang mga nakatataas.

8 comments:

  1. Mas mahigpit ang labanan sa baranggay elections kasi dito na maglalabanan ang mga "tao ng mayor" laban sa oposisyon nila. Kapag nanalo ang tao ni mayor mas sila ang kikilos para sa mga monkey business ni mayor. Kapag talo, wala kakampi si mayor. Tapos ganun din pataas kapag mayor naman e para sa provincial govt officials. Pacascade lang pataas

    ReplyDelete
    Replies
    1. hay nako, don ko nakita talaga ang isang mukha ng Philippine politics. Pambihira talaga. Kita mo talaga kung hanggang saan naka ugat ang greed at ang evils ng pork barrel.

      Delete
  2. Replies
    1. I know, but we still have hopes and the power to change things. i know that it is possible.

      Delete
  3. Hahaha kakaloka at nakakarindi lang ang eleksyon

    ReplyDelete
  4. Korek ka local pa lang yan, barangay pa lang ha nagpapatayan na mga yan = ibig sabihin nga malaki talaga ang mga napapakinabangan nila.

    Haist naiinis ako sa post mo pinaalala mo pa sakin ang mga hinayupakz na mga to hmp!

    ReplyDelete
  5. well sad to say pero para sa kanila ang pulitika at ng pamahalaan ee
    isang negosyo no wonder bakit tayo napagiwanan

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....