Friday, January 17, 2014

Kapitan Sino, or The Book A Binay Wouldn’t Read, or That Book That Would Cure Us of Our Messiah-Complex Syndrome, or Ang Aklat ng Tunay na Bayani (Dahil Gusto Kong Haluan ng Taglish ang Review na Ito), or Whatever, Kapitan Sino

Bob Ong is a real genius. He writes simple stories and uses simple language but he conveys a very powerful and inspiring message that could move the masa, something that no literary genius of our country can do today.

Unlike Bob Ong, the problem with the literati of the Philippines is that they are merry, mellowed, stalwartly middle-class practitioners of the luxury of literature in the language of the privileged (quoting from Miguel Syjuco’s “Ilustrado”). Their books usually influence SOME people, and MOSTLY those who are in the most prestigious schools swarmed by rich, snobs and coños. Or even a Binay.

Kapitan Sino is the story of Rogelio, a young man who discovers his special powers and uses them to maintain peace and order in the town of Pelaez, and to save the citizens from all dangers. Kapitan Sino is one formidable hero, but unfortunately, when his beloved Tessa died because of a monster’s attack, he suddenly came to a point of apathy and lost all meaning in his job as Pelaez’s superhero. Soon, after a successful feat in saving (yet again) the people of Pelaez, the whole town went against him (really bizarre), and lost his good reputation. But it was only a question of time when he will redeem again his name and save once again the whole citizenry from another menace.



EHem… Taglish mode on (nose is profusely bleeding).

Nakakatuwa basahin dahil kuhang kuha ng libro na ito ang absurd reasoning and mentality at ang unusual bad habits ng common Filipinos, na hindi mauunawaan ng mga nasa itaas ng ating social hierarchy. Nandyan ang mga karaoke kings and queens ng baranggay na nagpapalakasan ng birit sa kahit anong oras. Ang mga mag-anak na chismosa at walang ginawa kundi obserbahan ang mga kapitbahay at ang mga dumadaan sa kanto nila. Mga halimaw na umaatake sa siyudad na madalas natin nakikita sa mga cartoons na napapanood ng generation ko noong 90’s. At siyempre ang mga hinayupak at mga buwakanang pulitiko ay napatamaan din ng librong ito.

More than that, tinalakay din ni Bob Ong ang ating Messiah-Complex Syndrome. I find it really moving the part when Rogelio’s father confronted him about his heroic deed. Ito na kasi yung part na pinapatay na ni Kapitan Sino ang sarili niya sa sobrang pagod sa pagliligtas ng mga tao. Medyo bitter kasi na rin siya dahil hindi niya nailigtas ang minamahal niyang Tessa.

Hindi lahat maililigtas mo. May kapangyarihan ka ngunit hindi mo hawak ang buhay ng tao. Bayani ka, hindi Diyos.”

At the same time, he dealt with the reality that no heroic deed would succeed kung hindi naman talaga gustong makaahon sa kaligtasan ng mga nasa peligro.

Walang bayaning magliligtas sa Pelaez dahil ang pinakamalaking kalaban ng Pelaez ay ang sarili nito.”

Sounds like the story of our country.


Kalunos-lunos ang bayang nangangailangan ng tulad mo. Walang pag-asa ang mga taong naghahanap ng mga kakaibang nilalang na magliligtas sa kanila.”

Marami pang parts na maganda sanang i-quote pero I prefer na bumili kayo ng copy. PLEASE BUMILI KAYO NG COPY DAHIL PINAGHIRAPAN DIN YAN NG WRITER.

And why did I mention Binay? Dahil ako ay mapagbigay at walang ibang pulitikong gusto kong pag-tripan kundi ang mga Binay. Ang mga Binay na walang malay. Ang mga Binay na walang sala. Ang mga Binay na may kaunting budhi. Dahil pamilya ng epal, kailangan pagbigyan, at bigyan sila ng moment dito sa blog na ito. Dahil gusto ko iparating sa lahat ng mambabasa na ANAK NG PUTAKTE KILALA KO SILA, BASTA WAG LANG MAGPAPAKITA SA GABI PARA MAKILALA AGAD. Hindi ito babasahin ng kahit sinong Binay, baka kasi makunsensya. Hahaha!

Kahit si Binay, hindi talaga siya ang nagiisang tagapagligtas ng bayan. GETS NIYO MGA BINAY VOTERS? At kayong mga buwaya na patuloy sa pagpuri sa aming mga OFW’s na mga bagong bayani, wag kayong mga oportunista.

Kung lahat ng tao ay may konsensya, hindi kailangan ng bayani”


“Wala namang napapala ang bayani kung lalagyan mo ng bulaklak ang puntod nya. Ang pagrespeto sa bayani, pagrespeto sa mga ipinaglaban nya. Pangalagaan mo ang kalayaan, o ang magandang buhay na pangarap nya sa lahat.

15 comments:

  1. Wow, such a nice entry, umiral na naman ang utak mong ubod ng talino and spontaneity with well thought-of reasons. Hats-off. Two things that caught me:

    1. Hindi lahat maililigtas mo. May kapangyarihan ka ngunit hindi mo hawak ang buhay ng tao. Bayani ka, hindi Diyos.” - I absolutely agree with this, umiiral kasi sa atin ang syndrome na yan eh. Trying to be "too much of a hero" when the reality is one man can't save it all or cant' change it all.

    2. “Kung lahat ng tao ay may konsensya, hindi kailangan ng bayani” - Our people need a 'total change of heart' before change can be grossly observed and felt. Unless it happens, we will remain in the pitfalls of our recurring mistakes.

    Seemed like it summed up all that has been said. Plus you heightened my interest to that book of Bob Ong. I enjoyed reading this entry, very substantial.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako you should read his books. Especially yung Macarthur. Maganda rin yung Stainless Longganisa kung saan he shared his experiences and difficulties in his path towards becoming a writer. very inspiring.

      Delete
  2. Eeer... saan ba ako magsisimula?

    Una na-amaze ako sa taytul (title- sensya Ilonggo mode ako ngayon lol). Biro mong nag roll sya sa bog ko eh sinakop nya ang 1/4 page taytul pa lang lol.

    Pangalawa yung pic. Di ko alam kung ano yung gusto kong sabihan ng pa-arbor yung book ba or yung lappy? he he Tapos anak ng putakte rin bigla mong sinabing bumili ako ng copy at pinaghirapan yan ng writer nakunsensya tuloy ako ha ha ha. Pano ba yan may rule ako "no buying of books" muna waaah. But on 2nd thought Bob Ong yan eh cge pwede na sigurong exempt sya sa rule.

    At si Tripster nagno nosebleed??? Hindi kaya ako nainiwala! Tagalog, English or Italian carry ng kakaiba mong utak yan kumag ka!

    At syempre ang ganda ng review-kakaiba talaga! Kumag na kumag lang ang dating ha ha ha!

    At kay Binay - no comment ako sensya na hindi ko sya makita waha ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala eh, ganyan ang kakumagan ko. hahaha! Anyway, Ms. Balut maawa naman tayo sa mga writers. hindi basta basta ang pagpiga ng creative juices. dumating nga din siya noon sa point na inuuntog niya ang ulo niya sa pader literally noong nagsusulat siya. Besides, yung profits ng libro niya napunta sa mga foundations na tinutulungan niya.

      Delete
  3. Oh my. Ang sarap nguyain ng mga tinuran mo ginoo! Epic! I have not read the book and now ipipila ko na siya sa listahan. Kinginang mga binay yan! Pakshet sila!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Must read ang mga libro niya. Hindi heavy reading pero malaman. At oo, i share the same sentiment towards Binay. hahaha!

      Delete
  4. Matagalog, ma English, galing pa ring mag voice out at magparating ng mensahe sa masa. Yong bang naisusulat mo ang mga bagay na nasa isip ng iba pero di kayang isulat.
    By the, you had written a book in Italian language. Meron ba English copy kon? That we should buy too:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala mommy joy. Italian lang talaga yun. But don't worry, I'm writing it now in english at kung maging libro eh may free copy ka! hehehe!

      Delete
  5. Kataba talaga ng utak ko sir trips! Tama yung sinabi dun sa book, hindi lahat maililigtas lalo na yung mga ayaw naman magpaligtas...

    Eto na lang ang book ni bob ong ang di ko pa nababasa, di ko alam kung bakit ko sya inisnob nung mga unang panahon.. Makabuyla nga..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Utak na mataba ewan ko lang. Katawan, oo malaki talaga. hahaha!

      Kahit ako di ko pinapansin yan. pero may nagregalo sa akin ayun dun ako nagsimula maging Bob Ong follower.

      Delete
  6. Im a Bob Ong fan.... May copy ka na nga 2013 edition ng ABNKKBSNPLko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako wala pa. Sa paguwi ko pa sa december this year ako makakabili. mahal ang delivery from Philippines to italy. 5 times the original price, hindi pa kasama ang delivery. kaya magtitiis muna sa wala.

      Delete
  7. Sa lahat ng libro ni idol Bob, ito lang ang hindi ko pa nababasa. :(

    ReplyDelete
  8. haven't read kapitan sino yet. btw, may bulung-bulungan, bob ong is actually a group of students.

    ReplyDelete
  9. strong words that surely makes sense! well I never read any o bob ong's pero i know for a fact na matalino ang mysterious writer na yan or should i say writters

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....