Saturday, April 19, 2014

Muling Pagkabuhay

Tapos na ang araw ng mga pagpapa-virgin sa Facebook at iba’t-ibang social media. Ang mga nagtiis na kumain ng isda ay maaari nang sumabak sa pagkain ng karne. Pasko ng pagkabuhay na.

Hindi ko naman pinagtatawanan ang Easter at ang mga faithful observants nito. I come from the Protestant community, kahit sila they try to find creative non-Catholic ways para makisabay sa flow ng season.



Ako, hindi ako nagpaka-virgin, dahil birhen na birhen pa talaga ako, at hindi ko pinigilan ang sarili ko na lumamon ng steak.

Gusto ko lang naman sabihin ay ito: itong buwan na ito ay isang mahalagang hakbang sa aking buhay at sa lahat ng mga taong napadpad sa daan na aking tinatahak sa buhay.

Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, nais kong muling mabuhay at lumakad na sa katotohanan, hindi ayon sa mga pananalig na hinubog ng sining at mga kuru-kuro ng sangkatauhan, kundi isang pananalig na tunay na nakabatay sa Banal na Salita.

Sa muli kong pagkabuhay, nais kong hamunin ang lahat ng kanilang nalalaman sa makatotohanang pamumuhay, sa pag-ibig at kalayaan ng taong magmahal, sa pamumuhay ng malinis, at sa pagkatao ng isang nilalang.

Hindi ko pakay gibain ang pananalig ninuman, bagkus, nais kong pagtibayin ang pananampalataya na magbubukas ng pinto ng iglesiya sa lahat. Nais kong hamunin ang lahat na maging katotohanan sa buhay nila ang saliksikin ang mga kasagutan sa Salita.

Wala sa puso ko ang tumiwalag sa pamilya ng pananalig na aking kinamulatan. Dito ako natuto. Dito ko nakilala si Kristo. Ngunit kailangan dumating ang panahon na ang pananalig at puso ng bawat tao ay dadanas ng pagsubok- hanggang saan umaabot ang kanilang pangunawa at kaalaman sa Bibliya? Gaano kalawak at kalalim ang kanilang iminumungkahing agape?

Hindi mahirap ang maging Kristiyano para sa akin- ang sumamba tuwing linggo, ang panatilihing dalisay ang kaasalan at pamumuhay, ang magwaksi ng anumang imoralidad. Madali lang iyon sa akin. Ang hindi ko lang kaya ay ang mamuhay ng isang kasinungalingan, ang iharap ang isang pagkatao na tumatalima sa kanilang paniniwala at relihiyon. Kung ang Maylikha ay ang Panginoon ng Katotohanan, bakit ko kailangan magsinungaling para sa kaligtasan ng aking kaluluwa? Kung ang bawat nilikha ay ginawa ayon sa Kanyang anyo at nilikha dahil sa Kanyang pag-ibig, bakit ko kailangan maging ibang tao? Minsan, hindi ko na rin makilala ang sarili ko.

Sa Linggong ito, wag niyo masyadong dibdibin ang sinabi ko dito. Ako man ay hindi basta basta nagtitiwala sa teolohiya ko. Maaaring nagkakamali ako, maaari din tama, ngunit sa isang doktrina lang ako hindi nagbabago ng pananalig- si Hesus lang ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, walang makalalapit sa Ama kundi sa kanya lamang.

Nawa’y maging makabuluhan ang Easter sa inyo. Nawa’y hindi nako maging pasaway matapos ako magmuni-muni sa post na ito.

Isa lang ang hindi ko matatalikuran- ANG PAGTRIPAN ANG MGA DEMONYO SA PAMAHALAAN AT BATASAN. Mahabaging Diyos, patawarin mo ako.


Amen. 

11 comments:

  1. galing mo magtagalog...taga batangas, cavite o bulacan? hindi ako masyadong relihiyosong tao yung masasabi talagang taong simbahan. Tulad mo naniniwala ako na hindi dapat maging hadlang ang relihiyon sa kung ano ang totoong magpapaligaya sa iyo.

    ReplyDelete
  2. Happy Easter Tripsater! Chill. I kinda half Protestant din. Kaya I kinda know where are you coiming from. Pewro Kristyano talaga ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Generic term na lang ginagamit ko dito baka sabihin masyado akong critical towards one denomination.

      Delete
  3. isang makabuluhang post na di dapat seryosohin haha. I enjoyed reading it. I may not agree on some points but then again who am I to tell you otherwise, we have our own beliefs :)

    Basta sarap basahin kasi magaling ka magkwento :)

    ReplyDelete
  4. Natouched ako naman ako dito. Awesome post. Good to know where you stand. Loved it:)

    ReplyDelete
  5. Ang lalim ng tagalog, binagalan ko mag basa para magets ko (feeling Kano) A basta, Happy Easter Tripster Guy! Hope you enjoyed the steak :) Ako corned beef lang kinain ko e, walang pang steak :)

    ReplyDelete
  6. Ang lalim ng pananagalog, though I may not agree at some points, pero that's your belief and your own person eh.

    Who am I to question that. Let us just agree to disagree and respect the lines in between :) :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why do I had the feeling that Jay would reply such as this? ha ha

      I love the way you posted for Easter in your almost perfect Tagalog - duguan ka na ba?

      Seriously though. It doesn't matter what you believe. I have my own principle when it comes to religion or faith - "As long as you believed that for me is religion and faith.

      Happy Easter

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....