Sunday, June 01, 2014

Menor Issues- part 01

Kapag binata ka na walang boom-boom-pow action every now and then o walang kasuyo tuwing gabi, na masaya’t magkatabi, at walang kayakap sa buong magdamag kahit hindi mo alam ang pangalan ng iyong kalandian, malamang ay lumelevel up ang iyong wisdom, to the point na madalas nagiging philosophical ka dahil madalas mong obserbahan ang buhay ng ibang tao at madalas mong tanungin ang mga hindi tinatanong ng mga busy sa sex life at love life nila tulad ng “What is love?”, “Ano ang meaning ng life?”, “Bakit puro kagaguhan ang nakikita ko lately sa timeline ko? Dahil ba gago at bobo ang mga friends kong in a relationship? Nakaka bobo ba talaga ang love at sex?”.

If we are in the same club of dashing bachelors, aminin mo- ganyan ang dialogue mo. My intelligence is due to the fact that my penis has not ventured into any other’s orifices. Bwahaha!

The thing is, kapag ang pag-ibig talaga ay pumasok sa iyong buhay, lalu na kung ito yung tipong ipinagbabawal o yung parang ketchup na kung saan ang lahat ay nakikisawsaw, maraming bagay at maraming tao ang maapektuhan.

Tulad na lang ng ating hinahangaan na si Freddie Aguilar. Last month nabalitaan ko na pupunta si Pareng Freddie dito sa aming lungsod. Mag perform siya kasama ang isang banda para sa isang benefit concert, at part na rin ng kanilang supposedly European tour.



Now, I’m not really a big fan of Freddie Aguilar pero sa tingin ko ang musical experience ng isang rock music lover ay hindi makukumpleto if you’re not going to pay respect to one of the living old pinoy rock music royalties (yes, it is debatable but I still consider Freddie Aguilar as one of the pillars of Filipino classic rock and country rock music). So I bought a VIP ticket to see the legendary music artist and the most controversial music artist of today in the Philippine music industry scene. Grabe naman si lolo, matanda na nga eh hume-headline pa sa mga gossip news.

Anyway, I was all set for that concert and ready to hear “Anak”, “Bayan Ko”, and “Estudyante Blues”.  Nadismaya lang ako ng mabalitaan ko a week before ng concert na cancelled daw.

Ayon sa aking kaibigan, tawagin na lang natin siyang si Ms. Insider, humingi daw ang manager ng mas mataas na fee. He doubled the price.

I said, Shet naman! Sa concert ni Alanis Morissette nagbayad lang ako ng 40 euros. Tapos nakalibre nga ako sa concert ng legendary rock icon Iggy Pop.  Eh magbayad ako ng 50 para kay Freddie Aguilar?! Hello?! International artist ka ba? Medyo kalokohan talaga.

Para hindi magalit ang mga nakabili ng ticket, kinuha na lang ng mga organizers si Ate Gay and Co. para mag set up ng isang show.

Na bad trip nako. Hindi nako pumunta. Hindi ko na rin ipina-refund yung ticket since para sa charity naman.

Matapos neto, may nabalitaan naman ako mula sa Pilipinas. Nagkaroon daw ng dramatic episode with matching layasan sa Casa Aguilar.

I put the pieces together. Kung tutuusin naman, ma-afford siguro ng mga organizers ang ang elevated talent fee at kaya naman siguro i-compensate ng mga sold tickets ang lahat ng expenses. Ready na nga daw lahat pati ang mga visa ng buong banda. Pero hindi kaya ang tunay na dahilan ng cancellation ay dahil nasabit na naman ang love-team ni Freddie Aguilar at ng kanyang menor de edad na nobya sa isang family battle at naapektuhan ang concert na ito?

Napakalaki ng posibilidad. Kaya ko naman naisipan ang bagay na ito- that love could really mess up certain things in your life. I hope naman na hindi maging ruin niya ang minor niyang girlfriend.

I don’t want to judge Mr. Freddie Aguilar. Para sa akin kasi, hindi dapat hadlangan ng sinumang tao ang pagmamahalan ng dalawang mag-irog, maliban na lang na kung ito ay labag sa batas at kung ito’y labag sa utos ng Maykapal. (Eto na, lumalalim na ang usapan!)

May isa akong kaibigan na nagkaroon din ng girlfriend na menor de edad. I did not approved it sa simula. I even tried to persuade him to relent from this kind of relationship dahil maaaring maapektuhan nito ang kanyang paglilingkod sa simbahan at isa pa, hindi ito itinataguyod ng batas ng tao. But in the end, wala din naman nakapagili sa dalawa.

Pero naniniwala ako na ang pag-ibig ay dapat mangyari sa tamang panahon at tamang lugar, otherwise, madaming problema ang dadating at madaming maaapektuhan na epal tulad ko.

Ito yung mga tinatawag kong “Minor Issue”, mga issue ng pag-ibig na may kinalaman ang isang matanda at isang menor de edad.


Hay pag-ibig nga naman!

17 comments:

  1. Conflicts. Kaya nga kahit anung edad pa yan. Ayoko muna mag lab layp. Pero nagagamit ko naman si totoy. lols.. joke.. pede mag joke ayt? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Single nga pero active naman si patotoy. Kudos bro! Hahaha! Puede naman mag joke. Who says life is a serious matter for me? It's a total joke.

      Delete
  2. I love how you are Mr. Tripster and your friend is Mr. Insider. Pag tatago mo ako sa pet name, Mr. Bogus gamitin mo ha? Hehe!

    I don't know if you are aware pero may recent eksena pa si Ka Freddie. Megan was on the news and was venting that her dad changed after he got married to the minor. She said he moved all the food to his room where he kept his own fridge. At ending ata ay pinaali pa sya ng bahay.

    E ewan ko din kay Megan, ang laki na, may asawa't anak na e naka asa pa kay Ka Freddie. Nagkataon lang siguro, nasisi pa tuloy sa minor na asawa. At ayun lang, dumaldal lang ako hehe :)

    But yes I agree, ever present ang minor issue! Perfect example si ka Freddie.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Know what may hinala ako na may kinalaman talaga yang incident na sinabi mo sa cancellation ng concert! Tsk tsk tsk...

      Delete
  3. Hahaaha! Nakakaaliw nman! Present na nman s post m. Not gonna tell u who am i.. guess mo n lng ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. If I know you personally, please wag mo na bisitahin ang blog na ito. Ikasisira ng buhay natin yan. If I don't know you but you know me because you are my stalker at matagal ka mang may gusto sakin, handa ako magpagamit sa ngalan ng art. Hahaha! You're really freaking me out. You're creepy Mr. I know you, perhaps you're a photographer included within my circle of friends. Hahaha!

      Delete
    2. Wat daa? You know me ahahah! Kala ko di mo iaaprove ung comment ko! XD and i am not a mr... ako ay isang ms :)) lol. Magreremain na lng muna akung anonymous.. :P

      Delete
  4. Aba may taga hanga ka pala, minor ba yan? he,he. I have no comment when it comes to people falling in love. Maraming nag-asawang akala natin eh magtatagal ang relationship pero hindi. While mayroon namang maraming tutol pero tumatagal. Mahirap mag-explain kung bakit. Ang alam ko, basta puso ang tinamaan, hindi nananalo ang utak. Complicated!

    ReplyDelete
  5. A very delicate case. Dito din marami naman mga Pinay may asawa ng mga oldies,, pero so far nag work naman:) masuwerte lang ako, I am one and a half year older than my hubby:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang naman mommy ang malayong agwat basta tunay ang pagibig....

      Delete
  6. Replies
    1. Whoever that is, sinisira niya ang buhay niya. Hehehe!

      Delete
  7. Hindi na girlfriend, pinakasalan nya na yung bata :)) Siguro nga mahal nila ang isa't-isa, sadyang creepy lang talaga tignan ang isang very old guy na magka girlfriend or wife na sobrang bata. Parang Pauleen and Bossing lang hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eww... hahahaha! Thanks for the update. Medyo creepy talaga kapag ang asawa eh parang lolo na. hahaha!

      Delete
  8. Oh my... nakakabastos ang cancellation ng concert ni Ka Freddie... AT ang mas nakakabastos ay si Ate Guy ang pinalit! Argh!

    Basta watevz the issue re so jowa niyang menor de edad na hindi naman yata, keri lang... Hiwalay nga naman ang pagka-icon niya at personal life nya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. His personal issue must not mix up with his image as an icon. Pero sayang talaga. Nakakapanghinayang na nawala yung opportunity na ma meet siya.

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....