Sunday, July 20, 2014

Ang Dating Daang Matuwid (mga muni-muni matapos magwala si Glenda sa Laguna)

DAP IS UNCONSTITUTIONAL. PERIOD.

Nakita naman siguro ninyo ang inyong minahal na Pangulo kung paano niya ipinagtanggol muli ang mga guard dogs ng Liberal Party at kung paano ipinamukha na naman sa ating mga mamamayan kung gaaano ka puti at kalinis ang konsensya nila nang ipinagmalaki niyang walang nangyaring nakawan sa kanyang Disbursement Acceleration Program.




Hindi ako expert ng batas. Elementary lang natapos ko. Pero hindi ko naman siguro kailangan ng college degree para maunawaan na puedeng ma-impeach ang walang bayag na pangulo ng Pilipinas.

Kung ang dating Punong Mahistrado Corona ay natanggal dahil lamang sa questionable na SALN, how much more ang pinuno ng estado na gumagamit ng pera na hindi ayon sa Saligang Batas? Bakit hindi umaksyon ang mga mambabatas upang ma-impeach ang presidente?

Dahil lahat sila nakinabang sa Matuwid na Daan. Our politics is now a fantasy-drama movie that is about the never-ending battle of good (Pnoy and Co.) and evil (other parties and everyone else who are not kissing the asses of the real power-brokers in the Liberal Party).

Nakakatuwang isipin na ang Matuwid na Daan ay nabuo sa pamamagitan ng isang unconstitutional program.

Ipinagmamalaki noon ni Aquino na ipinatigil daw lahat nila ang Arroyo administration projects dahil sa mga ‘irregularities’. Ngayon nakita natin na wala din pala silang ipinagkaiba. Teka, mali- malaki ang ipinagkaiba nila. Arroyo was in control of everything. Noynoy was NOT in control of everything, somebody else was.

Kahit igiit pa ni Ginoong Pangulo na everything was done in good faith o walang nakawan ang nangyari, ang usapan dito ay ito ay isang bagay na hindi ayon sa batas.

Idinahilan niya na maraming nakinabang sa DAP at maraming nagawa ang gobyerno dahil sa DAP.

Ang hindi ko nagustuhan sa lahat ay hindi man lang iginalang ng Pangulo ang desisyon ng Korte Suprema bagkus tinakot niya pa ito. Eh tangna this! Tuta niya nga yung born-again na Chief Justice natin eh!

Ngayong naapektuhan ang lugar namin ng bagyo, kailangan ng immediate attention ng government at efficient programs ng mga Kagawaran. Hindi ba nila kayang mag-operate ng walang DAP? Ang tanga tanga naman nila!


Here’s the thing Mr. President- HINDI KAILANGAN NG PILIPINAS NG DAP. ANG KAILANGAN NG PILIPINAS AY EFFICIENT LEADER AT ISANG EFFICIENT NA GOVERNMENT. Mga galing kayo sa pinakamahuhusay at pinakasikat na mga pamantasan ng Pilipinas, wala kayong maisip na paraan upang mapaayos ang gobyerno para hindi na mag employ ng mga unconstitutional means? Hindi kayo bobo. Pero huwag naman kayong magpaka gago. 

4 comments:

  1. Parang nagsisisi na tuloy ako kung baket siya ang binoto kong presidente last 2010 national election.

    Akala ko ba tayo ang Boss nya? pero sa takbo ng mga pangyayari ngayon, parang ang mga gusto lang niya ang nais nyang masunod? tsk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ewan ko nga ba. Ibinoto ko din ang mga gagong yon! Pinagsisisihan ko na lahat!

      Delete
  2. Tawa ako ng tawa sa picture ni Noynoy! Parang pose ni Jeannie sa I Dream of Jeannie - tipong shake shake ang ilong tapos mag disappear into thin air. Lol! At yun talaga na comment ko :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang... wala na tayong reason para seryosohin ang mokong na ito....

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....