Wednesday, July 09, 2014

Mr. Pee


Itago na lang natin siya sa pangalan na Mr. Pee. Isa siyang boxing champion, ang nagiisang Filipino boxer na nagbigay ng pag-asa sa Pilipinas sa pamamagitan ng boxing at pagiging isang absentee congressman, and more recently, sa pagiging isang alagad ni Kristo.

Ang dami-daming bansag sa kanya. Pinasasalamatan siya ng lahat ng Pilipino- mayaman o mahirap, gago o marangal na tao, kriminal at inosente, basta halos lahat ng Pilipino pinasalamatan siya dahil muling naitaguyod ang Pinoy pride. Kahit wala nang puƱetang pagkain sa mesa, kahit puro katangahan ang mga speeches na marinig mo sa plenary ng House of Representatives, wapakels! Basta manalo siya sa boxing yun na yun. Solb na ang lahat.



Formidable athlete naman talaga. He could’ve been a good statesman if he wanted to speak to the people. But he chose the path of politics. And he does have the intention of remaining there.

Matibay ang paniniwala ko na bilang congressman, hindi yan magnanakaw sa kaban o ma misuse ang pork barrel niya. Matibay ang paniniwala ko maaaring naloko yan ng mga kapwa niya Kinatawan o missing in action lagi siya during plenary.

After all ano ba ang trabaho ng isang kinatawan? Pangunahing trabaho ng isang kinatawan ay gumawa ng mga panukalang-batas para sa ikabubuti ng mamamayan, hindi ang mamudmod ng pera para sa mga iskolar o magpatayo ng mga school o waiting-shed.

Lalo pa tumindi ang suporta sa kanya magmula nang na convert siya at spiritually renewed. So asa ka pagdating ng 2016, todo bigay ang boto ng maraming mga Born-again diyan (sorry sa mga born-again at mga evangelicals but your politics is really f*cked-up).

Nakakatuwang isipin na itinuturing siyang sugo ng Diyos, isang marangal na man of God even though he’s apparently not fulfiling his duty as a congressman. But then I am a mere mortal man. Anong laban ko kay super venerated Mr. Pee. Sa mata ng mga relihiyoso, para din siyang sina Revilla at Imelda na nagsasabing “If God is with us, who can be against us?” Sorry naman! Kakampi niyo pala si God. Patawad naman!


Sorry kay Mr. Pee. Bumisita pa man din siya sa lungsod namin dito sa Florence. But please do us a favour, tulad ng reminders ko sa mga artista- keep out of politics. 

6 comments:

  1. well, magbbasketball na rin sya ngayon, at sa PBA pa!

    ReplyDelete
  2. Hindi rin ako bilib sa pagiging congressman niya. May basketball pang nalalaman , masyado na siyang pabibo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ewan ko nga ba. Gusto naman daw tumulong sa mga kababayan niya, eh siguradong hindi naman lagi siya naroon. I just wonder kung anong ginawa niya sa PDAF niya.

      Delete
  3. agree! sana hindi na lang siya pumasok sa politics...
    makakatulong pa rin naman siya sa ibang paraan gamit ang mga biyayang ipinagkaloob sa kanya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think politics will eventually destroy his reputation, and our future.

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....