Friday, July 11, 2014

The Making of Overdrive Italia 2014

Noong binatilyo pa ako (at binata pa rin naman ako hanggang ngayon) pangarap ko ang mag road trip. Madalas ko rin banggitin ito sa ilang mga comments ko at mga entries. Alam niyo naman ako, puro drawing.

Dulot na rin siguro sa kanta ng Eraserheads na “Overdrive” kaya naisipan kong mag road trip din kapag may car nako.



Noong nabili ko si Golfie in 2011, isang second-hand blue Volkswagen Golf 2001 model, I was really excited at naisip ko na mag trip na agad. But then, nagdatingan ang insurance, mga lecheng multa, at ang kahirapan ng pagbayad sa utang, kaya na delay na.

O, wag niyong laitin yan. Mahal ko yan!
So here we are after three years. Ilang tulog pa at lalakad na! Ladies and gentlemen, matutuloy na!!!! I really can’t believe na mangyayari na talaga itong pinapangarap kong road trip!

I christened this trip as Overdrive Italia 2014, in honor of one of Eraserhead’s best hits, Overdrive. We will be visiting the northern towns and cities of Italy

One week, 6 cities, and 3 people.

Maikli nga ang one week. Pero walang magagawa. Kailangan tipirin ang mga araw ng bakasyon dahil uuwi pa ako ng Pilipinas next year.

6 cities and destinations ng trip.

  1. Day 1 Cinque Terre- we will kick-off the trip by visiting this town. Cinque Terre means “five lands”. It’s a city composed of 5 different fishing villages. Spectacular views of the Italian coast. We will be doing a boat tour, and according to some reviews lots and lots of walking! We will be staying in the city of La Spezia, a 10-minute train ride from Cinque Terre. Why stay there? MAHIRAP MAGHANAP NG PARKING AREA!
  2. Day 2 Verona- the second destination is the city of Romeo and Juliet, the city of stupid and tragic love. May ganon talaga eh. Perfect lang para sa akin. Hahahaha! It’s also home to one of the ancient arenas that is still used up to now to host concerts and many other cultural shows.
  3. Day 3 Padua- the city of Saint Anthony of Padua, patron saint daw ng mga nagaanting. Hehehe! I’ve been to this city many times. Pupunta lang kami dito para mapasaya ko yung isa kong pasahero, and at the same time pupunta ako sa isang youth convention (youth talaga eh), not as a participant, but as an observer. Baka may mga umepal dun sa convention. Anti-epal police ako sa mga conventions ng church namin eh, kasi ako lang ang may privilege na umepal. Hahaha!
  4. Days 4-5 Brescia- another Lombard town in northern Italy. We will be visiting a friend here and we will be staying here for two days.
  5. Day 6- Milan- ihahatid ko na yung isang pasahero ko to Milan at mag stay na rin kami dun overnight.
  6. Day 7- Rome- Ihahatid ko naman yung isang pasahero ko to Rome at mag stay ako doon overnight
  7. Day 8- Florence- Homeward bound nako.

Mahirap din mag-organize ng ganitong trip lalu na kung ang iba-iba ang character at likes ng iyong mga pasahero. Hindi naman hard to please yung dalawa kong bestfriends. Pero siyempre siguradong may mga preferences sila.
Madali kong nahigit yung dalawa sa trip na ito, at itong dalawang ito lamang kasi ang mga natitirang nilalang sa mundo na kayang sakyan ang mga trip ko.
Yung isa ay si Milan Boy. Magbabakasyon daw ang nobya sa Pilipinas kaya ayun, available siya to join us dashing bachelors. Sa kanya kahit ano puede wag lang sosobra sa budget niya. Ipinangako ko naman na ihahatid ko siya pauwi.
Yung isa ay ang kakambal ni Dora at taga Rome. I’ve written something about him in one of my entries. He’s a fashion photographer at isang certified traveller. Kung saan saan yan nakakarating kahit walang sasakyan. He’s the kind who prefers a big company of friends, kaya nung sinabi ko na tatlo lang kami sa biyahe eh boring daw. Gusto ko sanang sakalin, pero hinayaan ko na. Kaya nung nag request siya na dumaan sa Padua eh pumayag na rin ako, mapaligaya ko lang siya. Ayun, mapipilitan kami mag check-in sa isang 4-star hotel. 100 euros per night. Ganyan ako sa kaibigan. Nakakabadtrip minsan pero trip trip lang talaga. Hahaha!

Pero we’re still in the stage of making plans. Ok na ang mga hotel reservations. Kailangan ko pa siguro i-check kung ok lahat ng parts ng sasakyan, at siyempre ang budget. Hay, gusto ko na dumating ang August!

16 comments:

  1. Aabangan ko ito since my friends are planning a trip to France then we will drive towards Italy but next summer pa ito para hindi na ako mag-isip ng places to visit at makatipid din, lol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi nga? Kung pupunta ka sa Italy, sabihin mo agad sakin! Kitakits tayo!!!!

      Delete
  2. Wow! Pasama naman sa overdrive na yan...

    natawa ako sa stupid and tragic love, bagay ba sayo? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Mar, kung alam mo lang.... hahahaha!

      Delete
  3. gudlak sa inyong roadtrip! :) grabe, pangarap ko rin yan hehehe, at gusto ko isa lang din ako sa mga pasahero lols, ayoko mag-drive. :)

    ReplyDelete
  4. Kung pwede lang dalhin mo car mo dito Pinas mag roroad trip tayo.. At mukhang di ka lang nag road trip jan ha, naging taga hatid ka pa. Looking for your post with lots of pictures

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako, I've tried it sa Pinas, nung nag town-hopping ako sa Laguna. Sorry pero life-threatening ang mga maneuver ng mga drivers sa atin. Kumuha ako ng personal driver. Yomon! ehhehehe!

      Delete
  5. Wow! Travel travel! Nakakainggit!.. kahit sino yata gusto ding makapagtravel... at nakakatuwa pa habang sinasabi mo ang plano na toh, parang sa kanto ka lang pupunta! Cool! hehehe! hope a save drive sayo at sa mga kasama mo..at sana mag enjoy kayo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako ang tagal ko rin hinintay itong pagkakataon na ito. and yes, thanks for your prayer of safety for us!

      Delete
  6. Same kayo ng car ng brother-in-law ko, matibay yan sa road trips basta check mo lang lahat na okay lahat ng parts then go na yan. Sya road trip yan from Norway - Sweden - Denmark - Germany - Austria and back. Good luck sa first ever joyride with Golfie sir Trips, happy trip!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! One day mapapalitan din naman si Golfie. Kapag brand new na, I will conquer Europe naman!

      Delete
  7. Congrats sa masayang trip! Homaygulay! Nakakainggit sobra! I super duper really really love Italy. Ewan ko ba kung ano ba ang mayroon sa lugar na yan na sa tuwing naiisip/may nababasa about it ay nakakaramdam ako ng nostalgia, even if di pa ako nakakarating diyan. Sounds weird diba? Pangarap kong makapunta/makapagtravel sa country na yan. Isa 'to sa mga pangarap ko sa buhay ko. At kapag nangyari yon, it will be the happiest day of my life.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Despite all the heavy taxation and the increasing cost of living, mahirap pa rin ipagpalit ang Italy. This is my second home and it is truly beautiful. Pangarap lang ito dati, ngayon nagkatotoo na. Huwag kang mag-alala, dreams do come true. Your time will come.

      Delete
  8. a road trip for one week in a different cities is one of my dream! at tiping yong kasama mo tlga yong gow lang gow..sa kabilawan..perfect! hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Just like what you always say, "Life is good!"

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....