Sunday, August 31, 2014

Overdrive Italia 2014- Lesson of the First Day: go with the flow!

Kapag napapagtripan ka ng kapalaran talaga, parang gusto mong pasabugin ang buong mundo.

Napagkasunduan ng trio naming na puntahan ang sikat na sikat na Cinque Terre. Ayon sa mga reviews at mga travel tips, mahirap ang mag-drive papunta sa lugar na iyon at mahirap din maghanap ng parking lot. So the best way was to book a hotel in the city of La Spezia at maghanap ng parking space sa area na yon.

Buena mano! First day pa lang na multahan na agad ako!

I programmed the first day like this: pagdating sa La Spezia, sugod agad sa train station to get the first train going to one of the villages of the Cinque Terre. Pero hindi! Nagyaya ang dalawa ko pang kasama na pumetiks muna sa La Spezia dahil gutom.

I saw this fountain in La Spezia. Wala lang. Natigilan ako eh. It reminds me of a hard, smooth and wet vagina. hahaha!

Medyo nanggigil na noon ako because for me, we were wasting a lot of time! Pero naisip ko din, first day ito, shet. Alangan naman mag-away-away agad kami eh may 7 days pang natitira. So sinakyan ko ang trip nung dalawa at naglakad kami ng ilang meters para maghanap ng pinakamalapit na fast-food resto. Note: THIS IS ITALY. THERE ARE MORE SLOW-FOOD RESTO THAN FAST-FOOD CHAINS.


Finally we decided to go to Cinque Terre. This is not actually a town, but let’s say a land made up of five, presumably, marvellous villages and, according to some travel reviews, fantastic beaches. I was expecting paradise. When we got there, well, the beaches were.... whatever.

Ewan. Medyo na-disappoint ako. Siguro nga kapag sa mga ganitong pagkakataon eh wag nga daw dapat mag expect. Narating naming ang Riomaggiore at Monterosso al Mare. Nothing really special.

Ang masaklap pa dito eh nag book ako ng boat tour, dahil gusto ko din sana mag sight-seeing mula sa dagat. Bad trip nga lang kasi sabi nung isa kong kasama mahal daw, hindi na daw kasama sa budget. Pina-cancel ko. Balak ko pa man din pagpiyestahan yung tour guide. Bwahaha! Para maging masaya ang mga kasama ko, pumayag na rin ako. Kaso nga lang, bigla naman itinanong sa akin kung may shopping centre ba kami madadaanan. Gusto ko sanang sakalin siya pero friendship outlasts and overcomes many things, and that includes the urge to kill a human being, hehehe! Bestfriend ko naman, so hindi ko rin magagawa yun sa kanya.

Sa beach, siksikan lahat ang tao. Parang naisipan ng buong bansa na sabayan kami sa paglusob sa dagat sa lugar na ito. I am not really fond of the sea, dahil hindi ako marunong lumangoy. Pero lumusob na rin ako. Go with the flow eh. Yun nga lang, I was wearing my eye-glasses. So ayun, sinunggaban ako ng malakas na alon. As of now, may isang sirena sa dagat ang nakikinabang sa salamin ko.



I had no choice kundi mag sun-bathing na lang, as if mestizong hilaw ako. Alangan sirain ko ang araw ko. Walang salamin. May multa pa. Walang boat tour at eye-candy-tour-guide.

Ginawa ko ang isang bagay na hindi ko madalas gawin- mag pray. Yes, I prayed. Perhaps I was too ungrateful to God for making my dream true. I prayed earnestly. Told God, yes, I’m freakin sick and tired of work and fines, puede po bang just for this week eh makahagilap ako ng biyaya, the way ang mga hinayupak na mga senador na yan eh nabibiyayaan niya.

Sa pagtatapos ng araw, everything went smoothly again. Nakahanap nako ng maayos na parking space, malayo sa hotel at malayo sa mga pulis. At least walang multa.

A pleasant walk from where I parked my car up to the hotel where we stayed. 15 minutes ko din nilakad, but at least ganito ang nilakaran ko.

At may ganyan pa!

Kung dati naka salamin ako, ngayon hindi na. I was blind, now I have contact lens. Artistahin na po ako tingnan! Hehehe! At kahit walang boat tour, eh nakabawi naman sa isang boat ng sushi sa Sakura Restaurant sa La Spezia.



Puede na. Just go with the flow!



6 comments:

  1. Yes! Isa ka palang kulay pink na pig! Lols.

    Ang ganda naman jan :) :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi na pink. Na lechon na ang balat. Sobra sa sun-bathing. Hahaha! It's a nice place but it didn't meet my expectations.

      Delete
  2. Opening line pa lang tawa na ako ng tawa! Lakas maka evil villain ng pagpapasabog ng buong mundo :)

    Oh well, despite sa mga gusot along the wall - happy ending naman, baka may tira pang sushi, pakipaanod naman dito ang boat Mr. Tripster :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe... Sige, mapapadpad din yang boat na yan diyan. And yes, happy ending naman.

      Delete
  3. sa ngalan ng 'friendship' lahat matitiis :)
    iniisip ko yung mukha nung nasa likod ng pig face hehehe
    bakit kasi may ganun lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. Believe me Jep, walang pinagkaiba ang mukha ko diyan. hahaha!

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....