Thursday, December 11, 2014

The Love Must Go On

Kumpleto na sana ang 2014 kung nakapunta ako sa concert ni Lady Gaga. Yun nga lang eh, February pa lang sold out na tickets, kahit yung mga special passes nila. Puñetang mga baklang yon!

Tulad din ng sabi ko noon, hindi ako mahilig sa mga clubs o disco, but I love live band performances at mga concerts. Dun ako nagwawala, at minsan nawawala. Frustrated rockstar/jazz-singer/pole-dancer ako. Hahaha!

Uneventful ang 2014 ko, in terms of music. Biglang may offer sa trabaho na discounted tickets para sa isang benefit concert na gagawin ng isang tribute band na tumutulong sa Ronal Mcdonald’s Foundation.



Duda ako sa tribute bands. Nababaduyan lang kasi ako sa mga impersonators. Somehow nung nakita ko yung Rubbish Band na cover band ng Oasis, ok naman. Pero itong Great Queen Rats na nag impersonate pa kay Freddie Mercury? Ewan ko lang. But since trip ko din ang ilang hits ng Queen eh di bumili nako ng ticket ko for one. Isa lang. Walang date. I don’t know anybody na mahilig sa mga rock classics. Nalaman ko na lang na inobliga ng director naming ang lahat na bumili ng ticket. Masaya nako!

Nagpunta halos lahat ng workforce ng trabaho. Sponsor pala yung may-ari ng company. It was a nice experience dahil hindi nako nag-iisa! Yes!


 Ok yung band. I was surprised dahil kuhang kuha niya yung voice ni Freddie Mercury. Too think pero kamukha na rin pati bigote. Yung ibang songs di ko alam pero nagwala nako nung kinanta na yung mga rock anthems ng Queen- The Show Must Go On, Somebody to Love, Crazy Little Thing Called Love, Bohemian Rhapsody, Under Pressure (grabe!), We Will Rock You, Another One Bites The Dust, at above all mas na feel ko ang I Want to Break Free (alam na!). Siyempre tatapusin ang tribute concert ng Queen with the walang kamatayang all-time favourite rock anthem We Are the Champions.

Great Queen Rats rock on! Long live the Queen!

video



No comments:

Post a Comment

Sige, sakayan niyo ang trip ko....