Thursday, January 15, 2015

Dulo ng Walang Hanggan

Two days na biyahe na walang ligo at kulang sa tulog, narating ko ang Ilocos, all the way from Italy. Ito na ang pinakamahabang biyahe na nagawa ko sa aking almost thirty years of existence, at sa tingin ko ay hindi ko na ito uulitin ang kahibangan na ito.



Naabot ko halos ang pinakadulo ng Luzon, ang Pagudpud. Kasal kasi ng pinsan ko, at para sa pamilya eh titiisin ko ang magkaroon ng greasy hair at stinky armpits, makakanta lang ako sa kasalan! Unforgettable talaga, hanggang ngayon ay hindi ako maka move-on, kung paano ako nakatulog ng 8 hours sa loob ng dalawang araw na hindi humihiga, laging nakaupo.

Naisip ko yung pagod din na dinadanas ng mga kapwa ko OFW na umuuwi sa Ilocos. Saludo talaga ako sa inyo mga kapatid kong Ilokano! Pero sa tingin ko, kayang tiisin ang lahat makarating lang sa tahanan at makita ang mga mahal sa buhay.

Sa Pagudpud ang kasalan. Enjoy naman sa beach wedding. Todo drama ko nung nakita ko ang pinsan ko lumakad sa aisle. Meron pa nga isang babae na todo naman magpapansin sakin, grabe kung maka-approach! Kulang na lang eh yayain ko na makipag-date. Yun nga lang eh sirena ako sa beach na yon.

Nakakatuwa ang mga taga-Pagudpud. Kapag nagtanong ka ng directions sa kanila, usually, sasabihin nila , "Malapit lang po dito." Or "Twenty minutes lang po ang biyahe mula dito". Yung malapit nila mula sa point na kinatatayuan nila translates to "ten baranggays between point A and point B", at yung sinabing twenty minutes translates to 1-2 hours ride. Pero wala naman traffic, derecho ang daan, at kokonti ang mga gagong driver.

At sa dulo pa talaga ng Luzon ako makakatikim ng German cuisine. The best na kainan talaga ang Bergblick Restaurant. Ewan ko ba kung ano ang naisipan ng chef na ito para magtayo ng resto sa dulo ng walang hanggan. Pero kung masarap na kainan sa Pagudpud ang hanap mo, dito ka na. The long ride is worth it.

Napuntahan ko ang Rock Formations sa Kapurpurawan, ang wind turbines sa Bangui, at ang Laoag. It's a pity hindi kami nakarating kina Ferdinand Marcos. Madaming issue kami at the time kaya dumerecho na kami sa Vigan para makita ang old town at ang mga kahayupan sa Baluarte.

Narating ko na rin sa wakas ang Vigan. It felt like being in old Europe. At siyempre yung famous na Dancing Fountains tuwing gabi. The show starts with an overture flashing the name of the lord of the land (alam na kung sino). Mabuti pa ang mga daan papuntang Pagudpud, derecho at ay may hangganan. Ang mga kagaguhan sa pulitika, mahaba ang daan, liku-liko at walang katapusan.

Sayang hindi nako nakasakay ng kalesa at nakapasyal pa ng mabuti. Napilayan ako kaya ayun, dumerecho na kami sa Laguna.

Sa tingin ko hindi lang naman Vigan ang dapat ma consider na isa sa mga bagong wonders of the world. Ilocos, its political and cultural history, its beaches and mountains, is simply extraordinary.





11 comments:

  1. Kapagod naman ng biyahe mo, hehe. Pero parang naibsan naman yun dahil sa mga nabisita mong mga places. Pangarap ko ding makapunta diyan, lalo na dun sa Vigan. Ang sarap ata ng feeling ng maglakad-lakad dun sa makalumang kalye habang ini-imagine mong naka-suot ka ng makalumang damit pang-Español na feeling prinsesa sa makalumang panahon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's really an amazing place. Mahaba ang biyahe but it's worth it.

      Delete
  2. Sayang, la kang mga pictures. Really nice to see the place sana:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hirap mag upload sa mobile eh... maybe when I have my laptop na.

      Delete
  3. Ang busy pero may posting. Enjoy your stay. I like this post. I would probably visit these places since I have time during the summer break. Thanks for sharing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You should visit the place sir. At siyempre hindi ko puede ma neglect ang aking blog. Hehehe!

      Delete
  4. Maganda talaga sa Ilocos :)
    Nais ko ring makabalik sa Pagudpud.
    At makalibot pang lubos sa Vigan.

    :)

    ReplyDelete
  5. Welcome to the Philippines Sirena este Sir Trips! Hahaha. Sayang, I can't dare to say na pwede kitang i-visit sa Laguna :( unlike before. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit naman?! Ngayon pa na handa na ako magpakita! Hahaha!

      Delete
    2. Walang driver :( buti pa yung driver, nagbkasyon sa oz. Pero if youre in manila and you wanna hang out, let me know :) therr's a newly opened museum in cubao, you might want to check it out :) :) :)

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....