Saturday, January 17, 2015

Panalangin Ngayong Linggo Habang Nasa UST

Sa ngalan ni Damaso,
Ng CBCP,
At mga pulitikong nakinabang sa pangalan ng Diyos,
Amen.



Ama namin, na nasa langit, kahit kami'y sumasamba sa Ngalan mo.
Ipagkait man nila ang Kaharian mo sa amin, ay susundin pa rin namin ang kalooban mo,
Dito sa lupa, at saan mang kalyeng naglipana ang mga katulad ko.

Bigyan mo kami ngayon ng aming pag-asa sa pagdating ng kanyang araw,
At patawarin mo kung kami'y nagmahal ng kapwa namin,
gaya ng pagpapatawad namin sa mga santong gago at mga ipokritong banal na sumiping din sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa guapo,
At iligtas mo kami sa lahat ng mga tanga.


Aba Ginang Maria, napalibutan ka ng mga disgrasyada,
Dahil sa sinabi ng Panginoong Damaso sa iyo.
Pinagpala ka nga sa lahat ng kababaihan,
At kapus-palad naman ang lahat na nakapalibot sa iyo.


Santa Maria, alagad ng Diyos,
Ipanalangin mo kaming nag mamaryang-palad,
Ngayon at magpakailanman,

Amen.

2 comments:

  1. Ayos, dinggin sana ang iyong mga panalangin, amen!
    Grabeh, natawa ako dito ng marami lalu na sa dulo ng dasal.

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....