Saturday, January 03, 2015

Tatlong Kembot Na Lang!

January 3… tatlong tulog na lang at I’m coming home na!

As usual uuwi na naman ako na walang budget, walang clear plan or itinerary, at walang kasama sa biyahe.

Hahabol kasi ako sa kasal ng pinsan ko sa Ilocos at nagsabi din ang father ko na gusto daw niya na magkasama ang buong pamilya sa pagbabakasyon sa Pilipinas.

So kahit na negative pa rin ang balance sheet ko at hindi pa ako makakabayad sa insurance ng kotse, eh sige go! May fund naman daw si Papa kaya dun ko na daw muna kunin ang pera sa lahat ng expenses ko.

Feeling ko parang spoiled rich brat na naman ako, hahahaha! Late 20’s ko na pero pagdating sa pera, parang highschool na dependent sa allowance na ibinibigay ng parents, hahaha! I should be ashamed of myself, pero nag insist ang tatay ko eh.

Hanggang ngayon hindi pa ready ang luggage ko. Tinatamad talaga ako mag handa. I feel the pressure kaya ayun, tinatamad ako.


Anyway, I hope to see some of you at ilahad na ang monstruosity na nagtatago sa likod ng blog na ito. Don’t worry, hindi naman kita kakainin, hindi rin kita kakagatin. Medyo manyak ako tumingin pero gentleman pa rin. 

9 comments:

  1. Mahirap mamasyal ng walang kasalapian pero mayroon naman si Papa so sige lang, ha,ha,ha. Pahihiramin ka naman raw. Paki post na lang ang mga bloggers na ma meet mo. Have a safe journey!

    ReplyDelete
  2. Hahaha :) Damang-dama ko ang excitement mo ah, mukhang na-miss mo sila ng sobra! Happy trip sa iyo :)

    ReplyDelete
  3. Enjoy the ride, and enjoy your stay here in the Philippines!! :)

    ReplyDelete
  4. ayos yan! medto late nga lang ang celebration ng new year with the fambam pero at least meron pa din sa kasal nga lang ng pinsan mo. ideally tipid na sa handaan lol

    ReplyDelete
  5. shoroyyyy uuwi! pautang din sa Papa mo ng pera. choz!

    ReplyDelete
  6. Papahanda na ako ng welcoming committee Mr. Tripster! Have a great and fun trip!

    Happy New Year na din! :)

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....