Wednesday, February 04, 2015

Ang Bahay na Bato ni Rizal, O Kung Paano Nabuo sa Aking Kaisipan na Batuhin ng Bato ang Dep Ed at mga Bumaluktot sa Ating Kasaysayan, O Ang Kababuyan ng Kasaysayan, Or Mabuti Pa Ay Basahin Niyo na Lang ang mga Aklat ni Ambeth Ocampo

Si Jose Rizal ay mahirap. Daw. Si Jose Rizal ay ang bayani ng masa. Daw.

Itong buwan na ito, nagpunta ako at ang aking travelling partner sa Rizal Shrine sa Calamba. Hindi na kasi kami natuloy sa Cebu at Bohol dahil sa bagyo at hindi rin kami puedeng magsabay ni Pope Francis.



Anyway, natatandaan ko noon na itinuturo sa amin na si Rizal daw ay mahirap. Natural, iisipin mo na "Wow, kasama siya ng masa!". Pero two years ago, matapos kong basahin ang ilang aklat ni Ambeth Ocampo at matapos mabisita ang reconstructed na bahay niya, doon ko na realize na, "Wow, they fucked us up once again in history!"

Sa panahon noon, walang pobre ang nakatira sa isang bahay na bato. Walang pobre ang makakapag-aral sa Europa. Walang pobre ang makaka-afford na makipaglandian sa dalawang dosenang babae na taga Europa, at kung sinu-sino pang malanding dalagita na anak ng mga ilustrado.

The problem with our education system is that it tries to paint the image of a fictional hero, trying to fit the imperfect image of a man in the figure of a messianic saint. Or was it part of some political/colonialistic attempt to manipulate our culture and history, putting the whole nation under a political belief system which is like a leash.

Gaano ba kahalaga na malaman natin na isang mayamang ilustrado si Rizal? Magdudulot nga ba ito ng kaunlaran sa ating bayan? Of course, hindi ko masasagot ang mga tanong na iyan. Pang ibang level na iyan, at nakakatamad magsulat ng dissertation sa isang blog. Shet, blog ito!

But I think it is important for the people to look at concrete facts, to be educated about the truth in our history, otherwise, we will be a people under the influence of lies and fabricated myths and legends, stories which will divide and destroy our nation.

Kung mapadaan man kayo dito sa Laguna, wag niyong kalimutan na pumunta sa Rizal Shrine sa Calamba.

1 comment:

  1. Di ko maalala na tinuro sa amin na mahirap daw si Rizal. At tsaka, may idea na talaga ako na nakakaluwag siya sa buhay.

    Pero oo nga, ang dami talagang kasinungalingan sa kasaysayan, hindi lang kay Rizal. Yung kay Bonifacio din for example. Hindi kamiso de chino ang suot niya at hindi rin bolo o itak ang kanyang armas.

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....