Monday, February 16, 2015

Misleading at Masyadong Assuming


"I'm sorry if I made you fall in love with me.", yan ang mga linyang pinapraktis ko, na sasabihin ko sa mga babaeng na in-love sakin. "Mga babae" talaga no? Nagbibiro lang naman ako. Para sa lahat ng mga nakakita na sakin, alam naman nilang pang horror na lang ang looks ko.

But seriously, sa tingin ko na-in-love na yata ang female friend ko na isinama ko sa Laguna. It's either talagang nakuha ko na ang loob niya o masyado lang talaga ako assuming. Nag pa facial na ako at sa tingin ko naman ay hindi na ganon kakapal ang mukha ko.

Paano ba naman kasi, lagi na lang ako pinapadalhan ng text or message sa FB. Kahit yung mga bagay na puede niyang itanong sa sister ko, ipadadaan niya pa rin talaga sakin. Yan ang mahirap eh kapag hindi pa nalaladlad sa kanila ang tunay na kulay ng dugo ko.

Siguro nga masyado misleading ang mga actions ko.

I assumed na malinaw na hanggang friends lang kami. Ever since na nagkakilala kami ay lagi na kaming ipinagtutulakan sa isa't-isa, at ever since nagkakilala kami ay itunutulak ko na rin siya sa iba. Ganyan sa church namin eh. Excited lahat sila na ikasal ako, akala naman nila ay maiimbitahan sila sa kasal ko.

I invited her over dito sa Laguna dahil wala na daw siyang ibang mapuntahan. Mayroon naman akong mga male friends pero, like I said before, minsan boring ang male company or ako lang talaga ang nakakabato. And besides, baka gapangin pa nila ako. Hahaha! So as a good friend, I invited her over sa amin at namasyal kami all over Laguna, just the two of us.

Hindi ko trabaho ang magpaasa kahit kanino man. And we have a good friendship. Ayoko naman sirain ang pagkakaibigan namin. Maybe it's time to tell na the only thing that make us both compatible is that fact that we both prefer penis.

Pero hindi ko naman kasalanan kung talagang kaibig-ibig ako. Sige, let me rephrase that- hindi ko rin kasalanan kung umiibig sila sakin. It's their choice. Kahit din naman ako umibig din, at mag-isang nagmamahal. Pero I'm moving on. Para maka move on ka at makalimutan mo siya, you have to take one small step towards a new life. Ganon yon! Hindi sa drama nadadala ang pag-move on.

Hay nako, payo ko na lang sa kanya, at sa mga katulad niya na nakakabasa nito, huwag na kayo umasa sa mga tulad namin. Mag lugaw na lang kayo, may itlog din yon.

Kahit din naman ako, masyadong assuming. Please dalhan niyo nga ako ng lugaw, marami at yung may mainit at malaking itlog. Salamat!

15 comments:

  1. The mere fact na invited mo siya sa Laguna at kayong dalawa lang ang namasyal eh parang sinabi ma na rin sa kanya na tayo na nga. Hindi ba kapag ikaw ay invited ng isang male companion na gusto mo and finding out na kayong dalawa lang ang lalabas, ano ba ang iaasume mo, na sana kayo na! As early as possible, tell her friends na lang kayo without even giving a hint na itlog din ang hanap mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabagay. Mali din nga yung ginawa ko. Tanga tanga much lang ako.

      Delete
  2. Kawawa naman ang mga katulad ni girl. Endagered species na kasi ngayon ang matitinong boys. Finally may nakita na silang matino-mabait-matalino-at-almost-perfect-na-guy pero ang di nila alam gay pala yun. Sad ako for them. #angsaklapnamanteh

    ReplyDelete
    Replies
    1. She's my fag-hag. Hahaha! Sasabihin ko na nga sa kanya.

      Delete
  3. Walang kasing haba ng hair mo! Hahaha... Ako nga, crush kita eh. Pero nung nakita kita, binabawi ko na! Bwahahahaha...
    Di ka naman boring kasama ah!
    Baka nga naman, OO, #pafall ka! lols!

    ReplyDelete
  4. at nasaan ang comment ko? Denelete mo ba trips? Hmp!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala ako nakita iba... hindi yata pumasok..

      Delete
    2. Really sorry guys.... wala talaga ako nakitang comment.

      Delete
  5. Ew. nandidiri ako. May involved na babae! di ako maka-relate!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha! Ikaw talaga senyor. Allergic ka ba? Hahaha!

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....