Wednesday, February 18, 2015

That Thing Called Ang Paghahanap ng Sarili In the Most Unlikely Places

Where do broken hearts go nga ba? Hindi naman nasagot ni Mareng Whitney ang katanungan na ito. Kaya sa movie ng "That Thing Called Tadhana" ang sagot nito ay sa Roma, Baguio, Sagada at Manila. Panoorin niyo na lang ang movie.

Napaisip lang ako dun sa isa sa mga topics na napagusapan nila sa movie- ang paghahanap ng sarili. Ang tendency talaga ng mga broken-heart o yung mga taong naghahanap ng pag-ibig ay hanapin nila ang sarili.

Bakit nga ba hinahanap ang sarili? Because we lose ourselves when we fall into the trap of love. And when we find ourselves out of love, we lose a part of us and when we look at the mirror, we cannot recognize the reflection we see in there. Kaya siguro hinahanap namin (oo, kami talaga) ang sarili namin in the most unlikely places
So they go to places like Europe para tumunganga sa kung anu-ano. At pati na rin sa Baguio. Siguro dahil malamig, masarap mag-muni-muni. Pero pano mo naman makikita ang sarili mo sa pagmumuni-muni?

Ako, I went to look for it in Palawan. At I found love in Puerto Prinsesa. At sa Baker's Hill pa.



That's a big love di ba? Hahahaha

Sige, I have to sign off now at hahanapin ko pa ulit ang sarili ko, somewhere in Baguio.

12 comments:

  1. Mayroon din yan dito kaya lang mas maliit sa nakita mo at nagpa piktur din ako kasama siya. Yan na lang ang yakapain natin, hindi pa mabubuntis, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maglulugaw na lang ako sir, at least may itlog din yun. Hahaha!

      Delete
  2. Replies
    1. It was ok. At least a lot better than the usual sugar-coated ultra commercialized romance-comedies.

      Delete
  3. Nasa Baguio ka pala hehehe.
    Sino naman ang iyong kasama?

    Hays... ang usaping paghahanap sa sarili.
    Nakamamangha na nakakabaliw :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Family trip. Kaya hindi ako makalandi sa baguio. Hahaha!

      Delete
  4. Maggastos din pala ang pagmo-move on. Buti na lang di pa ako nai-inlab. Wala pa kasi akong pang-Europe o pang-Palawan lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Puede din naman isang case ng red horse. Hehehe!

      Delete
  5. Ang laki ng LOVE na nahanap at nakapag picture ka pa Mr Tripster :)

    So yan na ba ang katanungan ni Mama Whitney? Sa Baker's Hill pala pupunta ang broken hearts :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually puro mga lovers dun. Naging bitter lang lalo ako. Hahaha!

      Delete
  6. isa sa mga best indie film of all time ang movie na yan... siguro kaya madalas natin hinahanap ang sarili natin pagnakapaghiwalay kayo dahil may mga bagay na sa tingin natin ay masyado natin nabuhos ang lahat ng pagmamahal mo sa iyong irog.

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....