Tuesday, July 07, 2015

The Johnny Bravo Syndrome at Kung Bakit Nakakabadtrip Ang Mga Gwapo

Minsan talaga makakakita ka ng isang guy, super hot and sexy. Mukha pa lang makakaraos ka na. Habang naglalakad siya nakikita mo ang mga curves na sumisigaw sa hapit niyang jeans at t-shirt at sa iyong isip sisigaw ka ng “EXTRA RICE PLEASE! EXTRA RICE!”. Yung mga braso na sana ikaw ang sinasalo, mga mata na sana ikaw ang tinititigan, mga labi na sana kinakagat kagat mo, at mga binti na sana sinasakyan-sakyan mo habang-

Moving on. Makikita mo sila. At kapag swerte ka, makikilala mo sila at makakausap. Maraming ganyan dito. Pinoy at Italyano. At kapag ibinuka na nila ang kanilang bibig mapapa-isip ka, “Puwet ba itong kausap ko? Bakit puro shit ang mga pinagsasasabi?”

Oo, mga kapatid, maraming gwapo na sobra sa tanga. Ok masyadong harsh. Sabihin na lang natin na maraming gwapo na kulang sa personality, bad trip ka sa character pa nila, at wala kang mapapala sa intelligence. Ito ang tinatawag na Johnny Bravo Syndrome- mga lalaking hanggang kama na lang ang silbi, ngunit sa relationship eh wala kang mapapala.



Sorry, talaga kung masyado ang discriminatory. Hindi ko naman sinasabi na matalino ako. At wala sa hitsura ko ang maging choosy. Pero nagaalala lang ako sa sangkatauhan. Paano makakaabante ang sangkatauhan kung ang mga gwapo ay may Johnny Bravo Syndrome?

Johnny Bravo Syndrome- isang depekto sa personalidad at katalinuhan ng isang lalaki na kung saan sobrang self-absorbed niya, pati utak na absorb ng void.

I am really surprised na may ganon talagang mga lalaki. Akala ko kathang isip lang iyon, na mga character lang sa pelikula o cartoons. Pero totoo na may gago, may bobo, at may ewan.

Meron din naman na mautak. Gagamitin nila ang kanilang looks for their own benefit and purpose. Nakaka disarm naman talaga ang cuteness or gorgeousness ng mga lalaki. Pero dun mo ma-realize na wala talagang budhi ang mga hayop na yan. Mga oportunista.

Pero sabi nga nila? Kung may utak ka na at wala ka naman hitsura, bakit utak pa rin ang hahanapin mo? Humanap na lang daw ng gwapo, at least kumpleto ka na. Hahaha!

Nakakapanghinayang din kasi. Naalala ko lang yung panahon na na akit talaga ako ng sobra dito sa isang binata na kilala ko. Hindi ko lang patulan kasi, kadugo ko din naman. Nandidiri tuloy ako sa sarili ko. Ayoko kasi pumatol sa bata. Mas nandiri ako sa sarili ko dahil na attract ako sa isang taong kulang sa personality talaga at wit. Siguro dahil bata pa nga siya. Hahaha!

Sige na. Ako na ang ipokrita! Sunugin niyo na ako ng buhay! Oo aminado ako na gwapo din ang hinahanap ko. Pero sana naman yung may mapagkukwentuhan naman kami over dinner. Hindi naman siguro kami mag-love-making ng 24 hours. May mga oras din naman na kelangan ko ng kausap o kapalitan ng mga kuru-kuro. Dahil dadating ang panahon na mawawalan tayo ng hitsura, at unti-unting ma diminish ang sexual urges. Matitira na lang ay tayo na kulubot na ang mukha (unless ma afford natin ang botox) at puting buhok (unless ma afford din natin ang hair implantation sa Turkey).

Ang mas nakakabad trip sa mga ito eh they can really get away with anything basta mag invest lang sila sa kanilang looks. Better treatment, free access, surrounded by good-looking people, freebies- name it, makukuha nila yan sa isang ngiti pa lang. I know because I give better treatment to handsome men. Hahaha!

Sa mga average human beings na tulad ko, we have to work hard to achieve something. We have to be more civil, more amiable, mag effort pa sa pagiging corteous, and we have to suck up to people and kiss ass, or in most extreme cases, fight fiercely just to get what we want or what we deserve.

Ganon siguro talaga ang buhay- may kanya kanyang biyaya lang, dahil iba-iba rin ang trip ng Maykapal.

Ngunit ang panawagan ko lang sa inyong lahat ay ganito: Kung gwapo ka, humanap ka ng pangit na mas matalino sa iyo, dahil walang patutunguhan ang mundo kung puro gwapong bobo, dahil kahit kami’y pangit, may kinabukasan at may patutunguhan ang lahat.

Nagsalita ang pangit. Bow.


12 comments:

  1. Di ka naman pangit, Mr. T. For me, you look just fine.

    Yung mga pinoy na may Johnny Bravo syndrome, maraming nagkalat niyan sa Facebook. Yung iba nga feelingero lang eh. Yun ang mas nakakairita. Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naks! I'm flattered. Hahaha! Question: san mo nakita ang picture ko? Napaparanoid na tuloy ako...

      Delete
  2. Whahaha :) Ang saya naman basahin nito, halo-halong sentimyento, kaisipan at panlilibak lols :)

    Sana ang 'Johnny Bravo Syndrome' ay tulad din ng lagnat na pwedeng ma-experience ng lahat hahaha (o ako na lang kasi mukhang wala akong ganitong kalagayan lols), pero at least kung katulad siya ng 'lagnat', paracetamol lang malulutas na ang panandaliang kakulangan ng personality at katalinuhan hahaha (pero mukhang marami ang gugustuhing wag na lang gumaling lol).

    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi makukuha ng gamot yan kasi nga Stupid is forever. Hahaha!

      Delete
  3. pano ba magrereact ang cute sa ganitong post? lols.. pag-iisipan ko..

    Hmm.. How would I say this? I don't get easily impressed by gwapo unless the "gwapo" really starts talking.

    The real gwapo is hard to find, kasi kung madali, sana mag boypren na ko ngayon. Hahaha.. #excuses

    ReplyDelete
    Replies
    1. Girl, for you, it would be harder to fina a guapo because nowadays, a guapo looks for another guapo. Hahaha!

      Delete
  4. Or bading. Most of the time bading. NKKLK.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry girls! May monopoly na kami sa gwapo. hahaha!

      Delete
  5. mga lalaking hanggang kama na lang ang silbi, ngunit sa relationship eh wala kang mapapala.
    --- nyahahaha natawa ako dito ☺

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabuti pa ang vibrator. At least less ang hassle. hahaha!

      Delete
  6. Sana mabasa to ng isang Johnny Bravo mng hanapin nya ako haha :)

    Naku super agree ako sa post na to Mr. Tripster. May mga FB friends ako (na inadd ko kasi pogi haha) na pogi nga, grabe naman ang grammar! Napapa isip ako minsan, ndi ba nag aral to? Parang may mga toddler pang mas maayos mag salita. Pero syempre kahit sablay ang grammar, ang dami pa din like ng kung ano mang post nila. Dahil malamang ndi naman binasa ng mga tao.

    Ayun lang po, sabay na ako ng sunugin ng buhay sayo Mr Tripster haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Because at the end of the day, we would still get down on our knees, face their crotch, and give them paradise. hahaha!

      Delete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....