Tuesday, August 25, 2015

AGOSTO!

Bakit nga ba? Dahil ang Agosto ang pinaka peak ng summer vacation at hindi ko na enjoy dahil-

1. Wala na akong bakasyon. Naubos na lahat nung nagbakasyon ako noon Enero hanggang Pebrero sa Pilipinas. Oo, nakabaskyon nga ako pero bad trip pala yung trabaho ka ng trabaho habang ang nakikita mo sa Facebook ay mga larawan nila na nagtatampisaw sa dagat, naglalakad sa tahimik na gubat, at kung saan-saan pa sila gumagala. Habang ako, ayon nga-nga sa trabaho.

2. Wala na akong budget. Hindi ko rin lubos maunawaan sa paanong paraan ako laging short sa budget. Sa totoo lang kasi ay may pinaglalaanan akong ibang bagay- tulad ng pambili ng palasyo o villa dito sa Italya, pambili ng isla sa Palawan, pambili ng isang coin-operated na lalaki, at mga insurance at investments, kung anu-ano pa. Oo isa akong materialistic na tao. Kagalakan ko ang magtampisaw sa pera at maparaos ng limang bayarang lalaki gabi-gabi. Weh! Wish ko lang! Pero sana makaluwag naman ako at magkaroon ng budget para sa mas enjoying at relaxing na bakasyon.

3. Walang matinong destination. Actually napapunta ako sa city ng Perugia na kung saan nandun yung isang famous chocolate factory na Perugina (under ng Nestlé). Pero side trip lang yun dahil may pinuntahan akong isang convention ng church naming. Napilitan na ako pumunta dun dahil nandun din ang mga bestfriends ko at may isang church ministry akong hinahawakan. Unfortunately, hindi pa naipamamalita sa mga anak ng Diyos na ang isa niyang manggagawa ay isang abominasyon. Kaya ayun, napapapunta na naman ako sa mga iba't-ibang destination. I am a man on a mission (who likes to be in a missionary position, if you know what I mean).

4. Walang beach body. Nakakatakot pumunta sa dagat. Baka mapagkamalan akong balyenang inanod. Baka buhatin ako bigla, dalhin ako sa isang barko at itapon sa karagatan. Dios mio que horror! Tapos makikita ko sa pictures hitsura ko. Eeeewww! Hahaha!

Pero at least naman, etong August….

1.Nakapag reconcile. May mga taong nanghudas na ngayon ay nakipag reconcile na. No, let me correctthat, ako ang pilit na nakipag reconcile at pinatawad ko na sila kahit hindi sila nag sorry. Ok lang. Tapos na ako don. Di na ako bitter. Isa na lang talaga ang naka pending ang issue sa akin. May araw ka din!

2. Nakapag reunion. Kumpleto na ulit kaming tatlo ng bestfriends ko- The Blogger (me), the Lover (bestfriend 1), and the Traveller (bestfriend 2). Also known as The Baklita, the Beloved ni Baklita na Boyfriend naman ng Iba, and the Bad Romance Lagi. Malalakas ang trip namin eh. Kala lagi ng iba boy band kami. Hindi ah! May muse kaya! Hahaha! But really, I am happiest when I am with them. Tanggap ako ng isa, tolerated naman ng isa, but still, alam kong mahal nila ako bilang kaibigan at kapatid. Bromance, well, 2/3 bromance.

3. Naka tipid. Inisip ko na rin na okay na rin ito, at least wala ako masyadong gastos. May kasalan pa ako ulit na pupuntahan sa September (need to buy a new suit and a new pair of shoes), at may winter getaway ako sa Naples at Milan. Kaya ok na rin!

This will be my last entry for this month. Di ko na sasabihin na wake me up when September ends. Gasgas na ang linya na yun. Leche! Kayod na lang ulit sa September.

7 comments:

  1. Kasi sa ibang buwan ka jajabongga nang bonggang-bongga!! Hahaha...
    Make sure that you dont over work yourself :D :D

    #walanglovelife #icanrelate hahaha

    ReplyDelete
  2. Nyahaha.

    Well nakakariwasa naman ang mga lugar na pupuntahan mo. Good luck. Its always nice to have a friend na kayang sakyan ang saltik at kalokohan mo. Kahit mabigat ang buhay nagiging light.

    Have a blast sa September

    ReplyDelete
  3. hindi naman pala na masama. nabreakeven ang hindi mo nagawa sa mga nagawa ko. kerinuh. plus halur, fully booked ang september! wag nang choosy. charoz.

    ReplyDelete
  4. Dami momg kwento pero the best and Number 2 ha ha.

    Sama ako sa Villa pero sayo na lang yung coin-operated (bwisit ka!) ha ha. Miss ko na talagang magbasa ng marami dito balang araw mangyayari din yun :)

    ReplyDelete
  5. ang saya saya ng blog mo! hahahahahhaa, tlaga ba? vacation? pasensya kasi hindi ko pa nababasa ang profile mo, malamang sa ibang bansa ka naka base. :)

    ang masasabi ko lang jan, yes, tipid talaga, nakakapagod tlaga mag work, tas work tas work, huhuhuhuhuhu, kaya nakakatakot mwalan ng parents na sasalo sayo kapag broke kana. :(


    Naisip ko business talaga, you have your time, ikaw ang boss, but you need sipag. :) and PR!

    ReplyDelete
  6. Haha for sure naman bawi ka sa travel before the year ends! Hindi ka ba dito mag holiday vacay sa Pinas Mr. Tripster? Baka kasi may natabi kang chocloates from Perugina, e gusto ko nun e haha :)

    ReplyDelete

  7. Hi Mr. Tripster, balik lang ulit dito for some infor.

    I added you on my links.
    Please visit this to know more: http://stevevhan.blogspot.com/p/artist.html

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....