Monday, September 21, 2015

Journal Entry. August 18, 2008

Binati kita. Sabik na sabik makita kang muli. Kunwari lang na bad trip lang ako kapag nakikita ka pero hinahanap pa rin kita.

Binati mo din ako.

Kumustahan. Lokohan. Kanya kanyang hangin at yabangan. Natutuwa na kapiling kang muli.



Kumustahan ng puso. Ang akin, eto, okay, nasa kamay ng iba ngunit nagaalinlangang tumakas. Sa’yo?

Eto, malapit na malamnan.

Gulat. Galit. Pighati. Hindi ko noon maintindihan ang nararamdaman ko. Pero siyempre, ngumiti din ako sa’yo. Mahal kita eh. Nabaliw na ako sa iyo. Sinisira ko na buhay ko at mundo ko para sa’yo. Masaya ka na kasi. Masaya na rin ako.

Sa pagkakataong ito, mapapahiwalay ako. Di bale na. Ayoko rin malaman ang lahat tungkol sa inyo. Baka lang mapabigay ako nang di oras. 

Mahal kita. Malinaw iyon. Pinilit ko man patayin ang damdamin pero bakit ayaw kitang bitiwan? Bakit ba ang dalangin ko ay magkawalay kayong dalawa? Marahil nga ay mahal na nga kita.

Magkatabi tayong nakatayo habang nakikinig sa opening remarks ni pastor. Magkatabi. Di ko na pinairal ang kasupladuhan ko. Balikat sa balikat. Na miss kita sa totoo lang. Binabadtrip mo na naman ako pero okay lang. Kahit papaano hinihingi mo din na mapansin kita. Di bale na. Kahit papaano kasama pa rin kita, kasi di magtatagal di mo na gagawin yan sa akin. Inisin mo man ako, okay lang basta nandyan ka.

Ganito na kalapit siguro ang maaabot ng katawan ko sa iyo. Magkasama lang tayo pero hindi tayo. Hindi ka akin, o kahit kailan man di ka magiging akin. Bukas kaya? Ano kaya ang bukas natin?


Bakit pa ba umibig sa iyo? Putang ina mo! Tarantado ka! 

8 comments:

  1. Ang pait! Grabe. For a moment akala ko ako kausap mo. Ganun ka raw emotions. Partida 2008 yan ha. Pano pa pag 2015.

    ReplyDelete
  2. I really don't know what to say tripster, alam ko mahirap yan lintek mong pinagdaraanan, but if you need a friend hindi lang virtual, you can always contact me, hangout in real life. :)

    I also read some of your posts. :) parang ang wirdo ko na no? hahahahahha.

    i also got you nominated! I think nag comment ka na dun. Here's the URL: http://stevevhan.blogspot.com/2015/09/random-thoughts.html

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks. But don't worry, medyo ok nako. Hehehehe! It's been more than 8 years na nakaraan. Anyway, if ever i get back to the Philippines baka makipag meet din ako sa ibang bloggers.

      Delete
  3. Oist 8 years ago na to ha!
    Bakit mo biglang pi-nost ngayong September 2015?
    MU (Mag-isang Umiibig) ka pa rin? More than 10 years na yan ha tantanan mo na tsk tsk...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ms. B... lakas mo mang basag ng trip ha. hahaha! Nakita ko lang sa computer ko yung mga journal entries ko noon. Yes. it's been more than a decade of loving and lingering. Pakshet talaga. hahaha! But i think medyo naka move on nako. But then sabi nga nila, first love never dies.

      Delete
  4. Putikk... Nagtransition na yung MU (Malabong Usapan) sa MU (Mag-isang Umiibig). Haha..

    Sakit sa puso diba.. Pero yan nga, lilipas din. Lilipas ang lahat. Malilimot ang sakit at iibig ulit. Char!! HAHA

    ReplyDelete
  5. Emeghedd eng seket! Di ko ma-imagine kung gaano na ka-bugbog ang pusong nagmamahal at nasasaktan for more than 8 years. But be proud of your heart because in spite of all the hurt that you have gone through, it is still working.

    P.S. Ibig ko po sanang matanggap sa email ko ang mga bagong posts mo. Please?
    Bisitahin niyo po ang Blogger.com.
    Punta ka po sa Settings > Mobile and Email. Pakisulat po sa box (na may label na Email posts to) ang email ad ko po na anonymousbeki@gmail.com

    Marami pong salamat.

    ReplyDelete
  6. I had to read this loudly and with feelings. Para mas damang dama ang post mo. By the way, I was alone in the basement. hehehe

    So deep. Painful!

    ReplyDelete

Sige, sakayan niyo ang trip ko....