Saturday, November 28, 2015

Huwag si Duterte, Please

Nakita natin kung paano dumiskarte si Hon. Rodrigo Duterte sa famous hit song ni Regine, Urong-Sulong. Yun nga ang bagay na theme song sa kanya.



At ngayon, nalugod ang mga fans niya dahil official na siyang tatakbo for the highest office in the land.

So ito ngayon ang pakiusap ko sa inyong lahat. Huwag niyong iboto si Duterte. Oo. Please lang. Huwag si Duterte.

Bakit? Ano ba ang masama kay Duterte? Maganda ang na-achieve niya sa Davao, at compared sa ibang presidential candidates, wala siyang bahid na anong dumi at hindi siya maitim… I mean, hindi maitim ang budhi niya dahil wala naman siyang na-launch na black propaganda against other contenders. In fact, I saw one interview na binigyan pa niya ng papuri yung iba, even the candidate with the most unlikely attribute, binigyan niya ng positive comment.

But why not vote for Duterte?

Bakit nga ba hinangaan si Duterte? Naniniwala ako na humanga ang lahat sa strong and uncompromising character ni Duterte. Just like Miriam, pero talagang macho-politico ang approach niya- Duterte and Death walking like besties against the society’s beasts.

Kahit ako humanga. And not just his uncompromising character na kasing level ni Miriam, pati din ang progress ng Davao. So why am I against the idea of Duterte winning the presidency?

I don’t mind him becoming the president of the Philippines. I am not against him. I am against those people who encouraged him to run for president, dahil napahanga sila sa kanyang katigasan.

Philippines, handa ba talaga kayo para sa katulad ni Duterte? Iisa lang ang iniisip ko kung maging pangulo man si Duterte o si Miriam- mahihirapan sila sa pagpapalakad ng bansa, at mismong gobyerno nila ang unang-unang makakalaban nila.

Remember when Miriam was a Cabinet official, the whole bureau was against her when she started to clean up the mess and straighten up the acts of her officials. And they were successful to remove her from office.

Isipin niyo Pilipinas, they will implement DISCIPLINE- something that is basic to other countries but is totally an alien concept everywhere else in the archipelago.

Hindi ko minamaliit ang kapwa ko, pero tumingin ka lang sa iyong kaliwa at kanan at mauunawaan mo ang sinasabi ko.

I predict na once they start all the reforms and discipline, yung mga pumuri kay Duterte, they will be the same people who will cry out to crucify him, tatalikuran din nila si Duterte at sasabihin na malupit siyang Pangulo. This is not the first time in our history that our people betrayed the same man whom they voted for.


Panginoon, patawarin niyo po ang mga Pinoy, dahil hindi nila alam kung ano ang kanilang hinihingi.

3 comments:

Sige, sakayan niyo ang trip ko....